Aly's POV
The next day, ang sigla-sigla kong pumasok ng school. My daily routine? Pagpasok sa gate ng campus namin, I greet the guard. Ganyan ako kagalang araw-araw. Tapos magha-"Hi" sa mga kaibigan kong nagsa-stand by sa ground floor. Tapos aakyat sa 3rd floor para manalamin. Tapos pupuntang classroom namin na nasa 4th floor. Pero ngayong araw na'to, dahil Masaya ako nagpapacute ako sa harap ng salamin dito sa CR. In my peripheral vision, nakita ko si Andrei na ngumisi saka naglakad na patungog 4th floor. Ow Em Jee! Nakita niya ang kabaliwan ko! Pero okay lang kasi maaga pa lang, nakita ko na siya! Emeged.
"Hoy Alice Jane Perez! Umakyat kana! Baka malate ka pa! Wag kiligin masyado. Nakakamatay" I heard my evil side speaking.
"Oo na! Ka bad vibes tong minx na 'to" inis na bulong ko sa sarili ko.
Umakyat na ako at pumasok na sa room namin. Nagchichika muna kami ni Gia kasi wala pa yung adviser namin.
Author's POV
Nang dumating na ang adviser nila, agad na silang nagsimula sa lessons. Matapos magpaalam ng teacher nila sa second subject ay agad na hinila ni Gia si Aly sa labas ng kanilang room.
"Aly, nagpalit na pala ako ng number. Akin na ang cellphone mo. Ita-type ko nalang."
Nagtataka man si Aly ay kinuha niya yung phone niya sa bulsa niya at ibinigay sa kay Gia. "Oh, heto." Inantay niyang matapos si Gia na magtype.
Nang matapos na si Gia ay isinauli na niya kay Aly. "Oh, save mo nalang yan." Matapos tumango ni Aly ay agad na pumasok si Gia sa classroom nila sabay tawa ng parang evil laugh. "HAHAHA!" Habang tumatawa siya ay nabilaukan siya sa sarili niyang laway. "HAHA-ahem. Ahem."
Pagdating ng gabi ay nagplano si Aly na magtext kay Gia.
Me: GIA! Ang gwapo niya talaga! <3
Inantay ni Aly na magreply si Gia habang nagfe-facebook siya. Napansin niyang matagal itong magreply. "Tagal naman magreply." Ilang minuto pa ay nagreply na ito.
Gia: Sino 'to?
Me: Ano ka ba! Si Aly 'to!
Gia: Sinong Aly?
Nagtataka man si Aly ay nireplyan pa rin niya ito.
Me: Ano ka ba! Si Alice Jane Perez! Ang nag-iisa mong magandang best friend.
Gia: Ahh... Ikaw pala yan Aly. Sinong gwapo?
Me: Sino pa nga ba? Eh di si Man of my Dreams. Si Andrei Philips!
Gia: Ahh... So you mean, I'm the man of your dreams?
Hindi lubos maintindihan ni Aly kung ano ang ibig sabihin nito. Pero ilang saglit lang ay naunawaan na niya. Ginulo niya ang buhok niya at nagpa gulong-gulong sa kama niya. Matapos ng ginawa niya, bigla siyang sumigaw na parang makakabasag ng ear drums.
"GGGIIIIIIIIIIIIIIIAAAAAAAAAAAAAAA!!!"
Author's Note:
Too short T.T Sorna
BINABASA MO ANG
String Of Faith
Teen FictionBoth are holding at each end of the string. Pero pano kung bibitaw ang isa? "Til death do as part."