Take out [Chapter 7]

52 4 4
                                    

7

Nahipan kaya ng masamang hangin si Trevor? Yung totoo? Kasi naman pagkalabas ko ng bahay kaninang umaga para pumasok sa trabaho eh nakita kong nakasandal sa gilid ng pinto namin. Napatalon pa ako sa gulat dahil hindi ko ine-expect na may makikita akong bulto ng tao na naghihintay ng matiyaga sa labas ng apartment namin. Hanggang papasok tuloy sa studio hindi maalis yung ngiti sa labi ko.

“Nakadugs lang, teh?” puna sakin ni Yvette.

“Heh.” Sagot ko nalang.

Nang makatapos kami ng pitong scene, inutusan na ako ni direk na bumili ng lunch so I had to ask each and everyone kung anong ulam ang gusto nila.  Inuna ko na si Yvette, ako lang muna mag-isa kasi may inutos na iba sa kanya si direk eh.

“Pork sisig and adobong sitaw.” She said with a wide smile on her face.

“Ok.” I listed on my notepad. Sinunod ko na sila direk, ate Chona, ate Abby, kuya Jopa, kuya Toper, kuya Rico, Clarisse, Hans, Jeffrey, Ynna, Louisa, Ian,  and Lianne. Pupuntahan ko na sana si Jeremy kung hindi ko lang napansin na sobrang sama ng mukha nito. Kunot na kunot ang noo habang nagtatype sa laptop at tingin ko kapag kinausap ko baka masigawan nalang ako ng wala sa oras. So I just asked Yvette.

“Tingin mo anong ulam gusto niyang bestfriend mo?”

“Bakit hindi ikaw ang magtanong?”

“Eh mukhang badtrip eh.”

“Ay oo nga pala... Nasayang kasi effort eh. Nireject yung isa niyang idea para sa movie, eh ang alam ko ilang weeks niya ring binubuo yung concept na yun. Sige, bilan mo nalang ng Chicken Teriyaki and Carbonara.”

“Ok...” I glanced back at Jeremy. Medyo nalungkot naman ako para sa kanya. I know how hard-working this guy is. He’s just that kind of guy.

Pagkatapos kong makuha lahat ng orders ng mga katrabaho ko umalis na agad ako ng studio at pumunta sa Pepper Lunch, dyan kasi ang bilihan namin ng pagkain kasi mura na masarap pa. Habang naghihintay matapos iluto lahat ng inorder ko, I received a call from Trevor.

“Oh,” bati ko.

“Naglunch kana?” tanong niya sa kabilang linya. Funny how just his voice could make my heart beats fast.

“Hindi pa, umoorder palang ako para sa team.” Awkward kong sagot. I’m not really used to him calling me just to ask if I have eaten or not. Usually kasi he would just text me something like, ‘Eat.’, ‘Lunch na.’, ‘Wag kang magpapagutom.’ Something like that. I don’t know this feeling exists. It’s just…weird. In a good way though.

There is silence for a couple of seconds. “Uhm… you want me to take you out for lunch?”

Hindi ko nanaman mapigilan yung sarili kong mangiti. “Seryoso ka? Hindi kaba nagsasawa sa mukha ko? Kagabi, kaninang umaga, tapos ngayong lunch gusto mo nanaman akong makita. Iba na ata yan ha. Baka obsess kana sakin,” biro ko.

“You’re probably right. I just can’t get enough of you. I want to see your face every hour, every minute, every second of my day. Can you believe that? Can you explain to me why? Tell me how you could possibly make me think of you every single time.”

“Pinapakilig mo ba ko?” seryoso kong tanong.

“H-Ha?” I know he was kind of taken aback by my crazy question.

“You are being cheesy and stuff. I don’t want to freak out so just stop it.”

“Bakit ba? I was just telling the truth, really. I badly want to see you right now.”

I bit my lip to stop myself from screaming bloody hell. “Wag ka ngang mambola! Please.”

“Hindi kita binobola. Seryoso ako dun. Sa sobrang pagkamiss ko sayo ang tingin ko na tuloy sa lahat ng babaeng makita ko eh… ikaw.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unbreaking His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon