Chapter 9

8.7K 177 6
                                    

Chapter 9

-Pink’s POV-

“Pwede bang bitawan niyo kong dalawa?” naiinis kong sabi habang sinamaan ko sila pareho ng tingin, tumingin naman sila sakin pareho at parang naghehesitate pa sila kung bibitawan nila ako or not. Dahil sa umiinit na naman yung dugo sa kanilang dalawa ay marahas ko tinanggal yung pagkakahawak nila sa magkabilang braso ko, good thing at nakawala na ako sa kanila.

“Pink, let’s talk please?” halos magmakaawang sabi ni Dudong sakin, I looked at him and he’s looking at the ground.

“Hindi ko alam kung anong klaseng ispirito ang sumapi sa inyong dalawa para bigla na lang kayong sumulpot na parang kabute sa harapan ko. Tss, kung may kabaliwang tumatakbo diyan sa isipan niyo please lang wag niyo kong idamay, gusto ko ng payapang buhay kaya please lang dumistansya kayo sakin.” Hindi ko na inantay yung sasabihin nila at agad ko na silang tinalikuran at humakbang paalis, hindi pa ako masyadong nakakalayo nung maramdaman ko na may humawak sa balikat ko agad akong napalingon at nakita ko si Zelo.

“Ano?!” iritadong bulalas ko.

“Anong oras ka uuwi?” he asked na parang wala lang yung pagsigaw ko sa kanya, I looked at him and smiled sarcastically, “I was not informed na may curfew pala?” I asked him, nakikita ko yung pagkairita sa mukha niya pero agad din itong nahawi.

“I don’t know how to make it up to you again,” sabi niya with a serious expression written on his face, and again naabnormal na naman yung heartbeat ko, kaasar, gusto ko siyang murahin ngayon sa mga pinanggagawa niya. “Bakit parang ang hirap mo ng habulin Pink?” he asked, nagtama ang tingin namin, I looked at him expressionless as much as possible kahit parang ewan na nagtatalo yung mga nararamdaman ko sa loob-loob ko sa mga sandaling ito. Hinawakan ko yung kamay niya na nakapatong sa balikat ko at tinanggal iyon.

“Wala akong sinabing habulin mo ko Zelo, wala rin akong sinabing i-please mo ako. May mga bagay talaga na hindi na pwedeng mabalik sa dati, may mga bagay talaga na dapat iwanan na lang sa nakaraan,” I took a deep breath and then I talked again “Hindi porket nakatira ako sa dorm niyo kailangan nating maging magkaibigan o maging close, hindi mo ba naisip na awkward to para sakin?” hindi mo ba naisip na masakit to para sakin ha Zelo? Leche, ang insensitive mo naman! “Kung ako ang tatanungin mas okay na sakin yung civil relationship,” kasi mas kakayanin ko, takte kung magiging magkaibigan pa tayo ulit after ng pananakit mo sakin, aba punyeta ka pala “Kaya please lang, dumistansya ka” kasi baka umasa ulit ako.

After kong sabihin yun umalis na talaga ako, nakakainis talaga silang dalawa nung Dudong na yun, mga pakers sila! Bumibigat na naman tuloy yung pakiramdam ko, ayoko talagang umiyak, nakakainis lang.

Nakarating ako dito sa isang tahimik na parte ng University, walang tao dito kaya naman agad akong napaupo sa upuan, sinusubukan kong pigilan ang sarili ko na maiyak kahit na nagbabadya na itong lumabas mula sa mga mata ko.

“Pink…” napadilat ako at nakita si Dudong sa harapan ko. Umirap na lang ako at pumikit ulit, naramdaman ko naman na tumabi siya sakin kaya umurong ako palayo sa kanya.

“Girl friend” parang nanlalambing na sabi niya “kausapin mo naman ako oh,” bumuntong hininga siya “I’m sorry…” sambit niya na naging dahilan para maimulat ko ang mga mata ko at nagtatakang tumingin sa kanya.

“Sorry…” pag-uulit niya “Nasaktan kita Pink, patawarin mo ko sa nagawa ko. Alam kong galit ka sakin, sana hayaan mo kong makabawi sayo” sabi niya

“Argh! I’m doing things in a wrong way” pabulong na sabi niya sa sarili niya pero nadinig ko pa rin. Hindi ko siya maintindihan, he’s doing what? Napatingin ako sa kanya at nakikita kong ginugulo na niya ang buhok niya gamit ang dalawang kamay niya.

Forgetting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon