Wow naman. Andami niyang ini-upload na pictures nung vacation nila with his family kahapon. Magla-like lang muna ako. Hihi.
Oh! Hi! My name is Alice Jane Perez. But you can call me Aly for short. I have long curly hair; not so curly though. I have cute eyes, pouty lips, whitish skin and cute nails. And one fact about me? In love ako kay Andrei(Andrey) Philips! Yes! You heard it right? In love talaga! Hep, hep, hep! I'm not a stalker, okay? Though, puno ang files ko ng pagmumukha niya, though, mukha niya ang wallpaper ko, though, alam ko ang schedule niya at though alam ko ang lahat about sa kanya, pero hindi ako stalker okay? Admirer, pwede pa. Hihihi.
Wait, bakit ba ako English ng English dito? Nakaka nosebleed naman. At, heto ako ngayon~ Tinitignan ang FaceBook profile niya. Nakakabagot na nga eh. 4 hours na akong online. Kung hindi lang online siya, hindi na sana ako mag o-online noh. Buti nalang meron siyang bagong pictures.
"ALY!"
Halatang mayaman talaga tong si Andrei eh. Halos every weekend, pumupunta talaga sila sa iba't ibang lugar.
"ALY!"
Ayan na. Naririnig ko na ang mala megaphone na boses ni Mama.
"AAALYYY!"
Woah! Nagsiliparan ata lahat ng ibon na nagpapahinga sa malaking puno ng kapitbahay namin.
"BUMABA KA NA JAN AT KAKAIN NA!"
Hay, naku. Talaga tong si Mama. Kahit ganyan yan, love ko pa rin yan. Wala na kasi akong Papa. Naaksidente raw. Bakit may RAW? Bata pa kasi ako nung namatay siya sa aksidente, so natural lang na hindi ko alam kung ano ang nangyari.
"Opo! Anjan na!"
Pagkababa ng pagkababa ko, ito agad ang bumungad sa akin...
"Nakatunganga ka na naman sa laptop mo. Iniistalk mo na naman ba yung... Sino nga ba yun? Yung... Andri." sabi ni mama habang nilalagyan ng pagkain yung plato ko.
"Ma, Andrei po. Hindi Andri." Tinignan ko ng mariin si mama.
"Ah, basta. Andri o Andrei pareho lang yun. Kumain ka na at tayo'y magsisimba pa." At umupo na rin si Mama sa upuan niya at nagsimula na kaming kumain.
After naming kumain, nauna munang naligo si Mama habang ako naman ay namimili ng damit. Ang napili ko naman ay orange shirt na may print na love at below the knee na skirt. Pagkatapos maligo ni Mama ay naligo na ako. Pagkatapos ay pumunta na kaming simbahan. Nakakagaan talaga ng loob kapag pumupunta sa church. Amen.
Nang maka uwi na kami galing sa simbahan, agad na bumagsak ako sa sofa at pinikit ang aking mga mata.
OMG! OMG! OMG! As in O-M-G talaga! Kung tinatanong niyo 'ko kung ba't ganito nalang ang reaction ko, eh, masisisi niyo ba ako? Nakita ko lang naman ang Man of My Dreams. Yes! Si Andrei Philips. Kinikilig lang talaga ako. Destiny nga naman oh.
"Mukhang masaya ka ata ngayon ah. Mukhang nanalo sa lotto." Hay naku~ Nawala ako sa aking reverie nang magsalita si Mama.
"Mama naman. Kagagaling lang natin ng simbahan diba? Kaya spread the good vibes." At pinikit ko uli ang mga mata ko. Bigla nalang ako binatukan ni Mama ng malakas na nagpamulat sa aking mata.
"Tanga talaga to!"
"Ma naman! Wag mo namang batukan yung ulo ko. May klase pa ako bukas. Kailangan ko pa to noh." Sapo-sapo ko pa ang aking ulo dahil sa lakas ng pagkakabatok ni Mama.
<3 <3 <3 <3 <3
Author's Note
Sobrangikli no? Sorna
BINABASA MO ANG
String Of Faith
Teen FictionBoth are holding at each end of the string. Pero pano kung bibitaw ang isa? "Til death do as part."