TD - 42

74.7K 1.3K 1K
                                    

CHAPTER 42

DESIREE'S POV

Balik nanaman ako sa dating gawi na 'pag galit ako kay Henry hindi ko siya pinapansin, dedma kung dedma.

Bakit, sino bang matutuwa na kausapin siya? Bwiset. Do'n siya sa Paula niya.

Break time at palabas na sana kami ni Alex nang may humila sa braso ko at biglang sumara ang pinto... kaming dalawa ang naiwan sa loob.

Kinalabog ko ang pinto at nagsisi-sigaw. "Alex! Buksan mo 'tong pinto!"

"Sorry friend pero kailangan niyo kasi mag-usap eh!" sagot niya, shit lang. So nakita kaya ng lahat ng kaklase namin na na-lock kami dito? Hindi man lang kami tinulungan... or baka pinagtulungan pa kami... no, ako lang pala.

Tanga ka Desiree nasa loob ang lock. Pinihit ko ang door knob, bahagyang umawang ito pero hindi ko mabuksan ng tuluyan para bang may nakaharang.

Habang busy ako sa pagpipilit na buksan 'to ay ayon siya nakaupo lang at pinapanuod ako.

"Hindi ka man lang ba tutulong?" iritado kong tanong. He shook his head. Ugh, the nerve.

"Geoff! Belle! Buksan niyo!" patuloy lang ako sa pagtawag sa mga kaibigan ko pero hindi ko ata sila kaibigan sa mga oras na 'to.

"Tara, gutom na 'ko bayaan niyo na maglabing-labing 'yang dalawa diyan." rinig ko ang boses ni Geoff.

"Akala ko pa naman kakampi kita..." mahina kong sabi. Bwiset. Bwiset talaga.

"Mapapagod ka lang." sabi nitong nilalang na 'to na prenteng nakaupo, nakapatong pa ang mga braso sa sandalan ng upuan.

"Wala kang pake." I rolled my eyes.

"I only need five, no, maybe just three minutes to explain."

Padabog akong naupo sa teacher's table. "Who needs your explanation, anyway?"

"Uh, you?"

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon