Chapter 20
-Pink’s POV-
“Okay ka na ba girlfriend?” tanong sa akin ni Dylan pagkalabas na pagkalabas ko ng C.R., ang sakit ng mga mata ko ngayon dahil sa ginawa kong pag-iyak kanina. Tumango lang ako sa kanya, nakita ko namang bumuntong hininga siya.
Palihim akong huminga ng malalim at muling tumingin sa kanya at tsaka ngumiti. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya.
“Tara na?” sabi ko sa kanya at hinawakan ko yung kamay niya.
“A--anong--“ hindi ko na natuloy yung sasabihin niya nung nagsimula na akong maglakad habang hatak-hatak siya.
“Alam mo first time kong magpunta dito,” sabi ko sa kanya habang iginagala yung tingin ko sa paligid. Hindi ko talaga alam kung anong plano ko ngayon, basta ang gusto mag-enjoy kami ngayong araw at makabawi man lang ako kay Dylan.
Kanina nung nasa banyo ako, napag-isip- isip ko na minsan ang makasarili ko na, masyado na akong OA dahil lang sa break-up namin ni Zelo noon, pero kung sabagay it’s my first heartbreak at hindi ko inaasahan na ganun pala kasakit iyon. I was too hurt to the point that I was blinded by it kaya hindi ko na namalayan na may mga nasasaktan na rin ako sa paligid ko. At isa si Dylan doon, he’s trying to help me but I’m so stupid to ignore it. Kaya heto ako, dinidibdib pa rin ang sakit, yung sakit na akala ko andito pa rin… pero ang totoo, wala na. Wala na yung sakit na nararamdaman ko, iniisip ko na lang pala iyon.
Iniisip ko na hindi pa rin ako nakakamove-on sa pain na naidulot ng breakup namin ni Zelo, pero hindi na pala iyon ang nararamdaman ng puso ko, my heart already gave up on him, hindi ko lang alam kung kelan. And now, my heart wants another someone.
“Hayy nako girlfriend, kung bakit ka ba naman kasi umiyak kanina eh! Pinag-alala mo ko!” napatingin ako kay Dudong na nakatingin na pala sa akin habang nakanguso. Napangiti ako at humakbang palapit sa kanya at ginulo yung buhok niya at tsaka ngumiti at mahina siyang hinampas sa balikat.
I cried because I’m scared that you might leave me. I’m scared that you may give up on me. I’m scared that I’m not worthy of your time and attention.
Gusto ko sanang sabihin iyon sa kanya pero hindi ito lumalabas mula sa bibig ko. Mahina akong ngumiti sa kanya.
“Umiyak ako kasi ang panget mo” sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin sa kanya.
“Asus, umiyak ka kasi naging cold ako sa’yo di ba? Ayiiieeee, crush mo ko no girlfriend? Hindi mo kayang maging cold ako sa’yo no?” nanunuksong tanong niya sa akin, sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang ito at tsaka ginulo ang buhok ko, agad ko ring tinabing ang kamay niya at inayos yung buhok kong ginulo niya.
“Kapal naman ng mukha mo! Umiyak lang ako--“ hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nung bigla niya akong hatakin papunta sa tabi niya at akbayan. Napatingin ako sa kanya, nakatingin siya sa akin at bahagyang ngumiti.
“Wag kang mag-alala, girlfriend, hawak mo ang buong pagkatao ko at puso ko. Hindi rin naman kita matitiis eh, hindi ko kayang malayo sa’yo” aniya at pakiramdam ko ay nabingi ako sa mga sandaling iyon at yung malakas na tibok ng puso ko lang ang naririnig ko.
“Ti--tigilan mo na ngang magbasa ng mga romantic novels! Mga pinagsasabi mo eh!” nauutal kong sabi at dumiretso na lang ng tingin, I know that I’m blushing right now. Shemay! Humalakhak lang siya sa akin at nagsimula na kaming maglakad.
BINABASA MO ANG
Forgetting Him
Teen FictionHim Series #1: Sabihin mo nga, paano ka makakamove-on kung binabalandra na mismo ng Tadhana ang Ex mo sa harapan mo?