Chapter 29

6.2K 145 9
                                        

Chapter 29

-Pink’s POV-

 

“Ang layo naman ng binyahe mo apo at ganitong oras pa?” baling ni Lola kay Dylan na ngayon ay abala sa pagkain. Napailing na lang ako at napatingin kay Kuya Blue na nakangising nakatingin sa akin ngayon. Bwiset ‘to! Kasalanan naman niya kung bakit nandito si Dudong! Sabihin ba naman kay Dylan kung nasaan kami at sinabi yung direksyon para makapunta dito.

Sinamaan ko siya ng tingin pero nagkibit balikat na lang siya at ngumisi. Ipaalala niyo sa aking bibigyan ko ng sapak ang taong ‘to. Napatingin ako kay Dylan na ngayon ay iniintriga ng Lola, Mama at ng iba kong mga Tito at Tita. Aba tuwang-tuwa sila nung malaman nilang malayo ang pa pinanggalingan nitong lalaking ito, tapos ako lang pala ang pupuntahan. Kinikilig daw sila para sa akin.

Paano ba naman, kanina habang kumakanta si Dylan ng Kismet, hindi niya pa nga nakakalahati yung kanta ay biglang bumukas yung ilaw ng buong bahay at nalaman ko na nanunuod na pala sila sa amin. Yung mga pinsan ko naman todo kantyaw! Mga langya sila!

“Totoo ba ang sabi ng mga ‘to na pinaiyak mo raw ang apo ko ha?” tanong ni Lola sa kanya. Napatigil naman si Dylan at napatingin sa akin. Ngumiti siya at ibinalik ang tingin sa lola ko.

“Opo, hindi ko naman po idedeny na nasaktan ko po siya” nakangiting sabi niya kina Lola dahilan para mapaawang ang mga bibig nila at napatingin sa akin. “Pero willing naman po akong mag-antay kung kailan niya ako papatawarin, andito lang naman po ako para ibigay yung Christmas gift ko sa kanya hindi ko po kasi nabigay” dugtong niya pa at napaanga ang mga taong nasa paligid namin.

“Ahh, ganun ba?” medyo naiilang na sabi ni Lola habang nakatingin silang lahat sa amin ni Dudong.

Grabe hindi sumagi sa isipan ko na darating ang araw na ‘to. Gigisahin ng buong angkan namin si Dudong, nung kay Zelo naman kay Mama at Kuya Blue lang naman siya dumaan hindi ganitong andito si Lola, mga Tita at Tito ko, yung mga pinsan ko at si Mama at mga kapatid ko. Mamaya nga niyan pati mga kapitbahay namin maki-usyoso na dahil ka-close din namin sila. Mabilis pa namang kumalat ang balita dito sa amin.

“Opo, hindi ko nga po naisip na gising pa pala siya kaya kahit alam kong may problema kami ngayon ay pinilit ko na po siyang harapin. Hindi ko rin po naisip na magigising po kayo dahil sa pagkanta ko. Pasensya na po talaga” sabi ni Dudong at napayuko pa sa harap naming lahat.

Ngayon parang nararamdaman ko na wala na talaga yung galit na kinikimkim ko kay Dylan. Makita ko lang siyang nandito sa harapan ko ngayon, yung effort na ginawa niya. I know it’s worth it. Hindi pa rin talaga siya nagbabago, he’s still my Dudong.

“Alam mo ijo, gusto na kita para sa pamangkin ko” sabi ni Tita Anna kay Dylan. Napatingin naman kami sa kanya at napansin ko ang marahang pagtango  nila Lola at Mama. “Masyado kang honest at straightforward, bihira lang ang mga lalaking tulad mo ijo” dugtong pa niya. Lihim akong napangiti, natutuwa naman ako’t nagustuhan siya ng pamilya ko.

“At tsaka, ikaw palang ang lalaking nakita kong nangharana ng madaling araw dito sa lugar namin at galing pa sa malayong lugar, di na ako magdadalawang isip na mahal mo nga itong si Pink” sabi naman ni Tito Lukas. Napangiti na naman ako.

Forgetting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon