Tres: "WHO"

0 0 0
                                        

WHO AM I

I was dreaming, feeling ko nakalutang ako. Dumating yung lalaki na may familiar voice na laging may kwento at kumakanta. Parang pagod ang boses niya.

"Hi Steffi, I heard nagising ka na daw. Kamusta ka naman, gustong gusto kitang gisingin at kausapin kaso pinapagpahinga ka nila. Ilan beses na daw pabalik-balik un sakit ng ulo mo at pagkahilo. Pahinga ka mabuti at magpalakas ka ha." He said while playing with my hand

"Pasensya ka na, matagal ako nakabalik busy kasi sa work. Maraming tinatapos, mukhang ipapadala pa nga ako sa australia next week kailangan pumunta may emergency dun eh. wag kang mag-alala babalik agad ako para makausap ka na. Hintayin mo ako ha. See you. Get well." Sabi niya sabay halik sa noo.

That sweet gesture bumilis tibok ng puso ko dun ha. Gustong gusto ko idalat mata ko pero ambigat ng pakiramdam. Feeling ko ang groggy ng pangyayari. Gusto ko siya makita at makilala.

Sino kaya yun lalaki? Sino din si Steffi?

I woke up with a sore feeling, the headache stops. Sana tuloy-tuloy ng mawala yung headache ko ay pagkahilo. Puro na ako tulog. Naabutan kong nag-uusap usap silang apat, may mga tinitignan na parang kung ano.

"Hi darling, ok ka lang? Nakausap namin un doctor mejo sa kalagayan mo ngayon natural ang headache at pagka-hilo kasi ang tagal mong comatose. Ngayon ka lang nag-regain ng consciousness mo." Sabi nun familiar na lalake.

Lumapit silang apat sakin, tinaas un headboard ko. May inabot sa aking photo album at cellphone. Napa-isip ako anong gagawin ko kaya dito.

"Check the albums, maybe you could remember something. The doctor told us maybe the temporary memory loss maybe the effect of the accident. But eventually it will be ok." Sabi nun stranger lady

I opened the album and saw baby girl pictures. From baby hanggang parang high school pictures ba yun.

May nahagip ako while browsing the photos. Meron dun birthday party, 7th birthday ata yun. May nakasulat na "HAPPY BIRTHDAY IRISH".

"Who is Irish and yung Steffie?, May I know who you are? Who am I?" I confusely asked.

A Blank Sheet Of PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon