CHAPTER IV

5 1 0
                                    

Aly's POV

Agad kong hinila si Gia palabas ng classroom namin pagkatapos na pagkatapos magpaalam ni Ms. Sanchez which is adviser namin. Hindi ko kasi nakausap si Gia kanina before class kasi late na siyang dumating.

"Gia! Bruha ka talaga!" na agad na ikinagulat niya at ikanuot ng noo niya. "Akala ko ba nagbago ka ng number!" at tama nga ang hinala ko kasi bigla siyang ngumisi. "Nakakainis ka! Nakakahiya talaga! Ano ba yung ginawa mo?" alam kong siya yung dahilan pero pina-explain ko parin ang taong to.

"Ah... Yun ba?" saka ngumiti siya.

FLASHBACK

Lumabas ng classroom si Gia at inabangan ang taong motibo niya na lumabas mula sa katabing classroom nila. Ilang segundo lang ay biglang lumabas ang hinihintay niya para magpahangin.

"Uy, Andrei!" tawag ni Gia sa lalaki.

Tumingin naman si Andrei saka ngumiti. "Ikaw yung best friend ni Aly diba?" tanong ng lalaki.

"Yes." tango-tango na sabi ni Gia.

"Can I help you?" tanong naman ni Andrei.

"Oh, yes! Inutusan kasi ako ni Ms. Sanchez na kunin ang number mo. Alam mo na. In case of emergency."

Tumango naman si Andrei bilang pasang-ayon. "Ah ganun ba? Akin na cellphone mo."

Agad naman ibinigay ni Gia ang phone niya kay Andrei. Ti-nype ni Andrei ang number niya saka isinauli na kay Gia yung phone.

"Sige Andrei. Thanks." ngumiti si Gia at ngumiti rin si Andrei.

Pagpasok ni Gia sa kanilang room ay humagik-ik siya ng tawa.

Sa sumunod na araw...

"Aly, nagpalit na pala ako ng number. Akin na ang cellphone mo. Ita-type ko nalang."

Nagtataka man si Aly ay kinuha niya yung phone niya sa bulsa niya at ibinigay sa kay Gia. "Oh, heto." Inantay niyang matapos si Gia na magtype.

Nang matapos na si Gia ay isinauli na niya kay Aly. "Oh, save mo nalang yan." Matapos tumango ni Aly ay agad na pumasok si Gia sa classroom nila sabay tawa ng parang evil laugh. "HAHAHA!" Habang tumatawa siya ay nabilaukan siya sa sarili niyang laway. "HAHA-ahem. Ahem."

PRESENT

"Ah... Kaya pala" habang nasa baba ko yung isang kamay ko na para bang nag-iisip. Nakangiti lang ang babaeng nasa harapan ko. "Pero tampo parin ako sayo." sabay irap ko sa kanya.

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at sinabing "Ano ka ba! Hindi mo ba gusto 'yun? Yung makatext siya?"

Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Oo nga noh?"

String Of FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon