TD - 6

146K 1.2K 169
                                    

CHAPTER 6

CASIMIR'S POV

Nababagalan ako sa oras.

Ganto ba talaga 'pag bored?!

Matapos ko mag-lunch ay inumpisahan ko gawin ang ilang pinapagawa sa'min. Like, gagawa ng portrait kahit maliit lang, gamit ang ketchup and other resources parang painting pero ketchup gamit mga ganon? Haaay.

Mag-isa lang ako dito sa bahay eh, okay fine andito naman ang maids. Wala sila Papa, nasa office.

Nang matapos na 'ko ay lumabas ako ng kwarto at pumunta sa theater room. Manunuod na lang ako ng movie.

Nagpadala din ako ng meryenda dito. Habang nanunuod ako tumunog ang cellphone ko. ISTORBO.

"OH?" tanong ko sa tumawag na ni hindi ko man lang tinignan sa screen kung sino.

"Hello din, ha?"

"Hindi kami nagtitinda ng yelo."

"Gago. 'Di naman ako bumibili ng yelo. Leche ka. Tapos mo na 'yung-..."

Hindi ko na siya pinatapos magsalita, "'Di kita kilala."

"Lanya naman oh. Sinagot mo tawag ko tapos 'di mo ko kilala? Sige papakilala na lang ako, Ako si Geoff Sevilla. Gwapo, mayaman, isang ngiti ko lang kinikilig na mga babae sa'kin, ta-..."

"Tapos ka na? Ako naman ha. Ako si Casimir Ramirez at wala akong pakialam sa'yo. BYE." at in-end call ko na.

Maya-maya naman eh nag-text siya,

From: Geoff

Bakit ba kayo ganiyan ni Henry?! BASAG TRIP KAYONG DALAWA KAHIT KELAN!

'Di ko na ni-reply-an. Sayang load.

Saktong pagkatapos ng movie eh narinig ko na ang busina ng sasakyan ni Papa.Andiyan na sila!

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon