Sorry po sa matagal na update :3 Medyo di makapag-focus si Author dito. :3 Papromote nga pala ako! Hahaha. Bili kayo guys ng MMME Book 1 ha? Chos~ Pero bili kayo! Nasa MIBF ako bukas ng gabi. Sana may makita akos sa inyo! Sigaw kayo Dudong ha? xD
***
Chapter 17
-Pink’s POV-
“Bakit kasi hahatid mo pa ako eh sanay naman akong umuwi mag-isa? Mas malapit nga yung condo mo kesa sa dorm ko” sabi ko kay Dudong habang naglalakad kami papunta sa dorm ko.
Ang kulit din kasi ng lahi ng lalaking to eh, push niya talaga yung paghataid sa akin kahit na tinanggihan ko na siya. Inaantay kong magsalita siya pero hindi, tumingin ako sa kanya at nakita kong naka-focus lang siya sa pagbabasa nung kwentong binabasa niya. Napairap na lang ako sa kawalan at the same time napangiti ako. Weird niyang tignan but at the same time he looks so cute.
Dumiretso na lang ako ng tingin sa daanan at hindi na umimik pa. Palihim na lang akong natatawa dahil yung mga nakakasalubong namin ay napapatingin talaga sa katabi ko at napapangiti. Hindi ko alam kung natutuwa ba sila dahil may isang poging lalaking seryosong nagbabasa sa daan ng isang “romantic love story”.
“Ang weird mo minsan no?” bulong ko lang halos sa sarili ko. Tumingin ako sa kanya at nakita ko na ngumingiti siya. Napangiti tuloy ako. Ang weird talaga ng isang ‘to!
Para siyang cute na bipolar, minsan sobrang seryosong tao na akala mo sobrang mature tapos minsan sobrang kulit at mapang-asar na nilalang.
Bigla akong nagpanic at madali siyang hinatak palapit sa akin nung muntik na siyang bumangga sa isang poste. Napabuntong hininga na lang ako at tsaka sinamaan siya ng tingin, mukha kasing wala siyang kamalay-malay na muntik na siyang bumangga sa poste.
“Tingin-tingin din naman kasi sa dinaraanan” nailing kong sabi sa kanya. Sinara niya yung librong binabasa niya at tsaka tumingin sa akin “Hindi mo naman kasi talaga ako kailangang ihatid, sana umuwi ka na lang para makapagbasa ka ng maayos” sabi ko sa kanya habang siya ay nakatingin lang sa akin.
“Umuwi ka na, yun na lang yung dorm ko o!” sabi ko sa kanya at tsaka tinuro yung apple green na bahay sa tapat ng kinatatayuan namin. Tatawid na lang naman ako tapos yun na. Sinundan naman niya yun ng tingin at pagkatapos ay tumingin ulit sa akin.
“Psh, andito na ako eh bat di ko pa sulitin di ba?” aniya at hinawakan ang kanang kamay ko at marahan akong hinatak palakad patawid sa dorm ko.
Napailing na lang ako at lihim na napangiti sa inasta niya, pinagmasdan ko yung likod niya. Kahit kelan talaga ang weird ng isang to, napatingin ako sa kamay ko na hawak niya, at hindi ko na napigilan pa yung lalong paglawak ng ngiti ko.
His hand feels so warm, parang ang sarap sa pakiramdam na hawak niya ang kamay ko. Pakiramdam ko ligtas ako dahil hawak niya ang kamay ko, his hold make me feel safe and secure. He always held my hands whenever he likes. Anywhere, anytime he’ll hold it, and this is what I always feel.
“Aray!” mahinang sabi ko nung bumangga ako sa likod ni Dudong.
Grabe hayun na eh, nagmomoment na nga tapos masisira pa. Humarap siya sa akin at matalim ko siyang tinignan habang siya ay kunot-noong nakatingin sa akin.
“Heto na ba yun?” tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot sa tanong niya. Seryoso naman siyang nakatingin sa bahay na para bang chinecheck ito kung may mali. “Nakatira ka dito kasama yung gunggong mong ex-boyfriend,” aniya sabay tingin sa akin “Kayong dalawa lang” mahinang sabi niya habang titig na titig siya sa mga mata ko. Nag-iwas ako ng tingin nung may kakaiba akong naramdaman dahil sa mga titig niya.
BINABASA MO ANG
Forgetting Him
Teen FictionHim Series #1: Sabihin mo nga, paano ka makakamove-on kung binabalandra na mismo ng Tadhana ang Ex mo sa harapan mo?