Gusto ko na sya makalimutan ;(

27 0 0
                                    

Lahat gagawin ko para lang makalimutan sya.  Pero di ko alam kung paano.

"Irish!"

"Ay kabayo!"

"Grabe ka naman bespren! Kabayo talaga?"

"Grabe ka naman kasi manggulat."

"Ay ganun ba sorry."

"Oh, Bakit ata parang ansaya saya mo?"

"Eh kasi ano eehh."

"Ano ba yun sabihin mo na."

"Kasi sinagot ko na si Kelvin!"

Talon sya ng talon nun. At sobrang saya habang ako, parang magugunaw na yung puso. Bigla na lang nalungkot yung mood ko.

"Ahh, Ganun ba." With matamlay voice.

"Oh bakit parang naiba mood mo? Di ka ba masaya para sakin?"

"Di naman sa ganun. Pero bakit sinagot mo sya agad?"

"Eh di ba nga sinabi ko sayo na matagal ko na din sya gusto? Kaya sinagot ko na agad. Baka kasi mawala pa."

"Ahhhh. Sige punta muna akong Library may gagawin pa kasi ako eh."

Pinalusot ko nlang na pupunta akong Library para  maiwasan ko muna si Kim.

Nagtungo ako sa may Bench malapit sa canteen para makapg isip isip muna.

"Irish, Bakit mag isa ka lang?"

Nagulat ako dahil bigla nlang may kumausap sakin habang nakatulala ako.

"Ahhh, Bryan? Anong ginagawa mo dito?"

"Eh pano kasi nakita kitang mag isa eh. Kaya pinuntahan kita."

"Di mo naman kailangang gawin yun eh."

"Eh di ba sabi ko sayo lagi lang akong nasa tabi mo?"

Umupo sya sa tabi ko at nagkwentuhan kami. Nagtawan, Kumain din, tsaka nagkulitan. Actually, Masarap sya kasama.

Nung nagbell na, Pumasok na kami sa room. pero ayaw ko pa eh. Ayaw ko pa kasi makita si Kelvin tsaka si Kim. Pero dahil kailangan pumasok kaya kahit ayaw ko pumunta na kami sa room.

"Irish, Bakit parang anlungkot mo?"

Pagtatanong sakin ni Kim.

"Ah, Hindi ah. May naalala lang kasi akong malungkot."

"Ah ganun ba. Sige."

Biglang tumabi sa upuan ko si Bryan, Dinaldal ako at nagjoke din sya. Habang nagkukwentuhan kami, Di ko maiwasang mapalingon kay Kelvin. Sa twing nakikita ko sya parang gusto ko umiyak. Pero dapat kong pigilan yun.

"Uy Bespren, Mukhang type ka neto ni Bryan ah."

Pang aasar sakin ni Kim.

"Tumigil ka nga, Nakipagkwentuhan lang type na agad."

"Malay mo naman."

Nung lumipas yung uwian.

"Irish, Mauna na ko ah. May mag uusap pa kasi kami ni Kelvin eh."

"Ah, Sige. Mauna na din ako. Bye."

Agad na kong tumakbo palabas ng room.

"Irish!"

Nilingon ko kung sino yung tumawag sakin.

"Bakit Bryan?"

"Wala ka bang kasabay pauwi?"

"Wala eh. Kasi si Kelvin tsaka si Kim mag uusap. Eh si Kelvin lang naman lagi kong kasabay pauwi eh."

"Tamang tama. Samahan mo naman ako sa park."

"Ha? Sa park? Ano namang gagawin natin dun?"

"Wala naman, Gusto ko lang kasi mamasyal. Samahan mo na ko please." With his voice na nangungulit.

"Sige na nga, Gusto ko rin kasing mamasyal para makapag pahinga at makapag isip isip."

"Ano pang hinihintay natin? Tara na."

Sumakay na kami ng jeep papuntang park.

My Bestfriend and my Crush-Love </3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon