Lumipas nga yung mga araw na lagi kaming sabay umuuwi ni Kelvin. Sumasabay din sya samin ni Kim kapag recess.
Pero di nagtagal, Nagka gusto ako kay Kelvin.
Di ko alam kung paano o Kailan. Ganun pala yun? Bigla-bigla mo nlang mararamdaman na gusto mo pala ang isang tao.
Siguro dahil sobrang bait nya, Nice Person, Matalino, at masarap kasama. Perfect na perfect lara sa Ideal man ko.
Yung dating Irish na walang ka-crush crush eh ngayon may gusto na. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng kaibigang lalaki na close ko talaga. Kasi Honestly di talaga ako close sa mga lalaki.
Pero yung pagka-crush ko kay Kelvin ay Crush lang. Di naman porket crush eh mahal mo na agad?
Natutuwa lang kasi ako sa kanya, Ambait pa at infact isa pa sa nagustuhan ko sa kanya ay yung mata nya. Yung mata nya na kapag kinausap ka ay di mo maiiwasang titigan ng titigan. Napakaganda kasi eh. Ang haba pa ng mga pilik mata.
Two months na ang lumipas at parang mas lumala pa ata ang pagkagusto ko kay Kelvin. Di ko alam kung bakit pero totoo eh. Mas lalo pa kami naging close at minsan pa nga eh napagkakamalan kaming magsyota. Pag sinasabihan kami ng mga tao ng ganun ay lagi akong napapabulong sa sarili ko na 'sana nga'.
"Uy, tignan mo Irish oh. May nagpadala sakin ng sulat."
Gulat na sabi sakin ni Kim. Kahit ako nagulat din eh.
"Saan? Patingin! Tara basahin natin."
"Hello. Medyo nahihiya ako kung pano ko to sasabihin sayo. Pero napagpasyahan kong sa sulat nlang. Matagal na sana ako magpapadala ng sulat sayo eh. Kaso ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magpadala. Alam mo, Matagal na kitang gusto. Mahal na nga ata kita eh. Sa twing magkasama tayo, lagi mo kong napapasaya. Sana bigyan mo ko ng chance para mahalin at ligawan ka.
From: Kelvin :) "
Halos madurog yung puso ko nung mabasa ko yung last part ng sulat. Si Kelvin? Gusto nya si Kim? At ang malala pa ay Liligawan nya. Di ko alam kung ano ba dapat kong maging reaksyon. Pero sa totoo lang, Nagseselos ako. Dahil yung taong mahal ko eh mahal yung Bestfriend ko. Anghirap ng sitwasyon ko.
Nung sumapit yung uwian eh hinila ko agad si Kim. Wala muna akong balak sumabay pauwi kay Kelvin.
"Ano ba Irish? San mo ba ko dadalhin? Gusto ko sanang kausapin si Kelvin eh."
Hawak ko yung braso ni Kim habang tumatakbo palabas ng room.
"Teka lang. Tandaan mo ah, Kailangan mo muna kilalanin ng lubos si Kelvin. At hintayin mo munang mahulog yung loob mo sa kanya bago mo sya sagutin."
"Ano ka ba Irish, Di ko na kailangan hintayin yung araw na yun. Kasi dati pa lang naman eh gusto ko na si Kelvin di ko lang agad nasabi sayo pero gustong gusto ko na sya dati."
Nagulat ako sa mga sinabi ni Kim. Ano? Gusto nya na rin si Kelvin dati pa lang? Dalawa pala kami ng Bestfriend ko na lihim na nagmamahal kay Kelvin.
"Ah ganun ba? Mag usap na kayo ni Kelvin. Ingat rin kayo. Sige Bye. Uwi na ko."
Agad akong tumakbo palabas ng school. Habang tumatakbo ako di ko maiwasan mapa-luha. Takbo lang ako ng takbo. at di ko alam kung san ako dinala ng mga paa ko. Napunta na pala ako sa park kung saan madalas kaming tumabay nina Kelvin. Umupo ako sa isang bench dun tsaka ako umiyak ng umiyak. Ganto pala feeling ng broken hearted? Ay di pala, Crush ko lang naman sya eh. Masyado pa lang malalim ang meaning ng salitang "CRUSH".
Halos di ko alam kung anong gagawin ko nung malaman kong nagmamahalan pala ang bespren ko at ang crush ko dati pa lang. Parang ayaw ko muna magpakita sa kanila. Patuloy lang na tumutulo yung mga luha ko.