Mabilis na lumipas ang araw. Nakakatayo na ako at I was able to walk na din pero may episodes pa din ng dizziness. Kaya nagpapahinga ako paminsan minsan.
Nakakatuwa nga kasi nakakapag restroom na ako mag-isa at nakakaligo na din.
May mga constant visitors din ako tulad nung mga highschool at college classmates ko. Pati un ibang officemate ko dumalaw na din pati mga boss namin kasi nalaman nila na mejo able na ako to move and accomodate visitors.
Since walang pasok bukas daw dahil saturday (finally aware na ako sa araw but not the date) nagstay muna ang mga beshies ko. I was happy na nagiging comfortable na ako sa kanila. Wala ng strange feeling. They started their stories again lalo na si artsy at ang mga aura niya. Super tawa lang kami ng tawa.
"Barbie, kelan nga pala nangyari un accident?" I remembered kaya natanong ko na.
"Ahh, nung september 21 nangyari yun. Pauwi tayo galing sa toxic day. Puro meeting tayo nun tapos si Boss Phil pa tinadtad tayo sa trabaho na pinapatapos. Mega OT day yun kaya dun na tayo sa office nag-dinner. Tapos sa tanda ko may nagmessage sa'yo sa facebook parang bad news kasi super sad ka nung lunch time. Hindi mo na nga lang nakwento sa amin yung story kasi walang time to chikka na." Kwento ni barbie
"Oo nga beshie, hindi mo na nakwento yung facebook message sa'yo nun lagi mong ka-chat. Chinggay sino nga ulit yun?" Sabi ni art
"Ewan ko, nakalimutan ko un name." Si ching nagsalita busy kasi kumain eh ayaw paistorbo
"So pauwi na tayo, hindi na sumabay sina art at ching sa atin kasi nauna na sila umuwi. We decided to go home mga past 10pm na yun, while nasa jeep tayo papuntang LRT tulog tayo pareho. Haha." Pagtuloy ng kwento ni Barbie
"Pagbaba sa jeep habang palakad na tayo papuntang LRT. Bigla mo ngang sinabi sa akin, "Could this day get any worst? Pagod dahil toxic na nga tapos ganun pa mababasa mo sa messenger? I hate this day. Arrrgh!", tapos ayun nagulat na lang ako biglang may humagip na kotse. Next thing I see nasa pavement ka na walang malay. Lumabas ng car sina tito alex at tita andrea tapos dinala ka na namin sa hospital at tinawagan ko na parents mo." Maluha-luha niyang kwento.
I was teary-eyed hindi ko alam bakit. Feeling ko kasi habang kinukwento niya yun bumigat un pakiramdam ko. Walang headache pero un feeling na parang ang sad nun araw na yun. Anong meron yung september 21 na yan. Kasumpa-sumpa ba o maybe it's a lucky day for me. Ewan ko, masakit sa ulo mag-isip. Nagsisimula na naman ang headache ko. Pero hindi naman masakit masaydo.
"Anong date na ba ngayon?" Tanong ko
"October na girl, october 26." Sabi ni ching
Ang tagal ko na pala sa hospital, one month na. Nawala ako sa day dream ko ng biglang pumasok yung doctor ko to discuss something daw. Bigla akong kinabahan.
"How did it happened?" I was in shock after hearing the result of my MRI at CT scan.
I saw my mama is crying na while si papa tahimik lang kinalma si mama. Yung mga beshies ko nagulat din kaya lumapit sa akin. Sina tito at tita mejo hysterical na.
"How come ganyan yung result? Kala ko ba ok na? Bakit ganyan?" Sigaw ni tito
"We would consult other doctors, if kailangan pumunta ng America pupunta tayo. Hahanap tayo ng second opinion. Andun un pamangkin kong doctor. Papaayos ko na ang mga papers natin lahat. Kapag ayos na lahat aalis tayo agad." Sabi ni tita na iritable na sa nadinig na result
They bid goodbye to the doctor and asked for clearance and referral para maayos yung papers papuntang States. Nagdecide na sina tito at tita na ilabas ako sa hospital kapag maayos na ang papers na papunta States at lilipad agad kami para sa second opinion.
My beshies also said their goodbyes, babalik na lang daw sila next week.
BINABASA MO ANG
A Blank Sheet Of Paper
RandomQuestions everywhere. Where.?: Where am I? What?: What happened? Who?: Who am I? When?: When did it happen? How: How did it happen? Why?: Why me? I guess I don't know anything but I feel I know everything. Those crazy nights that haunts me and thos...
