I said I would never... [Chapter 1]

46 6 5
                                    

1

"Julienne, mahal na ata kita."

Tumigil yung pagtibok ng puso ko nang mga oras nato.

"Yeah, I know..." napabagsak siya sa isa sa mga upuan at napahawak sa noo nito. Bakas na bakas sa boses niya yung disappointment, yung pagsisi. "I said I would never fall in love you... but I fucking did."

Tumigil ako sa pagkilos. Ibinaba ko yung pinggan na hinuhugasan ko. Dahil hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman dahil diyan sa biglaan niyang pagtatapat, I just looked at him. And then I saw how lonesome his eyes are. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. I realized, yan na yan yung itsura ko sa salamin two damnable years ago nung aminin ko sa sarili kong in love na ako sa ex ng ate ko. Ganyang ganyan nang aminin kong in love na pala ako sa kanya.

Sinubukan kong itago yung kinatatakutan kong pakiramdam na nagsisimula na ngayong lumukob sa puso ko. Tuwa. Pinilit kong ipakitang hindi ako naapektuhan ng dahil sa pag-amin niya. "So ano?" casual kong tanong sa kanya. Yung tipo bang parang nagtatanong lang kung anong gusto niyang miryenda.

Iniwas niya bigla ang tingin niya sakin. Ewan ko ba kung bakit bigla niya nalang hinablot yung bote ng beer at ininom ito. "Mag-on na tayo." sagot niyang parang hindi niya na kailangan ng pahintulot ko dahil hindi rin naman siya papipigil.

"Hindi mo na ba mahal si ate?" diretsahan kong tanong sa kanya. Hindi ko na pinigilan yung preno ng bibig ko. Tutal, all this time yan lang naman ang gusto kong malaman eh. Maganda na yung sa kanya manggaling. Para kahit pano hindi naman ako mukhang aso na kakawag-kawag ang buntot kapag may balak siyang pakiligin ako.

Napangiti siya ng mapakla. "Mahal parin."

Putangina.

"Ah ganun ba?" tumalikod ako para ipagpatuloy yung paghuhugas ko ng pinggan. Medyo delay narin kasi eh. Kung hindi niya ginulo sistema ko eh di sana kanina pa ko tapos dito diba? Bakit kasi wrong timing siyang pumili ng moment? Bakit isinabay pa niya sa paghuhugas ko ng mga pinagkainan namin? Pwede naman kasing mamaya eh no? Wala ka talaga sa timing Trevor, lagi nalang.

"Ok lang?" tanong niya. Yung boses niya kakaiba na. Tunog lasing na. Nilingon ko ulit siya at tinitigan. Hawak-hawak niya yung beer tapos nakalapit ito sa bibig niyang ang sarap bugbugin...ng halik. 

Huminga ako ng malalim. "Alam mo gago ka rin eh no?!" Napatingin siya sa mukha ko. Yung noo niya nagkaroon ng kunot dahil sa pagsigaw ko. Maski ako medyo natigilan dahil unexpected tong pagsabog ko. Pero hindi ko na rin kayang pigilan kaya ilalabas ko narin. "TANGINA MO TREVOR. TANGINA MO LANG TALAGA. AS IN."

"What?" ang sama ng naging itsura niya nung minura-mura ko siya. Nai-straight pa niya yung bagong bote ng beer. Tapos sumama yung tingin niya sakin. "Anong ginawa ko?" sa tono niya parang ang sama sama ng loob niya sakin. 

"Bukod sa bobo ka na nga, bullshit kapa!" sarap ibatukal nitong basong hawak ko dyan sa mukha niyang matagal ko nang gustong hawakan at pugpugin ng halik pero dahil may history sila nung ate ko at respeto narin para sa sarili ko, sinukuan ko nalang. "GIRLFRIEND MO NA AKO?! WALANG SUYO, WALANG LIGAW?! ABA, SINUSWERTE KA NAMAN ATA?" Gumuhit ang isang malungkot na ngiti sa labi ko na hindi na umabot sa mga mata ko. "Tsaka..." Nakakagago. Pramis. Oo, pwede niyang sabihing hindi niya na mahal si ate Jill, pero sa kanya na mismo nanggaling, mahal niya parin ito. At nakakasawa kayang magpakatanga. "Ang lakas ng loob mong sabihing tayo na eh mahal mo pa pala ang ate ko. Kundi ka ba naman isa't kalahating gago!"

Napatayo siya sa inuupuan niya. Masama ang tingin sakin. "Ikaw ang bullshit dito hindi ako! Sino ba tong nagpakilala sakin ng kapatid niya?! Sino ba tong atat maging kami noon ni Jillan?! At sino tong organizer ng lahat ng mga dates at lakad namin ni Jillan?! Diba ikaw lang naman tong baliw na baliw noon na maging kami ng ate mo?! Ikaw tong kung itulak kami sa isa't isa eh parang ikamamatay mo kapag hindi naging kami! Tapos ngayon isisisi mo sakin kung bakit mahal na mahal ko parin yang ate mo?! Oo! Mahal na mahal ko parin si Jillan, sobra! Hindi ko siya makalimutan! Alam mo ba kung gaano parin kasakit?! Sobra, kulang ang isang libong putang-ina para maparamdam ko kung gaano naging miserable ang buhay ko dahil iniwan ako ng ate mo! Ang hirap hirap paring gumising tuwing umaga na alam kong wala na siya sakin! At sino ba ang may kasalanan nito?! Ako ba?! Eh tangina, ginawa ko naman ang lahat ah?! I quitted racing kahit na ito lang yung bagay na nakapagpapasaya sakin! Umalis ako ng barkada kahit na sila lang yung mga taong nakakaintindi ng fucked-up kong buhay dahil sinabi ng ate mo! At sinundan ko siya ng New York para lang makasama siya kahit na wala naman dun yung buhay ko!" Napasuklay siya sa buhok niya. At the sight of him, parang pinupukpok yung puso ko. Parang pinipiga yung mukha ko. That was three years ago, I thought he already moved on, but guess he never did.

Parang may biglang gumuho.

Kitang-kita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. "Pero kahit kelan hindi mo ko iniwan. Andyan ka palagi para sakin. Nung nawala ang lahat ikaw lang ang natira." napakagat ako sa labi ko para pigilan naman ang kirot na bumabalot sa dibdib ko. "At sa tingin ko..." huminga siya ng malalim. "Konti nalang, bigyan mo ko ng chance. Makakalimutan ko rin si Jillan." 

Sabihin niyo nga sakin kung alin sa mga ito ang dapat kong gawin,

a.) Tanggapin ang kagaguhang pinapauso nitong si Trevor

b.) Pumayag maging syota niya kahit rebound lang ang dating ko

c.) Sundin ang sinisigaw ng puso kong tanggapin nalang ang kalokohang ito

d.) All of the above

Unbreaking His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon