Is it worth it? [Chapter 2]

46 3 1
                                    

2

"Trevor, ano ba? Lasing ka. Umuwi na tayo."

"No! No Jillan, I want you back.." Naibagsak ko siya sa daan dahil sa sobrang pagkainis sa itinawag niya sakin. Pucha. Jillan? Ayos ah. Kelan pa naging Jillan ang Julienne? Kahit na lasing siya, aba walanghiya, ngayon niya lang ako naipagkamali sa kapatid ko. Hindi porke binasted ko siya nung isang araw eh pwede niya na akong pasakitan ng ganito. Tama, wala sa mga choices ang pinili ko. Minsan naman kasi ganun diba? Wala sa choices ang tamang sagot. To make it clear, tumanggi ako. Ang sabi ko sa kanya, masasaktan niya lang ako. Magbe-break din kami. At ang ending? Sira ang friendship na halos walong taon na sa amin. Parang hindi worth it kung susugal kami. Eh pwede ko naman siyang pasayahin kahit na hindi kami official. Ang masakit lang kasi dito sa set-up nato, sigurado akong itong puso ko eh sa kanya lang. Pero paano siya? Wala akong kasiguruhan na yung puso niya eh sa akin lang din. Pero ginusto ko to eh. Anong inaarte-arte ko diba? Pambihirang buhay. 

"Trev, isang hirit pa, iiwanan kita dito sa daan. Teka, ba't naman kasi hindi kapa hinatid nung mga kaibigan mo? Ang gagago naman." kinakausap ko siya kahit lantang gulay siyang naka-akbay sa balikat ko ngayon. At ang nakakabwisit pa sa isang to eh napakabigat niya. Ang laking tao eh tsaka ang tangkad pa. 

"..love you J..." Kung ano-ano binubulong bulong ng isang to. Parang tanga. "bed...let's...make...love..." Ano daw?! Pabulong bulong pa kasi eh hindi ko naman magets kasi nga yung boses niya di ko na maintidihan. Parang may nagsasalitang 2 years old na bata.

"Tumahimik ka dyan." sabi ko nalang. Nang makarating kami sa waiting shed iniupo ko muna siya sa isang bench tsaka tumawag ng taxi. Badtrip, ako nanaman magbabayad ng pamasahe. Doble sisingilin ko sa kanya bukas para magtanda.

Nang dumating yung taxi pahirapan ko nanaman siyang inakbay at ipinasok sa loob ng taxi. 

"Manong, sa westwood subdivision nga po."

"Ok, ma'am"

Tulsak na si Trevor. Ganyan naman yang taong yan eh. Maisandal lang sa kahit saan, basta lasing makakatulog agad. 

"Ma'am, asawa niyo po? Mukhang napasarap ang good time ah," biglang sabi ni manong driver. Saglit itong tumingin samin sa pamamagitan nung rearview mirror. Ngumiti ako ng pilit. Walangyang Trevor to. Paanong hindi kami mapagkakamalan ni manong eh kung makayakap sa bewang ko at makasiksik ng ulo niya sa leeg ko eh parang katapusan na ng mundo.

"Hindi ho," pagtanggi ko. Ewan ko kung nang-aasar tong si Trevor pero pagkasabi ko nun, gumalaw yung kamay niya sa bewang ko at lumapat yung labi niya sa leeg ko. Nature niya na ata talaga ang pagiging mahilig sa skinship kahit tulog. Jusko.

"Ah, boyfriend siguro no?" nakangising tanong ni manong.

"Ah opo." sabi ko nalang ng matahimik na siya. Mausisa din eh no?

Pagdating namin sa condo niya, ibinagsak ko nalang siya sa sofa. Wala akong paki kung bukas eh sobrang sakit ng likod niya dahil hindi siya sanay na hindi sa kama niyang malambot matulog. Sinong abnormal ang may kasalanan diba? Siya. 

Tumunog yung ring tone ng phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. 

Alex calling...

I picked up. 

"Bakla, hindi kaba uuwi ngayon?! Bakit alas dos na ala kapa dito sa apartment?!"

"Hoy babae, huminahon ka nga dyan. Dito muna ako matutulog sa bahay ni Trevor, eh nalasing eh.."

"Ay. Dyantechi ka nanaman matutulog?! Buti hindi ka nabubuntis teh!"

"Walanghiya ka! Tumigil ka nga! As if namang may ginagawa kami dito ng kumag nato eh kita mo nga tinulugan ako!"

"Asus! Kaya nga nauso ang salitang rape no! Bakit hindi mo pa lubusin ang pagkakataon diba?! AHIHIHIHi!"

"Bastos kang babae ka! Ewan ko sayo! BYE NA NGA!"

"Achuchu~ hihihi! Babuuuu! Labyuuuu girl!"

May sa-baliw rin tong si Alex eh. By the way, totoong babae to. Di bakla. Alexis Campos ang buo niyang pangalan. Fashion designer. May jowang model. Kasal na dapat tong baklang to eh. Pero alam niyo, may mga taong tanga lang talaga. Inayawan ba naman ang proposal ni Tristan. Eh ano pang hahanapin niya sa isang mabait, gwapo, maperang tulad nun? Complete package na diba? Pero tumanggi eh. Ayaw pa daw matali. Pero kung ako yun? At mahal ko naman yung tao, gogora na talaga ako! 

Pero hindi na ata ako maikakasal kahit kelan eh. I brushed off the sad thought. Ang emo, shet. HAHA

Pinilipit ko ng mabuti yung bimpong basa ng tubig at pagkatapos ay ipinamunas sa mukha ni Trevor. Kapag may naaalala akong kagaguhan niya idinidiin ko nalang yung bimpo sa mukha niya dahil sa asar sa kanya. 

"Julienne.." tawag nito sa pangalan ko. Hindi ko siya pinansin sa kung anong ine-echos niya at pinagpatuloy lang yung pagtatanggal ng mga butones ng polo nito. Paker nga eh. Any minute maghe-hello na sakin yung mga abs niya. Tae. 

"..lienne.." ungol ulit nito. Ay shit ka. Kaingay-ingay! Medyo binilisan ko yung pagbibihis sa kanya ng sando nang makaiwas sa temptasyon. Pero dahil napatingin ako sa mukha niya, at sakto namang napadako sa kanyang mamula-mulang labi...napatitig ako at napatigil sa ginagawa ko dahil sa thought na pumasok sa naglulumot kong utak...'kiss it'. POTA. Ano ba 'tong pinag-iiisip ko? Pero... sus, smack lang naman, di na masyadong masama diba? (XDD) Tsaka parang ganti ko narin sa lahat ng ginawa niya saking kalokohan. LOL. 

Napangiti ako. Sigurado namang hindi niya ito maaalala bukas eh. Inilapit ko yung mukha ko sa mukha niya at pumikit. Pinagdikit ko yung mga labi namin. Pakshet. Ang lambot. Pinatagal ko ito ng mga limang segundo siguro. Pero nanigas ang buong katawan ko nang bigla nalang gumalaw si Trevor. Ang labi niya ay bumuka. Gumanti siya ng halik. Potahh. Napahawak ako ng mahigpit sa braso niya dahil sa paghalik na ginagawa niya sakin. Shet. Bakit ang sarap? Napapikit ako...pero sobrang mali ito eh.

Habang hinahalikan niya ako para naman akong nalalasing na ewan sa lasa ng labi niya. Gusto kong huminto pero paano? Wala ako sa katinuan ko. Gumagala narin pati yung kamay niya. Nang akmang ipapasok niya na ito sa loob ng blouse ko pinigilan ko yung kamay niya. "Trev, lasing ka.." Isang tonelada ng lakas ng loob ang inipon ko para tanggalin yung haplos niya sa balat ko. Alam niyo ba kung gaano kahirap? Parang pinigilan mo yung sarili mong uminom ng tubig kahit mamamatay kana sa uhaw. 

Pakshet. Whew, muntik na yun ah. Muntik na talaga. Pucha.

====================================

They're my characters---------> =DDD Julienne and Trevor from the korean series "Reply 1997"! ^=^

Unbreaking His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon