Girlfriend. [Chapter 4]

49 3 3
                                    

4

Girlfriend. Big word. Commitment. Bigger word. Pero yang dalawang yan eh magkakonekta. At hindi pwedeng sabihing walang commitment kung girlfriend kana ng kahit sino. At hindi rin naman pwedeng magcommit ka sa isang taong hindi mo naman karelasyon.

Napaiwas ako ng tingin sa direksyon ni Trevor. Narinig ko yung pagbuntong hininga niya. Malalim. May ibig sabihin. Para bang napapagod na. Just the thought of Trevor feeling sick of me is enough to make me change my mind kahit pa sabihing masasaktan lang rin ako pag dating ng panahon. Kilala ko na kasi itong si Trevor. He could really be a charmer if he wants to. He can make every girl out there fall in love with him if he tries.

Pero.. yung alam mo sa sarili mong kahit anong pilit mong angkinin ng buo yung puso niya? Sus, asa ka pa. Eh iisang babae lang naman talaga ang pinaglaanan niya ng playboy niyang puso. Nakailang girlfriends na yan. Ilang break-ups after ni ate. Pero alam ko, ginawa niya lang yon kasi sobrang sakit ng paghihiwalay nila. Sobrang nawala yung pagkatao ni Trevor. At nung tinitingnan ko nga sya noon, gusto ko nalang siyang ikulong sa yakap ko para makalimutan niya yung sakit kesa nagpapaka-gago nalang siya.

This time, ako naman ang naglabas ng buntong hininga. “Sigurado ka ba sa gusto mong mangyari Trevor? Alam mo namang possesive ako. Ayoko na ginagago ako. Gusto ko kung tayo, ako lang ang babaeng pwedeng yumakap, humalik, at makipagholding hands sayo. Naiintindihan mo ba ko? Ayoko ng gaguhan na relasyon. Gusto ko seryoso,” napalunok ako sa kakornihan ng mga pinagsasasabi ko. “Gusto ko ako lang. Kasi ikaw lang din para sakin.” Nagkalakas-loob akong tingnan yung mukha niya. At leche, nakatitig na pala siya sakin kanina pa kaya hindi nakatakas yung pasimple kong sulyap. Hindi siya agad sumagot sa sinabi ko. He held my gaze. And I got the chance to admire his damn attractive face for the nth time again. Dati ko pa talagang nagagandahan yung kulay ng mata niya eh, ewan ko, ang astig lang kasi light brown ito. Tapos yung mata pa niya eh mapungay na akala mo laging naka-eyeliner dahil sa kapal ng eyelashes nito. Tapos akala mo siya koreanong intsik dahil sa kutis niyang maputla pero nagiging rosy kapag naaarawan. Matangos din ilong niyan. At may napaka-sexy at nakakaakit na labi. No wonder girls flash their boobs at him.

“All I know is that I really care for you, Julienne.” He said staring right through me. Natulala ako. I don’t even know what to react. Ano ba? Magtititili na ba ako? Kikiligin? Kasi ang hirap pagsabayin ng pakiramdam na para kang idinala sa alapaap at ipinatayo sa gilid ng isang nakakalulang rooftop. Masaya, oo. Pero his words just meant he’s still confused, baka nalilito pa siya. Baka dahil kabe-break lang nila ng ex niya at ako yung naging sandalan niya sa lahat ng problemang kinakaharap niya. Baka naman hindi talaga siya na-inlove sakin. Baka kailangan lang niya ng babaeng papalit sa lugar ng lahat ng pinaiyak at iniwan niyang babae.

I’m scared as fuck that if ever we push through with what he wants us to be, we would lose everything eventually. Paano kapag nagkasawaan? Paano kung magkapaguran?

He grabbed my hand and enclosed it with his. “Julienne, please. Everyone deserves a chance right? Sabihin mo lang kung anong kailangan kong gawin para maniwala ka na hindi ako nagloloko. Gusto mo patunayan ko pa sayo..” Parang biglang nagtonong desperado yung boses niya, and I’ve never heard him plead at anybody, of course except when he’s still with ate Jill. I remember him begging and begging and begging at my sister’s forgiveness everytime they fought. It was almost heart-breaking to see him be such the kind of guy he never is. “Manliligaw ako. Pagsisikapan kong makuha yung tiwala mo. Yung mga ayaw mong gawin ko ititigil ko na. Yung mga gusto mo susubukan ko ring gustuhin.”

My heart almost sank when I heard what he said. “Trevor, hindi ako si ate. Kahit kelan hindi ko ginustong magbago ka para sakin.” Nabitawan niya bigla yung kamay ko at napadukdok siya sa manibela ng kotse niya. His aura became annoyed.

“Why the fuck do you always bring JIllan in every conversation we are having?! Ako ba tong hindi maka-move on o ikaw?!”

“That’s because you still haven’t move on. Accept that fact. Eh tarantado ka pala eh. Ayoko ngang magpakatanga at gaguhin yung sarili kong nakalimutan mo na si ate kung hindi naman talaga! Edi parang sinaksak ko naman ng harapan yung sarili ko. Wag ka ngang magkunwari Trevor! Kung gusto mo lang ng replacement ni ate, sabihin mo ng diretsuhan. Wag mo kong paasahing mahal mo na ko, alam mo kung bakit? Kasi pag naniwala ako panghahawakan ko na yun habang buhay!”

He calmed a bit and his voice became softer. “Edi panghawakan mo…wala naman akong balak na baguhin pa yun eh.”

Tangina.

Nakagat ko yung labi ko ng wala sa plano. Yung pisngi ko hindi na nakatiis sa pamumula at yung hininga ko eh nagmalfunction na sa tindi ng emosyong bumalot sa katawan ko. Pucha naman kasi. “Walangya ka, kapag talaga ako pinaiyak mo ako mismo ang papatay sayo.”

I felt his presence became tensed. “What…?”

I tried to stay as serious as I should be. “Bawal tumingin sa ibang babae. Bawal ang kahit ngumiti lang sa kahit sinong hindi flat-chested, ok?”

“So you’re…are you…letting me now..?” wala parin sa sarili nitong tanong. Napatango nalang din ako na wala sa sarili.

“Julienne, seryoso ka diba?” Yung boses niya parang biglang naging hyper at feeling ko kapag binawi ko magiging high-blood siya. “You’re not just fucking with me right?”

Sumama ang tingin ko sa kanya. “I never fuck with you, idiot.”

He grinned. “I love you.” Kinuha niya ulit yung kamay ko at idinala malapit sa labi niya. “I love you, really. I think I may not be able to sleep tonight.”

“Wag kang adik.” Hindi ko napigilang mangiti. Shit, bakit biglang naging korni? Epekto ng drugs? Hahaha.

While he stare at me smiling from ear to ear like a retard I smirked. “Trevor, you know I love you too, right?”

His eyes glistened at what I said. “Y-Yeah…”

“…so you better not play with me.”

He nodded then smiled at me. “I’m serious as hell with you.” I heard my mind screamed, ’yesssss!’ and my stomach did a back flip. I fight the urge to just attack him and rain kisses on his face.

His eyes leave mine and darted in front of us. “I’m thinking I might just kiss you right now.” He said with the most embarrassed tone he could pull.

I bit my lip. “I’m thinking I might just want you to.”

And so he did. I mean we did. Kiss.

Not because he’s drunk and not because I am taking advantage of the situation. But because we both want it…and we’ve been waiting for this moment since forever…

…I mean, I have.

Unbreaking His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon