Chapter 2

19.1K 282 16
                                    

Dedicated kay BlackVirile dahil sa cover nitong story na to. Thank you <3 

PS: Nagkamali pa ako kanina... I'm so stupid. <////3 

*** 

Ituon mo na lang ang attention mo sa mga bagay na mas importante pa sa kanya. One great example? Family... 

--- Puchu Advice 

*** 

Chapter 2

-Pink-

 

Kakarating ko lang dito sa mall kung asan kami magkikita ng best friend ko. Alam ko naman na sobrang late na ako dahil sa nagdrama na naman ako… Pero masisi niyo ba ang magandang si Ako?

“Nika!”

Sigaw ko sa kanya. Napalingon naman siya… so she’s Hannika Chen. Half Chinese, half Filipino. At tulad ko she’s 17 and incoming college student.

“Yo! Pinky girl!”

Sigaw niya habang kumakaway at naglalakad papunta sa lugar ko. Almost one month kasi kaming hindi nagkita dahil nagbakasyon siya sa China. At ako naman ay nagmukmok sa loob ng kwarto ko dahil sa hayyy…

“Namiss kita girl! Anung nangyari sayo? Ang laki ng ipinayat mo!”

Ehh? Payat na ako tapos papayat pa? Ano na ako nun? Palito? Ting-ting?

Naalala ko tuloy yung sinasabi sa akin ni Zelo noon. Ayaw daw niya na maging sobrang payat ako, hindi daw healthy pag ganun at nagmumukhang sakitin. Pero ano ngayon ang nangyari? Dahil sa kanya kaya ako nagkakaganito. Ang sakit tagos sa heart lang.

“Huy! Ang anga-anga mo! Ano ba?! Huy! Pink Medrano Ramirez? Ako si Hannika Fuentes Chen Dyosa! Kamusta? Hellooooo~~~”

Para naman akong ewan na nagbalik sa katinuan nung narealize ko na nagsnasnap na si Nika sa harap ko at kung anu-ano na naming ginagawa.

“Uhhm… Ano-----“

“Hayyy nako! Oo! Yan na naming Zelo Castillo na yan! No need to explain Pink. Hindi mo pa rin siya nakakalimutan. Sabagay, ano bang laban ng apat na buwan sa tatlong taon right? Hayyy! That guy is really Arggghhhh! Pag nakita ko siya ilalampaso ko siya sa sahig! Nakakairita!”

Napatahimik na lang ako. Halata naman kay Nika na naiirita siya, saksi kasi siya sa tatlong pagsasama namin. Classmates kasi kami nung high school kaya hayun.

“He’s a stupid! Walang kwenta yang utak niya! Isa siyang matalinong shunga-shunga! Sinaktan ka niya! Pinaiyak! Tapos ngayon nagmomove-on ka sa kanya… pinapahirapan ka niya…”

Yumuko na lang ako, nararamdaman ko na naman na pipitik na yung luha sa mga mata ko. Haayyy life! Why so mean?!

“S—sira! Bakit napunta sa kanya yung topic? I—ikaw nga tong pumayat e. Kung anu-ano na naming pauso mo na diet~”

Forgetting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon