CHAPTER V

4 1 0
                                    

Author's POV

It was 12:30 in the afternoon at si Andrei ang nakaupo malapit sa bintana habang nagse-sketch ng babaeng gusto niya. Dumaan si Lucy at nakita niya si Andrei sa bintana kaya pumasok siya.

"Uy Andrei! Lunch break na. Hindi ka pa nagla-lunch ah." hindi siya pinakakinggan ni Andrei at patuloy parin ito sa ginagawa niya habang nakangiti. "Hay nako. Iba talaga kapag may sikretong minamahal."

At dahil parang na ingayan si Andrei kay Lucy, pinagsabihan na niya ito. "Lucy, wag ka ngang maingay." halos mag-abot na ang kilay ni Andrei nang dahil sa babae.

Naparoll eyes si Lucy saka kinuha na lamang ang bag niya at lumabas na ng room.

Aly's POV

OMG! Nasaan naba yung debate club room? 10 minutes na ako naghahanap pero hindi ko parin makita! Ano ba naman kasi 'tong si Gia! Hindi man lang sinabi sakin kung saan ihe-held yung event.

"Hoy, gaga ka ba? Hindi mo siya tinanong diba? At malay mo! Busy yung tao. Isip-isip din pag may time"

Sorry naman. Oo na kasalanan ko na. At, baliw naba ako kasi kinakausap ko yung sarili ko? HAHAHA!

At last! Nakita ko na rin yung hinahanap ko.

Pagkabukas ko ng pinto, narinig ko si Ms. Sanchez na tinawag yung last name ko.

"Perez?" pero hindi nakatingin si Ma'am sa students kundi dun sa papel na nasa table sa likod ng classroom. So nag-aatendance pa lang pala si Ms. Sanchez.

"Present. Sorry Ma'am, I'm late." OMG. Hindi ko inexpect na ganito karami ang students dito sa Debate Club.

Tumingin naman siya sakin. "It's okay. Come in." sabi ni Ms. Sanchez saka pinatuloy yung pag-aatendance niya.

Pumasok na ako at umupo sa upuan katabi si Gia. Tanong agad ang bungad niya sakin.

"Ba't late ka?"

"Hindi ko kasi nahanap agad 'tong debate room. At nakalimutan ko ring tanungin ka."

"Ay, nakalimutan ko palang sabihin sayo na isa ako sa organizers nitong event kaya busy ako this week at hindi kita na inform kung saan. Sorry talaga." sabi niya habang hawak ang dawalang kamay ko.

"Okay lang yun."

Natigil naman ang usapan naming dalawa nang magsalita na si Ma'am. "Wait Ms. Perez..." tumingin naman ako sa kanya. Hala, may nagawa ba ako? "Since you're the last one to arrive, you will be the first one to do the debate." HA?! Ako? OMG.

"Okay Ma'am." tumayo ako at naglakad patungo sa table ni Ma'am.

Kinuha ni Ma'am ang isang maliit na kahon na may mga nakarolyong papel. "Pick your opponent please." Kumuha ako ng isa at ibinigay kay Ma'am.

Binukasan ni Ms. Sanchez yung papel na ibinigay ko sa kanya at binasa niya ang nakasulat dito "Your opponent will be Mr. Philips."

Hala! Andito ba siya?!

Alam kong bumilog ang mga mata ko ng dahil dito. Inilibot ko ang aking paningin sa buong room at nakita ko siya sa bandang harapan. Ngumiti siya sa akin at iniwas ko na lamang ang paningin ko. Baka himatayin pa ako sa ngiti niya eh. Pero wait lang...

HA?! Si Andrei! Naku patay~ Siya pa naman ang tinaguriang Debate Master sa year level namin.

Natigil ako saking pag-iisip ng marinig ko si Ms. Sanchez na magsalita "As of now, go back to your seat. I will first discuss the mechanics of this debate."

String Of FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon