Aly's POV
I don't want him to get hurt. Gusto kong masanay siya na wala ako. I can't stop my tears from falling. Iiwan ko na lamang ng basta-basta ang lalaking pinakamamahal ko aside sa Papa ko. I don't want my letter to get wet ng dahil sa balde-baldeng luha ko. I should stop crying. Marami pa akong sasabihin. Nasa second sentence pa nga ako eh.
FLASHBACK
Nilalamig ako pero pawis na pawis ako. Ano ba 'to? Halos hindi ako makatayo sa kama ko. Pero nafeel kong parang may umangat sa lalamunan ko kaya I forced myself na tumayo pero natumba ako at nasagi ko yung side table ko. Nabasag ko pa ang lamp shade ko. Pero dapat akong makapunta ng banyo. Ginapang ko na lamang ang sahig pamuntang banyo saka pinilit kong tumayo habang hinahawakan ang bar na pwedeng sampayan ng damit at isinuka sa sink kung ano man ito. My knees wobbled nang makita ko ang pulang likido sa sink. Alam kong dugo iyon. Hindi ko na kaya to. Napaupo na lamang ako sa sahig at umiyak. Narinig ko ang tarantang boses ni Mama saka naramdaman ko na lamang na inaakap niya ako. Pagod na pagod ako kaya everything went black. Narinig ko pa na binuksan ni Mama ang faucet saka pinatay rin ito mga ilang segundo habang may tinawagan sa phone niya. Ilang minuto pa ay may siren akong naririnig. Ambulansya. At hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.
I woke up in a white place. Ano ba 'to? Nasa langit ba ako? Wag naman sana. Bata pa ako. Walang mag-aalaga kay Mama kapag tatanda na siya. Hindi pa nga ako nakakagradduate eh. Pero I heard a door open. At nakita ko si Mama kasama ang isang babae na nakaputi. Hala, may anghel? Ganern? Pero bakit andito si Mama? Wala naman sigurong masamang nangyari sa kanya diba? My Mom smiled at me. Pero it didn't reach her eyes. Anong nangyayari?
"Mrs. Perez, based on our observations, may lukemia ang anak mo. Kaya siya sumuka ng dugo." so doktor pala siya. Akala ko anghel na. Tumingin naman siya sa akin. "Pero as of now, kailangan mo pang mag stay dito hanggang sa makarecover ka."
Biglang may kumatok sa pinto at pumasok ang isang nurse. "Dok, ito po ang reseta niya." kinuha ng doktor ang papel saka binigay kay Mama.
"Hindi pa stable ang lagay ni Aly kaya ito 'yung mga gamot na kailangan niya para 'di lumala 'yung mga symptoms."
Author's POV
Makalipas ang isang linggo matapos nakipaghiwalay si Aly, tumawag si Gia kay Andrei.
"Andrei" sabi ni Gia sa hangin. Hinintay niya na sagutin ni Andrei ang tawag. "Hello?" sagot agad ni Gia ng matantong sinagot ni Andrei ang tawag. "Andrei. Si..."
Andrei's POV
Nasa balcony ako habang tumutugtog na gitara ko. Malungkot na mga kanta ang tinutugtog ko. Sinasabayan rin pala ako ng panahon. Medyo madilim ang ulap dahil sa bagyo raw na dadating. Biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito. Pangalan ni Gia ang nasa screen. I swiped the answer icon.
"Hello?"
"Hello Gia..." kunot noo akong nakinig sa boses niya. Parang natataranta.
"Andrei. Si..." and an instant biglang kumulog ng napakalas na may kasamang kidlat.
"Ha? Ano?" bumuhos ang napakalakas na ulan. Nabitawan ko ang gitara pati cellphone. Kumaripas ako ng takbo palabas ng bahay namin at pumara ng taxi. Dali-dali akong sumakay ng may huminto sa harapan ko at pinapunta sa San Ignacio Hospital. Nang makarating ako, tumakbo ako kahit nababasa ako ng napakalakas ng ulan. Tinanong ko ang nurse kung saan ang kwarto ni Aly. Tapos tumakbo na ako agad sa hagdan papunta sa pinakamamahal kong babae. Hindi ko kayang mag-antay ng elevator. Wala na akong oras. Nang makarating ako sa pinto, humugot ako ng malalim na hininga saka binuksan ang pinto. Nakita ko sila Aly na madaming karayom ang itinusok sa dalawang kamay niya. Hindi ko maiwasang maluha. Dahan dahan akong naglakad patungo sa kama na hinihigaan niya. Mukha na akong walang lakas para maglakad. Wala na sa kanyang mukha ang oxygen mask. Naririnig ko pa ang maigting na tinig ng machine. Nakita kong hindi na humihinga si Aly. Ito pala ang dahilan ng pakikipaghiwalay niya. Gusto niya akong masanay na wala siya. Ayaw rin niyang makita ko siya sa ganitong sitwasyon. Pero ang sakit! Ang sakit isipin na wala ako sa kanyang tabi sa huling minuto ng buhay niya. Wala akong nagawa para sa kanya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko ng humikbi at yakapin na lamang ang malamig na katawan ni Aly. Wala na siya. Wala na ang babaeng pinakamamahal ko. Wala na ang babaeng nagpasaya sa buhay ko. Wala na ang girlfriend ko. Wala na si Aly. Wala na si Alice Jane Perez.
Hindi ko matanggap ang pagkamatay ni Aly. Ni hindi ako sumipot sa burol ni Aly. Pumunta lang ako sa last day ng burol niya kasi ang sabi ni Gia sa'kin, may mga bagay daw na dapat tanggapin. Gaya na lamang ang pagkamatay ni Aly. Kung hindi daw ako sisipot sa huling araw ng kanyang burol, sasaktan ko lang daw ang damdamin ni Aly. Kaya naman sumipot ako. Pumasok ako sa bahay nila at nakita ko si Tita Stella sa salas nila nakaupo.
"Tita" sinusubukan kong hindi maluha. Napalungkot ng bahay. Nararamdaman ko ang sakit at kalungkutan sa loob ng bahay.
"Ma-upo ka iho."
Umupo ako sa tabi ni Tita Stella. May kinuha siyang papel at ibinigay sa akin. "Heto pala Andrei. Pinabibigay ng anak ko, bago siya..." umiyak si Tita Stella saka pinahiran niya ang kanyang mga luha ng panyo. "Bago siya namatay."
Binuksan ko ang papel at nakita ko ang sulat kamay ni Aly.
Dear Andrei,
Alam mo, nung una kitang nakita, na star struck agad ako sayo. Akala ko crush lang pero biglang lumalim eh. Hindi ko nga inakalang dadating sa point na mapapansin mo ako. At hindi lang yan, naging boyfriend pa kita. Sorry na kung nasaktan kita. Pero siguro nga tinadhana tayong magkita pero hindi tayo itinadhana para sa isa't isa. Ipagpatuloy mo ang buhay mo at sigurado akong makakahanap ka rin ng babaeng itinadhana para sa'yo.
Love,
AlyNang matapos kong basahin ang letter na ginawa ni Aly, napaiyak ako ng sobra. Akalain mo ba namang makakapagsulat pa siya sa sitwasyon niya. Ang sakit sakit. Hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko. Hindi ko man lang nalaman kung ano ang sakit niya mula sa simula. Nihindi ako nagpakita sa unang mga araw ng burol niya. Wala rin ako sa tabi niya nung naghihikahos siya. Wala akong nagawa. Wala akong silbi. Pero alam mo naman siguro Aly na mahal na mahal kita diba?
Pumunta ako sa tabing dagat at naglakad lakad. Dito ko na lamang masasabi ang damdamin ko.
Naniniwala akong itinadhana tayong magkita pero hindi para sa isa't isa. Siguro tama ka Aly. Pero naniniwala ako sa STRING OF FATE. At alam kong lahat na ito ay itinadhana na mangyari. Nawala man ang presensya mo, hindi pa rin kita makakalimutan. Mananatili ka sa puso ko habang buhay. Paalam mahal ko.
<3 <3 <3 <3 <3
Author's Note
May mga bagay talaga na dapat nating tanggapin para sa ikagaganda ng ating hinaharap.
Charot!Okay lang po ba? Masyadong short? HAHAHA! Short story nga diba? HAHAHA! Mahal ko kayo! Salamat sa pagbabasa!
BINABASA MO ANG
String Of Faith
Teen FictionBoth are holding at each end of the string. Pero pano kung bibitaw ang isa? "Til death do as part."