CHAPTER II

7 2 0
                                    

Aly's POV

It's Monday and I haven't moved on kahapon! I literally skipped while ascending through the stairs while a big smile is plastered on my face. Nung nasa fourth floor na ako, ginulat ako bigla ng best friend ko.

"Hi Aly! Good morning!" bati niya habang nakangiti.

Siya ang best friend kong si Gianna Lopez. "Gia" for short. And one fact about her? Siya ang tinaguriang chismosa sa school. Hindi naman talaga siya chismosa eh. Madaldal lang kasi.

"Girl! Alam kong si Andrei na naman ang dahilan ng hanggang tenga mong smile." Hawak-hawak pa niya ang magkabilang pisngi ko kaya hindi ko maiwasang ngumiti sa kakulitan ng babaeng 'to. "Kaya may good news ako sayo..." binitiwan na niya ang pisngi ko at kumunot naman yung noo ko. "May gagawing debate sa debate club!" habang hawak-hawak ang dalawa kong kamay. "Kaya chance mo na 'to! Push mo yan girl!" binitiwan niya ang kamay ko sabay ginalaw yung kamay niya na parang may pinu-push.

"Talaga?!" hindi ko maiwasang ngumiti ulit ng malaki habang hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "Yan ang gusto ko sa'yo eh! Laging updated!" sabi ko sa kanya na nakahawak yung dalawang kamay ko sa shoulders niya saka niyuyugyog siya.

Bigla nalang dumaan ang classmate naming lalaki na look out sa aming section samin habang tumatakbo. "May teacher na! May teacher na!" at nakita ko siyang nagmamadaling pumasok sa room namin.

"May teacher na daw. Tara na." at hinila na ako ni Gia papunta sa room namin.

Umupo na kami sa respective seats namin. Masyadong maingay 'tong mga kaklase ko. Pero sinabayan ko na rin. Sumabay ako sa kanila habang kumakanta ng "A" by GOT7. Ilang sandali lang ay pumasok na yung teacher. Pero hindi siya yung teacher namin para sa first subject. Dahil mabait akong studyante, tumahimik ako. Pero maingay pa rin sila.

"Okay. Good morning class." Sabi ni Ms. Corpuz. Isa siya sa mga subject teachers namin kaya kilala namin siya. Tumahimik naman ang lahat at tumayo.

"Good morning Ms. Corpuz." sabay-sabay naming bati sa kanya.

"Take your seat." agad na sabi niya matapos naming bumati.

"Thank you Ms. Corpuz." sabay-sabay ulit naming sabi bago umupo.

Nang maka-upo na kami ay nagsimulang magsalita si Ms. Corpuz. "Since wala ang teacher niyo ngayong first period..." biglang nagsigawan yung mga classmates ko syempre pati ako. HAHAHA!

"Wooh!"

"Yehey!"

"Yes!"

"Party! Party!"

Sabay-sabay naming sigaw.

"Silence!" sigaw ni Ms. Corpuz sabay hampas ng malakas sa table. Tumahimik naman kami bigla. "Ako ang magiging substitute niyo."

"Ahhhh~" sabay-sabay rin naming sabi. Biglang tumayo si Gino a.k.a the naughty one.

"Ano Ma'am? Prostitute?" sabi niya bigla na ikinagulat ng teacher namin. Tumingin sa kanya bigla si Ria a.k.a president of the mean girls..

"Baliw! It's substitute! Not prostitute! Duh~" saka nag roll eyes pa siya.

"Sorry naman. Medyo mahina lang yung pandinig." saka umupo na si Gino.

"Okay. And since I have my class in the other section, I decided to combine both of your classes." Biglang sabi na lamang ni Ma'am.

Tumayo naman si Jericho a.k.a the campus nerd at nagtanong. "Ma'am, anong section?" saka umupo na siya ulit.

String Of FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon