Special Chapter 4: Jericho

26.3K 588 35
                                    

The flash of the cameras around me is the highlight of my daily life... before.

Mabuti nga ngayon, nabawasan na. Kailangan ko kasi mag-focus sa studies. Pakshet, huwarang kabataan na pala ako ngayon. Actually, what I am doing right now is just for formality. Ako naman na talaga magmamana ng restaurant eh kailangan ko lang talaga makapag tapos para naman may diploma ako at certificate bilang patunay na kaya kong mamahala.

Nakakasawa 'yung online schooling, konti lang girls ko nung mga panahon na 'yon eh. 'Di naman ako babaero eh, konti lang naman, tsaka mabait pa ako kumpara sa iba. Mind you people, I don't do 'it' with them. I'm a gentle playboy.

All I want is to have someone to accompany me. I met a lot of girls in modelling industry pero hindi ko naman inaasahan na makikita ko pala ang ideal girl ko sa loob ng kusina.

It was that time noong nagmamadali akong pumunta sa restaurant dahil na-late ako ng gising galing sa party isang gabi. Dumagdag pa sa stress ko na pagkarating ko roon ay maraming tao, jam-packed ang restau, dapat ay masaya ako dahil punong-puno pero as a management student, a long line is never a good thing.

"Weng, 'yung table #6 kanina pa tumatawag. Ikaw naman diyan, bilisan mo sa ginagawa mo maraming tao. At Dyosa, pansinin mo 'yung customer do'n, magpapalinis ata ng table." I breathed. "Guys, kailangan maayos ang lahat. Come on, work your ass off he-..."

Hindi ako natapos sa sasabihin ko nang abutan niya ako ng isang baso ng tubig. Nginusuan niya ako nang hindi ko ito kinuha agad at tinignan pa siya ng masama.

"Sir, chill. Kaya natin 'to, okay?" Alex gave me an assuring smile.

Ewan ko pero nung mga oras na 'yon tinamaan ako. Nawala 'yung stress ko dahil sa kaniya.

Naiinggit ako kay Casimir dahil si Alex ang girlfriend niya. Naiinggit ako kasi matalino siya, magaling sa race, at dahil may girlfriend siyang tulad niya. Lahat na lang angat siya eh.

Hindi naman ako 'yung tipong naninira ng relasyon at ipipilit ang isang bagay na gusto ko kaya hinihintay ko na lang na maghiwalay sila. Peste, ang tagal nila bago maghiwalay.

Nang makita ko si Casimir sa ibang bansa na may kasamang ibang babae, nasaktan ako para kay Alex. Kasi siya, ginagawa niya ang lahat para kay Casimir eh para sa ikakatuwa nito, para ipagmalaki siya nito, tapos ayon masaya naman pala kasama ng iba sa malayo.

But I didn't take advantage, hindi ko ginawang dahilan 'yon para mapa sa akin si Alex kasi alam kong malayo pa sa imposible na mangyari 'yon. Alam ko namang hindi ako 'yung tipo ni Alex.

Kahit naman playboy, pwede pa rin maging choosy. Choosy ako sa liligawan ko. Gusto ko 'yung katulad nga ni Alex, hard working, sweet, masayahin, at responsible. May iba pa kayang gano'n? I doubt that.

Do'n sa pinasukan kong school, boring. 'Di ko feel ang mga tao do'n, puro yabang. 'Yung tipo ng mga taong alam nilang may patutunguhan sila kaya balewala na sa kanila kung makapasa o hindi. Kaya ako nag-transfer sa school nila Casimir. Na-culture shock pa nga ako nung una eh kasi dito hindi lang puro mayaman tsaka ang mga tao naman dito, competitive.

Madalas kong makita sila Casimir kaya minsan sumasama ako sa kanila. Lalo lang ako naiinggit sa kaniya dahil sweet sila ni Alex. Hindi sila 'yung tipo ng sweet na nakakairita, in fact, sila 'yung sweet na nakakatuwa.

Ako kasi, ang ideal relationship ko hindi puro skinship, gusto ko 'yung kaya niyong mag-asaran, mag-ingay, pero nagiging sweet pa rin.

Pucha, parang 'di ako playboy sa mga sinasabi ko. Kinikilabutan na ako.

Pinagpapatuloy ko pa rin ang pagmo-model ko at pansin ko ring madalas ako pagselosan ng ibang lalaki. Eh bakit gano'n, wala pa rin akong lovelife. Defuts naman oh.

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon