"Tara dito nlang tayo umupo Bryan."
Umupo kami sa isang bench. Bumili kamin ng ice cream saka nagkwentuhan. May lumapit samin na dalawang bata.
"Ate kuya, Answeet nyo naman po."
Sabi nung isang bata.
"Oo nga. Bagay na bagay po kayong dalawa."
Sabi nung isa pang bata.
"Ah ganun ba? Sige bibilhin ko na lahat ng sampagitang hawak mo."
Yabang netong si Bryan! Eerrrr!!
"Salamat po. Sana tumagal pa po kayo."
Habang inaabot nung bata yung sampagita kay Bryan.
"Syempre naman, Hinding hindi ko iiwan tong girlfriend ko."
Sabay akbay sakin. Nakakainis na tong Bryan na to! Anong GIRL FRIEND?? Nababaliw ka na ba? Sarap mong sapakin eh.
"Sige po alis na kami."
"Sige."
Umalis na yung dalawang bata at tinanggal ko na din yung pagkaka akbay sakin ni Bryan.
"Ano girlfriend pinag sasabi mo? Nahihibang ka na ba? Nakakainis ka!"
Pinaghahampas ko sya sa braso nya.
Tatayo na sana ako kaya lang pinigilan nya ko at nagulat ako ng bigla nya kong halikan.
Di ko alam kung ano naging reaksyon ko nun.
Sya ang first kiss ko? Noooo!!! Nainis ako sa kanya nun.
"Bakit mo ko hinalikan?" With the high tone of voice.
"Sorry, Nabigla lang ako. Kulit mo kasi eh."
"Pero di mo dapat ginawa yun!"
"Sorry talaga."
Di ko na sya pinansin nun. Dahil sobra ang inis ko sa kanya.
"Uy sorry na. Di ko naman sinasadya eh."
Di pa rin ako nagsasalita. Di ko pa rin sya pinapansin.
"Alam mo bang kaya ko lang nagawa yun eh dahil gusto kita. Oo Mahal kita. Gusto kong maging totoo yung sinabi ko kanina na girlfriend kita."
Nagulat ako sa mga sinabi nya.
Di ko alam kung anong sasabihin ko.
"Maaahaal mmmo kko?"
Mahal nya ko? Paano? Kailan?
"Oo, Mahal kita. Mahal na mahal kita. Nung una pa nga lang eh nagustuhan na agad kita. Sana bigyan mo ko ng chance para ligawan ka."
"Bakit ngayon mo lang sinabi yan?"
Kasi kung noon mo pa sinabi eh di sana di ako masasaktan ng ganto dahil kay Kelvin.
"Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob eh. Pero pangako ko sayo na kahit kailan di kita iiwan. Di kita papaiyakin. Di ko hahayaang masaktan ka. Poproktehan kita sa kahit sino at mamahalin kita ng tapat."
Natulala ako sa mga sinabi ni Bryan nun. At di ko alam kung ano bang sasabihin ko sa kanya.
"Hayaan mo muna akong makapag isip Bryan."
"Hihintayin kita kahit kailan Irish. Ganun kita kamahal."
Matapos yung usapan na yun napag pasyahan na naming umuwi.
Lumipas ang isang linggo na lagi kaming sabay umuwi ni Bryan, Lagi rin kami magkasama sa school. Pero di pa rin nawawala feelings ko kay Kelvin eh. Kaya naisip ko na kapag sinagot ko si Bryan eh makakalimutan ko na si Kelvin.
Mukha namang masaya si Kelvin kay Kim eh. Kaya dapat ko na silang hayaan.
At sinscere din naman si Bryan sa panliligaw sakin.
Pag magkasama nga kami parang magkaibigan lang kami eh. Sobrang sya nya kasama at pag magkasama kayo walang oras na di ka nya mapapasaya.