The Last minute

9 0 0
                                    

Dumating na nga ang araw ng sabado at excited na kong makita si Irish.

Pagdating ko sa meeting place eh nakita kong paalis na si Irish.

"Irish!"

Tinawag ko sya para man lang maabutan ko.

"Oh, Kelvin. Kala ko di kana dadating. Aalis na sana ako eh."

Kahit kailan di kita binibigo.

"Pwede ba naman yun? Sorry kung nalate ako. Sobrang traffic kasi eh. Sorry talaga."

Inayos ko kasi yung passport ko kaya ako nalate.

"Sige okay na yun. Mag simula na tayong magreview."

"Sige."

"Kelvin, Sorry nakalimutan ko yung libro ko."

"Ah ganun ba? Sige share nlang tayo."

Medyo natuwa ako kasi nakalimutan ni Irish yung libro nya, Eh di share kami.

Kapag pinagmamasdan ko sya eh pakiramdam ko nasa langit na ko.

Pero san ba ang punta ko? Dun din naman diba?

Nang matapos kami mag review eh niyaya ko sya mamasyal kasi eto na ata yung huling araw na makaka-bonding ko sya.

Pagkapasok namin sa mall eh bumili kami agad ng ice cream. Naisip ko kasing miss nya na rin yun eh.

Miss na miss ko na yung kakain kami ng Fries tapos isasawsaw sa ice cream, magsusubuan kami ng pagkain.

Sa mga huling oras ko eh gusto kong maranasan ulit yun.

Habang kumakain eh naglakad lakad kami.

"Hmmm, Kamusta na nga pala kayo ni Bryan?"

Ewan ko kung bakit ko naitanong yan.

"Okay lang naman kami."

Mabuti naman.

"Masaya ka ba sa kanya?"

Mukha namang masaya ka sa kanya.

"Syempre naman."

"Di ka ba nya pinapaiyak?"

Sana kahit kailan di ka nya sasaktan.

"Di ah. Sobrang bait nun tsaka Loyal pa."

Siguro kung naging tayo eh Loyal din ako sayo.

"Ah, Mukha namang wala kayo problema eh."

"Minsan din nagkakaproblema kami pero naayos din agad."

Mabuti naman. Para makasiguro na ko na maayos ang kakalagyan mo pag nawala na ko.

Sana hindi sya tumigil na mahalin ka.

At least, Alam kong mabuti yung lagay mo sa kanya.

Sandaling natahimik kami.

"Ikaw, Naging masaya ka ba kay Kim?"

Nagulat ako sa tanong nya, Ang totoo kasi eh di naman ako naging masaya kay Kim kasi sya ang mahal ko.

"Actually, May part na hindi. May part na Oo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Habang tumatagal yung relasyon namin eh lumalabas naman yung tunay nyang ugali. Basta di ko maintindihan. Pero may time din naman na masaya kami."

"Nakakalungkot naman. Pero nakalimutan mo na ba sya?"

Di ko naman na kailangan kalimutan sya eh. Kasi kahit kailan di ko sya minahal. Di ko alam kung bakit mahirap syang mahalin, Siguro dahil ikaw pa rin yung mahal ko.

My Bestfriend and my Crush-Love </3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon