TD - 36

95.6K 1.4K 732
                                    

CHAPTER 36

ALEX'S POV

Natutuwa pa ako habang kumakain kami ni Casimir dahil ang cute niya, pinipilit ko siyang tikman 'tong tapa pero ayaw niya. Choosy pa. Mas gusto niya nga raw kasi ang order niyang corned beef. Tss. Sarap niya lang batukan.

Nakikipag-tawanan pa ako sa mga kaibigan namin nang biglang tumayo si Casimir at naglakad. Mukhang hindi ko gusto ang aura niya. Sinundan ko ng tingin kung saan siya palapit at napatayo na lang din ako bigla.

Katapat niya si Jeremy at ilan pang mga lalaki. Palagay ko sila 'yung frat members na kasamahan ni Jeremy.

Susundan ko na sana si Casimir pero pinigilan ako ni Geoff at Henry.

"Maupo ka lang Alex." utos ni Henry. Nang hindi ko magawang maupo ay hinawakan ako sa braso ni Des at pinaupo.

Lumapit silang dalawa sa kinaroroonan ni Casimir. May mga pinag-uusapan sila at halatang galit si Casimir at Jeremy sa isa't isa.

Hindi ko maintindihan ang ilan nilang sinasabi basta ang narinig ko na lang ay motor, duwag, mga mura at pati ang pangalan ko. I am obviously involved there but I have to stay here to avoid any trouble. I am a play safe, I know. I knew that from the start.

Nabigla ako nang itulak ni Casimir si Jeremy pero hindi naman ito natumba. Agad namang umabante ang ilan sa kasamahan ni Jeremy pero pinigilan niya ang mga ito. Gusto ko na talaga silang lapitan para awatin pero kailangan kong manatili rito.

Nilapitan ni Jeremy si Casimir at tinapik ang balikat nito pero agad nitong hinawi ang kamay niya. May kung ano siyang sinabi kay Casimir pagkatapos ay tumingin sa akin. Nanibago ako sa tinging ipinukol niya sa akin, hindi galit at hindi rin hinanakit kundi lungkot. Basang-basa ko sa mata niya na malungkot siya pero nagawa pa rin niyang ngumiti. Agad akong nakaramdam ng lungkot sa puso ko. Hindi ko ito inaasahan. Hanggang ngayon pala, kahit matagal ko na siyang hindi nakakasama at madalang makita eh mayroon pa rin siyang epekto sa akin. Maybe he's a fratman now but I know deep inside he's still the Jeremy I know, the Jeremy I love.

Lumapit ang mga guard sa kanila at pinaghiwalay ang dalawang panig. Bumalik na sila Casimir sa table namin at sa malayong table naman dumiretso sila Jeremy.

Padabog na umupo sa tabi ko si Casimir at hindi na ginalaw ang pagkain niya. His body tensed when I reach for his hand.

"Kain ka na," I pleaded.

"Nawalan ako ng gana." Cold niyang sagot.

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon