I can't get over you.

9 0 0
                                    

Sa totoo lang, Sobrang swerte ko talaga  dahil nagkaroon ako ng Bryan sa buhay ko.

Minsan nga naiisip ko na sana sya na talaga.

Gusto kong sya nlang ang taong mamahalin ko.

Dumating na nga ang araw ng sabado.

Bago ako umalis ng bahay, I take a hard Lunch. Para naman pumasok sa utak ko lahat ng irereview namin.

Eksaktong 3pm ay dumating na ko sa meeting place namin ni Kelvin.

Pagdating ko eh wala pa sya. 15 mins. na ang lumipas at wala pa sya. Nasan na kaya yun? Kapag 30mins na ko dito at wala pa sya eh uuwi na ko.

Aalis na sana ako eh. Kaya lang may tumawag sakin.

"Irish!"

"Oh, Kelvin. Kala ko di kana dadating. Aalis na sana ako eh."

"Pwede ba naman yun? Sorry kung nalate ako. Sobrang traffic kasi eh. Sorry talaga."

"Sige okay na yun. Mag simula na tayong magreview."

"Sige."

Umupo na sya sa may harap ko.

Bigla ko nlang naalala na nakalimutan ko pala yung libro ko.

"Kelvin, Sorry nakalimutan ko yung libro ko."

"Ah ganun ba? Sige share nlang tayo."

Tumayo sya at umupo sa tabi ko.

Sobrang naiilang ako nun. Di na ko sanay.

Halos magkalapit na talaga yung mukha namin.

Kapag nagbabasa sya eh di ko maiwasang tignan sya. Mula sa mga mapupungay nyang mata, yung matangos nyang ilong, tsaka yung maninipis nyang labi.

Hanggang ngayon talaga mahal ko pa rin sya. Ewan ko kung bakit. Basta yun lang alam ko.

Pagkatapos namin magreview eh niyaya nya naman akong mamasyal muna sa mall saglit.

Di naman ako maka tanggi kasi nandun na din naman kami. Pumasok na kami sa loob.

"Alam ko, Namimiss mo na to eh. Tara bili tayong ice cream. Treat ko."

"Ah eh, Wag na. Okay lang ako."

"Sige na please. Namimiss ko na kasi yun eh."

"Sige na nga."

Sa totoo lang, Miss ko na rin yun.

"Irish oh, Ice cream mo."

"Thank you."

"Grabe, Namimiss ko na yung kakain tayo ng ice cream tapos isasawsaw natin yung Fries. Tara bili tayong Ice cream."

Kabaliwan namin noh? Kapag kumakain kasi kami ng Fries eh ice cream yung sawsawan namin.

Bumili na nga kami ng Fries at kumain na.

"Irish, Say Aaahhhh!"

Ibuka ko daw yung bibig ko dahil susubuan nya ko.

Ganyan yung ginagawa namin dati.

Kinain ko yung sinubo nyang fries at ako naman yung nagpasubo sa kanya.

Salit-salit lang kami.

Grabe, Miss na miss ko to.

Gantong ganto kami dati.

Habang naglalakad eh kumakain kami.

"Hmmm, Kamusta na nga pala kayo ni Bryan?"

"Okay lang naman kami."

Okay na okay. SOBRRAAA.

"Masaya ka ba sa kanya?"

"Syempre naman."

Pero masaya rin siguro kung naging tayo.

"Di ka ba nya pinapaiyak?"

Oo di nya ko pinapaiyak. Pero ikaw, Lagi mo kong pinapaiyak.

"Di ah. Sobrang bait nun tsaka Loyal pa."

Sana ikaw rin kay Kim.

"Ah, Mukha namang wala kayo problema eh."

"Minsan din nagkakaproblema kami pero naayos din agad."

Sandaling natahimik kami.

"Ikaw, Naging masaya ka ba kay Kim?"

"Actually, May part na hindi. May part na Oo."

Ha? Bakit? Anong ginawa sayo ni Kim.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Habang tumatagal yung relasyon namin eh lumalabas naman yung tunay nyang ugali. Basta di ko maintindihan. Pero may time din naman na masaya kami."

Nako Kelvin, Kung sakin ka napunta eh di sana di yan mangyayari sayo.

"Nakakalungkot naman. Pero nakalimutan mo na ba sya?"

"Honestly, Oo. Kasi habang tumatagal eh nawawala na yung feelings ko sa kanya kaya di naman ako nahirapan kalimutan sya."

Mabuti naman. Kasi ako, Hanggang ngayon di ka pa rin nakakalimutan eh.

Natahimik kami at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Irish, May ice cream ka dito oh."

Sabay turo sa may gilid ng labi nya.

Nung pinupunasan ko eh hindi ko matukoy kung saan. Kaya sya nlang ang nagpunas.

Medyo sweet nga eh. Hahahaha joke.

Pagkatapos kumain eh nagpunta kami sa Videoke.

Di ko makakaila na maganda yung boses nya, Kasi maganda naman talaga. Yun nga yung isa sa mga dahilan kung ba't ako nainlove sa kanya eh. Nakakabighani talaga yung boses nya.

"*insert Passenger seat here*"

Habang kumakanta sya eh di ko maiwasang titigan sya. Pumapasok nlang sa isip ko na mahal ko pa rin tong taong to.

Di ko alam kung nakit anhirap nya kalimutan. Lahat naman na ginagawa ko para makalimutan sya pero di pa rin umuubra eh. Mahal ko pa rin sya.

Pagkatapos nya kumanta ng pagkarami rami eh umuwi na agad kami.

Nagvolunteer syang ihatid ako at ayaw ko namang magpakipot dahil iisa lang naman yung way namin eh.

Pagdating sa kanto namin eh nag babye na ko sa kanya.

"Bye Kelvin. Salamat sa paghatid."

"Paalam Irish."

Di ko alam kung ba't ganyan sya magbabye? Parang huling salita na.

Umuwi na ko agad ng bahay at tinignan ang phone ko kung may text.

Wala naman. Kaya kumain nlang ako at natulog agad.

My Bestfriend and my Crush-Love </3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon