Chapter 13

7.8K 194 7
                                    

Happy 10k reads for Forgetting Him! Thank you guys for reading!

Yung mga naka-italic ay Flashback siya :) Enjoy Reading!

***

Chapter 13

-Pink’s POV-

 

“Okay lang naman ako dito Kuya,” I said, for the nth time “I’m doing great at may mga kaibigan na nga ako” napairap na ako sa kawalan.

[I want to go there but I can’t]

Sabi ni Kuya Blue sa kabilang linya. Yung totoo? Parang paulit-ulit na lang siya eh. Tinawagan kasi niya ako at nangangamusta, isang oras na kami halos nag-uusap at paulit-ulit na lang na ‘kamusta’ ang naririnig ko sa kanya. Masyado ata silang napaparanoid ni Nika nung nalaman nilang nakatira kami sa iisang bahay ni Zelo. Jusme, mag-iisang buwan na kaming magkasama at medyo nasasanay na ako. Hindi naman kami masyadong nag-uusap unless na importante yun, gaya nga ng sabi ko, sobrang ilag ako sa kanya. Yung tipong pag-alam kong nandito siya magkukulong lang ako sa kwarto at lalabas lang kung kailangan o di kaya aalis ako. Basta ganun yung set-up namin. Pakiramdam ko naman naiintindihan niya ako eh.

“Alam naman naming busy ka kaya okay lang. No need kuya, I can handle myself okay? Kamusta mo na lang ako kay Mama”

[Okay, mag-iingat ka diyan ah? Aral mabuti! Wag papa-apekto sa ex!] sabi niya at narinig ko siyang tumawa.

Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano eh! Napanguso na lang ako at nilaro yung kumot. Babaan ko na kaya tong asul na to?

“As if naman. O sige na Stitch baba ko na to. Yung best friend ko ah?! Asikasuhin mo yun!” sabi ko at bigla akong napapangisi dito. Ramdam ko naman na natahimik siya sa kabilang linya. Sabi na eh, pagdating kay Nika tumitiklop siya!

[I’ll hung up] He said in a cold tone, sabay baba ng phone. Okay? What was that?

Kumunot yung noo ko habang tinitignan yung screen ng phone ko. May issue kaya sila ni Nika? Matanong nga yun next time, masyado na akong nagiging outdated sa mga happenings sa kanila. Inilapag ko na yung phone sa study table at tsaka ipinatong yung mukha ko sa mesa.

Wala kasi akong klase ngayon, kaya heto natambay sa dorm at nakatunganga. Gumagawa ng wala. At kaya nakakulong ako sa kwarto ngayon ay dahil sa andito rin si Zelo, ang alam ko may klase dapat siya pero di ko alam kung bakit siya umabsent. Nag-aaksaya siguro siya ng tuition fee.  

Naalala ko na naman yung nangyari sa audition na naganap, obviously nakapasok si Dudong sa Dance troupe at siyempre si Zelo, Shang at Zed sa Music Team. Grabe yung performance nila Shang at Zed, halos lumagapak sa lupa yung panga ko dahil doon. She’s really a great singer, tapos samahan pa ng maangas maggitara na si Zed. Combo grabe! And of course si Kate, hayun we’re ‘friends’, mabait siya at madaling pakisamahan. She doesn’t know anything about us, kung hiniwalayan man ako ni Zelo, it’s not her fault, naguguilty lang ako sa tuwing nagiging bitter ako sa kanya.

“Hayyyyy,” I sighed then stood up. Nakaramdam ako ng gutom bigla, siguro mabuti kung kumain na lang muna ako. Kinuha ko yung wallet ko at tinignan yung sarili ko sa salamin. Nung nakita kong mukha naman akong tao, lumabas na ako ng kwarto. Inikot ko muna yung tingin ko sa buong second floor at itinuon ang atensyon ko sa kulay puti na pinto sa kabilang dulo, yung kwarto ni Zelo. Nagkibit-balikat na lang ako at nagsimulang bumaba.

Napatigil ako nung makita ko si Zelo na nakaupo habang nakatukod yung kaliwang siko niya sa dining table at nakapatong dun yung ulo niya tapos yung isang kamay niya ay nakahawak sa babasaging baso na may lamang tubig. Napatingin siya sa akin at parang nagulat siya nung nakita ako kaya bigla siyang napaayos ng upo.

Forgetting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon