Special Chapter 1: Geoff & Belle

45.5K 739 39
                                    

Nabi-bwisit ako. Nabi-bwisit ako sa babaeng 'to. At nabi-bwisit ako sa sarili ko kasi gusto ko siya.

Ano ba naman kasi 'yung nagpapakabait ka naman, ginagawa mo 'yung kung ano sa tingin mo sweet pero bandang huli, sigaw at pananakit ang ibibigay niya sa'yo?

Minsan nga nakakalalake na 'to eh, pasalamat siya mahal ko siya.

Mali rin ba na inamin ko sa kaniyang gusto ko siya? Pakiramdam ko kasi mas lalo niya akong sinisigawan mula no'ng nalaman niya eh. Putek, may ibang babae diyan na gustong-gusto ako pero siya naman... ay nako talaga!

Naalala ko tuloy nung nalaman niyang gusto ko siya, dinedma ako! It was during our college week tapos maraming tao kasi may mga booth and games tapos nung hinuli ako ng kung sino dahil tumapak daw ako sa bilog na siya lang ang nakakita eh pinipilit niya akong ikulong sa jail booth.

"Tangna mo naman eh. Wala akong naapakan kaya pwede ba tigilan mo ko sa kakornihang 'to!" maktol ko.

"No. Magse-stay ka lang naman do'n for two hours eh!"

Tinulak ko 'tong matabang 'to pero nahawakan niya nanaman ako. "Two hours? Anong gagawin ko sa two hours? Anak ng teteng bakit pa ba ako pumasok!"

"Ang ingay mo!" Binuksan niya ang jail kuno. "Pasok na!" At tinulak niya ako sa loob muntik pa 'kong masubsob. Hay putangna talaga.

"Hoy! 'Pag ako nakalabas dito makikita mo! Ipapa-lechon kita! Hayup ka!"

Narinig ko pa siyang sumagot. "Ilang beses ko na narinig 'yan, wala pa ring nangyayari!"

Nagdadadabog ako sa loob at natigil lang ako nang may bumato sa akin ng basahan. Pagtingin ko ay nakita ko si Belle. "Ang ingay mo maglinis ka na lang! Dagdag stress ka eh!"

At ito ang parusa sa loob ng jail, lilinisin ang vandalized na pader. Marami naman kami rito pero sinong shunga ang gugustuhin dito? Ayaw ko maglinis! Hindi ako pinanganak ng nanay ko para maglinis ng pader na sinadyang dumihan! At isa pa, sa bahay nga namin hindi ako naglilinis, dito pa kaya?

Kinulit ko 'yung taga-bantay. "Hoy, ano pa bang kailangan gawin para lang makalabas dito?"

Itinuro niya ang stage kung saan hinahanda para sa magiging performance mamaya. "Aakyat ka sa stage at isisigaw mo ang pangalan ng babaeng gusto mo."

"'Yon lang? O game." Ang dali-daling sabihin na Jessy Mendiola eh!

Pero maya-maya may nahuli nanaman 'tong si taba at ako nanaman ang napansin niya. "Ikaw, additional two hours, kanina ka pa diyan pero hindi ka naglilinis!" Nang maglakad na siya paalis ay palihim kong itinaas ang middle finger ko. Tangna talaga no'n, sarap papakin!

Pero nakita kong tinawag siya nung kausap ko na nagbabantay at may ibinulong, kitang-kita ko pa ang pagngisi niya. Bumalik sila at binuksan ang jail booth, hinila ako palabas at tinutulak-tulak niya ako paakyat sa stage at ginamitan niya pa ako ng fake na posas. Hay pucha. Gamit ang mic, in-announce niya na para makalaya ako ay isisigaw ko ang pangalan ng babaeng gusto ko.

Maraming nakatingin sa akin ngayon. Shet. Bakit ba kasi pumunta pa ako dito sa school para makipagkita kay Henry kung pwede ko naman siya indiyanin at makaiwas sa kahihiyan na ito.

Nakita ko ang mga nakakulong sa jail booth na lahat ay nakatuon ang atensiyon sa akin maliban sa kaniya... kay Belle.

Minsan lang ako maging honest kaya susulitin ko na.

"Belle Trinidad!"

My focus is on her but she didn't even bother to give me a look. Patuloy lang siya sa trabaho na ginagawa niya. Bakit gano'n? Pakiramdam ko napahiya ako dahil dinedma ako ng taong gusto ko. Tangna ko naman kasi, pwede namang artista na lang ang binanggit ko pero hindi iyon ang ginawa ko. I chose to tell the truth. I chose to tell something real.

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon