*Kelvin's POV*
"Kelvin, Salamat dito sa sulat ah. Alam mo kasi, Matagal na rin kitang gusto eh. Parehas pala natin mahal ang isa't isa. Natutuwa ako dahil nagtapat ka na."
Nagulat ako sa mga sinasabi ni Kim sakin. Di ko alam kung saan nya hinuhugot mga sinasabi nya.
Pinapakita nya rin sakin yung sulat para dapat kay Irish.
Nakalagay yung sulat sa ibabaw ng desk ng upuan ni Irish at nilipad papunta sa upuan ni Kim kaya akala nya na para sa kanya. Pero nagulat dinako sa mga sinabi nya, Matagal na nya akong gusto?
Totoo ba to? Hindi pwede.
Gusto ko sana bawiin yung sulat, at sabihing hindi para sa kanya yun.
Kaso naisip ko yung mga sinabi sakin ng Daddy ko na wag na wag papaiyakin ang mga babae.
Nasisigurado kong gabi gabing iiyak tong si Kim pag nalaman nyang di naman para sa kanya yung sulat.
Kaya pinanindigan ko nlang.
"Ah eh, Nahihiya lang kasi ako eh."
Yan nlang yung mga katagang nasabi ko.
"Gusto mo pasyal tayo?"
Nagulat ako sa tanong nya. Di ko alam kung ano isasagot ko, Nakakahiya naman tumanggi kaya papayag ako.
"Ah, Sige."
"Tara na."
Sumakay na kami ni Kim sa Jeep at nagpunta na sa Mall.
Pagdating dun eh nag ikot ikot kami sa mall.
Grabe, Anhirap kasama ni Kim. Nakakapagod.
Gusto ko na nga sana umuwi eh, Kaya lang naisip kong baka ma-disappoint sya.
Habang nag iikot kami eh parang nakita ko si Irish.
Kasama nya si Bryan? Ba't sila magkasama?
Mukha silang masaya.
"Si Irish ba yun?"
Mahinang bulong ko sa sarili ko.
"Bakit Kelvin?"
"Wala yun Kim."
"Okay, Tara nuod nlang tayo ng sine."
"Sige."
Pumunta na kami sa sinehan at bumili ng ticket.
Aksidente namang nandun din sila Irish at Bryan at parehas pa kami ng ticket.
Hinila ko agad si Kim para di kami makita ni Irish.
Pagdating namin sa loob eh dumating na agad sila Irish.
Nung umupo sila ay tanaw na tanaw ko.
Nagsimula na ang palabas pero di ako nanonood.
Pinagmamasdan ko lang si Bryan at Irish.
Nagulat ako nung biglang napayakap sakin si Kim.
Pagtingin ko naman sa baba eh nakayakap din si Irish kay Bryan. Parang halos gusto ko ng umalis pero hindi pwede. Pumasok nlang sa isip ko na sana si Irish yung kasama ko manood ng sine ngayon. Sana ako yung yayakapin nya kapag natatakot sya. Nakaramdam ako ng selos nung mga panahong yun.
--
Nung time naman na may quiz bee sa Math.
Hiniling ko na sana si Irish yung makapartner ko kasi expected ko na kasama ako sa mga highest eh.
Nung nagcheck ng mga papel eh ako yung nagcheck nung kay Irish. Yung ibang sagot pinalitan ko para lang magkaroon sya ng maraming tama para sya yung mapili sa quiz bee.
"Class, This two students got the highest score."
Kinakabahan ako, Sana kaming dalawa ni Irish.
"Kelvin and Irish got highest score. Congratulations."
YESS!!! Sobrang saya ko! Nagtagumpay ako.
"Kelvin and Irish, You should have practice kasi next week na yung quiz bee. At kailangan nyo pang mag ensayo lalo na't mas mahirap ang mga tanong dun. Goodluck sa inyo. Sana mapanalo nyo ang section nyo. Pag usapan nyo na yung practice nyo. Goodbye class. See you tomorrow."
Pagkaalis nung teacher namin eh lumapit agad ako kay Irish.
"Irish, Review tayo bukas?"
Eto nlang yung time para maka-bonding ka sa mga huling sandali ko sa mundong to.
Oo, Huling sandali.
2yrs ago nung madiscover namin na may sakit pala ako sa puso, Tinaningan ako nung doktor ng 3months. 3months nlang ang ilalagi ko sa mundo. Kahit magpa hea rt trasplant pa ko eh wala pa rin daw akong magagawa.
2months nlang at pupunta na kami sa states at dun na kami titira. Dun na din ako ililibing kasama sa libingan ng mga lolo't lola ko.
Kay gusto ko sana makasama yung taong mahal ko bago ako magpaalam.
"Ahh eh, Sige."
Mabuti naman at pumayag sya.
"Sige, This saturday 3pm. Kita nlang tayo sa Starbucks sa labas nung mall. Okay ba sayo?"
"Osige, Okay lang."
"Dalin mo na rin yung libro mo."
"Sige."
Di na ko makapag hintay na sumapit yung sabado para makasama ko na si Irish.
Nung nag uwian eh, Sinundan ko si Irish.
Umalis sila ni Bryan. Sinundan ko sila hanggang mall.
Nakita ko yung time na hinalikan nya si Bryan.
Nasaksihan ko din kung gaano sya kasaya sa piling ni Bryan.
At Least wala na kong dapat ipag alala kasi alam kong nasa mabuting lagay naman ang girlfriend ko.
Nakita kong iniwan ni Bryan si Irish sa isang gilid.
Wala akong ibang ginawa nun kundi pagmasdan sya. Kaya naisip ko nlang na magpadala ng text message sa kanya.
Nung bumalik si Bryan eh may sinuot syang kwintas kay Irish, Tinitigan ko ng mabuti.
Parang nakikilala ko yung pendant nung kwintas.
Yun yung kwintas na ibibigay ko sana kay Irish, Kasi lagi nyang tinitigna yun sa twing namamasyal kami. Bibilhin ko na sana yun eh. Kaya lang naunahan ako ni Bryan.
Mukhang sobrang saya ni Irish nun at niyakap nya pa si Bryan.
Napaisip ako na kung ako sana yung nagbigay nun eh di sana napasaya ko si Irish.