TD - 51

60.3K 1.3K 266
                                    

CHAPTER 51

CASIMIR’S POV

Halos isang linggo ko na sine-sermunan itong si Jhaztine. Anak ng teteng, enrollment na para sa 1st sem pero hindi pa nag-e-enroll, magle-late enrollee na lang daw siya kasi hinihintay pa niya padala ng tatay niya. Niloloko ba niya ako? Bakit naman matatagalan si Tito eh pagdating sa kaniya bigay agad iyon. Ang lapit na kaya ng pasukan! Ilang araw na lang.

Isa pa, laging pagod sa practice tapos magpapatuyo ng pawis kaya ayan nagka-sakit.

“Ang tigas-tigas kasi ng ulo mo.” Hinagisan ko siya ng white towel. Nasalo naman niya at pinampunas ng pawis. Nasapo ko ang noo ko. “Are you an idiot?” Hinagis ko sa kaniya ‘yon para basain niya at ilagay sa noo niya. Hay, tanga.

“Are you talking to yourself?” ngarag ang boses niya at ‘yung mata niya halos ‘di pa niya maidilat.

Lumapit ako sa kaniya at idinikit ang kamay ko sa noo niya. “Ang init mo. Mahiga ka nga.” Utos ko pero hindi siya marunong makinig kaya binuhat ko siya.

“Put me down!” reklamo niya.

“Put me down, put me down, manahimik ka. Ako ang masusunod ngayon.”

“I hate you.”

Marahan ko siyang inihiga. Hinablot niya ang kumot niya para kumutan ang sarili niya pero hinila ko ‘to. “’Wag ka mag-kumot, makukulob ‘yung init sa katawan mo.”

“Then just turn off the aircon.” Masungit niyang sabi. Pero pinatay ko na rin naman ang aircon at hinawi ko ang kurtina para naman maliwanag dito sa loob ng condo. “I told you I can handle myself.”

I know that she’s an independent type of girl but I just can’t let her be alone and sick. I brought her here so she is my responsibility.

“Can’t you just shut up and take a rest?” pinameywangan ko siya.

“Tss.” Tinalikuran niya ako pero sinunod din naman ako na matulog siya.

Binasa ko ang towel at pinigaang mabuti. Tumabi ako sa kaniya at pinunasan ang magkabilang braso niya at ang mukha niya. Kumuha ako ng isa pang towel para basain, pigaan, at ipatong sa noo niya.

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon