3
Halos hindi maiangat ni Trevor yung mukha niya sa pagkakayuko habang nagpapanggap na busy sa pagkain ng niluto kong almusal. Medyo awkward. Kanina pa yan eh. Simula nung gisingin ko, para bang bigla nalang siyang nawala sa sarili. Nung hawakan ko yung braso niya para alugin agad-agad na tumayo at tumakbo sa lababo. Tapos nung ayain ko naman ngayong kumain ng almusal eh hindi naman ako magawang kausapin o tingnan man lang. Seriously, anong ginawa ko sa kanya?
“Salita ka naman dyan huy,” tukso ko. Inangat niya yung ulo niya ng saglit tapos ibinalik din agad sa pagkain niya. Walang emosyon. Parang zombie lang sa umaga ang peg.
“Ano…” Ginalaw-galaw niya yung kutsara sa plato niya. “May ginawa ba akong kakaiba kagabi?” mahina at seryoso niyang tanong para basagin yung katahimikan. Kung sa ibang circumstance to baka humagalpak na ako sa itsura niya ngayon. Akala mo batang constipated eh. Pero dahil may ginawa nga naman talaga kaming kahindik-hindik kagabi eh hindi agad ako naka-react.
Umangat yung ulo niya para silipin yung naging reaksyon ko. “Meron ba?” ulit niya na para bang kinakabahan. Langya, feeling ko tuloy akala niya nabuntis niya na ako eh.
Dahil pakiramdam ko naman wala lang yung kagabi, baka nadala lang kami ng sitwasyon o ng kung anong temptasyon na naihain sa mga mukha namin eh baka pwede nang kalimutan nalang at huwag nang palakihin pa kaya ide-deny ko nalang. “Wala,” sumubo ako ng sinangag. “Bakit? May naaalala kaba?”
Ayun naman eh. Parang nabunutan ng tinik si loko. Yung relief na rumehistro sa mukha niya ng marinig yung sinabi ko eh daig pa ang negative sa sakit na AIDS. Nakakagago. “Hindi ko nga maalala yung mga ginawa ko eh . But I’m happy to hear that I didn’t do something crazy to you.” He said chuckling.
You did, fucker.
I stared at him. “What if you did?”
“What do you mean?” he said returning the gaze.
“Paano kung sinukahan mo pala ako kagabi? Paano kung halos mamatay ako sa kaka-alalay sa bigat mo? Paano kung… nag-eskandalo ka bago tayo makapasok ng taxi? Anong gagawin mo?”
Kumurba yung labi niya sa ngiting hindi ko maintinihan kung nanggagago o ano. “Magso-sorry. Kasi hindi ko alam kung ano yung ginagawa ko. Everything I do while I’m drunk is just messed up.”
“Alam ko.” Agad kong sagot. “Pero kahit ganon inuuwi parin naman kita ah.”
He looked at me for a split second. “Yeah, I know. That’s why I love you.”
“I love you too.”
“Julienne, kumusta na yung jowa mong gwapo?”
I looked cynically at Yvette. “Jowa? Sinong jowa?”
“Asus, kunwari pa siya. Yung gwapong sumusundo sayo, hello?! Alangan namang tatay mo yun eh no?!”
“Baliw! Wala kaming relasyon nung kumag na yon. How I wish.”
Binigyan naman ako ng wirdong tingin ni Yvette. “Weh?! Imposible naman. Eh bakit sinusundo ka nun araw-araw aber?! Ano yun, trip lang niya?”
Hinampas ko siya nung dyaryong hawak ko. “Sira,di ba pwedeng kaibigan muna? Di ba pwedeng matalik na kaibigan lang?”
“LANG? Hoy utot mo! Hindi na uso yung ganyan hano. Lokohin mo na lelang mo wag lang ako. Jusko, pustahan tayo may gusto sayo yun.”
Sinulyapan ko si direk. Buti nalang nagmimiryenda pa. Tapos umusog ako ng konti palapit kay Yvette. “Pano mo nasabi?” curious kong tanong.
BINABASA MO ANG
Unbreaking His Heart
ChickLitFan ka dati ng love team ng ate mo at ng lalaking mahal nito. Masaya ka na nagmamahalan sila. Pero paano kung yung lalaking mahal ng ate mo ay siya ring lalaking nago-occupy ng malaking space dyan sa puso mo? At paano kung isang araw malaman mong wa...