Lumipas ang isang taon na matatag pa rin ang relationship namin ni Bryan. At matatag pa rin yung feelings ko para kay Kelvin.
Bakit ba ganun? 1 taon na ang lumipas di ko pa rin nakakalimutan si Kelvin ng tuluyan. Arrgghh!! Wag ko na nga lang pansinin.
Focus lang dapat ako kay Bryan.
4th year na kami ngayon.
At sa kasamaang palad eh nahiwalay si Bryan ng section sakin. Pero wala naman yung problema para samin.
Ang mahalaga eh yung Loyalty namin sa isa't isa. Sa kasamaang palad ulit, Classmate ko pa rin si Kelvin.
Nabalitaan ko din na break na pala sila ni Kim. Lumipat na daw si Kim ng school sa probinsya nila. Dun na ata sya titira for good.
Minsan di ko naiiwasan mapalingon kay Kelvin kasi nga may feelings pa din ako sa kanya.
-
"Okay Class, We have a quiz bee in Math. Every section needs two repsentative to represent their section. At dahil dun magpapa-test ako. Kung sino yung dalawa na may mataas na score yun yung represantative ng section nyo. Let's start the test."
Nagtest na nga kami. Medyo mahirap hirap din yung mga tanong eh. Pero yung iba naman madali lang.
Nung matapos kami magtest eh nagcheck kaagad. Kinakabahan ako sa magiging result nung test. Baka mangulelat ako. Hahaha.
"Class, This two students got the highest score."
Kinakabahan kaming lahat kung sino man yun pero di naman ako umaasa dun. Baka nga ako pa yung lowest eh.
"Kelvin and Irish got highest score. Congratulations."
Nagpalak palakan yung mga Classmates ko.
Gulat na gulat ako nung oras na yun. Ako? Nakakuha ng mataas? At the same time, Si Kelvin?
Well, Di naman nakapag tataka dahil talagang matalino sya sa Math. Sa kanya pa nga ako nagpapatulong kapag nahihirapan ako sa mga Assignments ko eh. Ang nakakagulat pa lalo eh kaming dalawa? Di ba pwedeng iba nlang?
"Kelvin and Irish, You should have practice kasi next week na yung quiz bee. At kailangan nyo pang mag ensayo lalo na't mas mahirap ang mga tanong dun. Goodluck sa inyo. Sana mapanalo nyo ang section nyo. Pag usapan nyo na yung practice nyo. Goodbye class. See you tomorrow."
Kainis! Bakit pa kasi ako yung napili eh. Bakit ba kasi si Kelvin pa yung partner ko eh. Bwiseeet :3
Umalis na nga yung teacher namin at lumapit naman sakin si Kelvin sya.
Habang papalapit sya eh kinakabahan na ko. Nahihiya akong kausapin sya.
"Irish, Review tayo bukas?"
Finally! Nakita ko na ulit ng malapitan yung mukha ng taong mahal ko. Pero takenote, May boyfriend na ko.
"Ahh eh, Sige."
Di na talaga ako sanay kausapin sya. Nahihiya na ko.
"Sige, This saturday 4pm. Kita nlang tayo sa Starbucks sa labas nung mall. Okay ba sayo?"
"Osige, Okay lang."
"Dalin mo na rin yung libro mo."
"Sige."
Nung nag uwian na eh gaya pa rin ng dati, Sabay kami ni Bryan umuwi.
Pumunta muna kami sa mall.
"Ha? Bakit Bryan? Anong meron?"
Umorder kasi sya ng pagka-rami raming pagkain at lahat pa yun eh favorite ko.
"Nakakatampo ka naman, Wala ka ba talagang naalala?"
Naalala? Ay oo nga pala, 13th Monthsary namin ngayon. Kaya naman pala andaming inorder na pagkain eh.
"Ay, Happy 13th monthsary. Sorry kung nakalimutan ko. Masyado lang kasi akong madaming iniisip. Stress sa school tsaka sa bahay. Sorry talaga."
"Naiintindihan kita. Basta sa susunod ah wag mo na kakalimutan. Magtatampo na talaga ako sayo."
"Promise di na talaga."
"Sige."
"Bait naman talaga ng Boyfriend ko! Kaya mahal na mahal kita eh."
Hinalikan ko sya sa cheeks.
"Sarap nun ah. Isa pa nga."
*Pak!*
Binatukan ko sya ng medyo mahina lang. Kasi pag nilakasan ko baka naman masaktan ang boyfriend ko. Kawawa naman.
"Kapal neto, Sapak gusto mo?"
"Joke lang. Eto naman."
Sabay himas sa ulo nya na binatukan ko.
After namin kumain eh nag ikot ikot kami. Kasi sobrang dami nung nakain namin eh. Pampatunaw lang. Binilhan nya ko ng kung ano ano, Sobrang dami na nga ng mga binigay nya sakin eh. Halos wala na kong paglagyan.
"Irish, Hintayin mo lang ako dito saglit ah."
"San ka ba pupunta?"
"May bibilhin lang ako. Basta hintayin mo ko dyan ah."
"Sige, Bilisan mo ah."
Umalis na si Bryan, Di ko alam kung san sya pupunta basta hihintayin ko nlang sya. Habang inaantay sya eh tinignan ko muna yung phone ko.
From: +63907*******
Hi Irish, Remind ko lang sa isang araw na yung Review natin. Thanks. :)
- Kelvin
Yan yung nakalagay sa text ni Kelvin. Nagpalit na pala sya ng sim? Kasi iba yung # na ginamit nya eh. Or nakitext lang sya? Whatever.
Tinago ko na yung phone ko sa bulsa ng palda ko.
Nagulat ako ng bigla nlang may nagtakip ng mga mata ko.
Takot na takot ako nung time na yun. Di ko alam kung sino ba yung taong nagtatakip sa mga mata ko.
"Bitawan mo ko. Sino ka?"
Binitawan naman ako.
"Surprise!"
"Tinakot mo ko dun. Ikaw lang pala yan Bryan. Kainis ka naman."
"Hehe sorry naman. May surprise nga pala ako. Here!"
"Wow! Ang ganda!"
Answeet naman talaga ng Boyfriend ko, Akalain mo yun magkakaroon ako nung boyfriend na katulad nya. Yung kwintas na tinitignan ko lang eh binili.
"Napapansin ko kasi kanina na parang gusto mo yung kwintas. Kaya binili ko, Baka sakaling mapasaya kita."
Habang sinusuot nya sa leeg ko yung kwintas.
"Thank you Bryan. Im Lucky to have you."
Niyakap ko sya at hinalikan nya naman ako sa noo.
