Chapter 11
-Pink’s POV-
Nagulat talaga ako at the same time parang ewan, huminga ako ng malalim at sinubukang wag magpaapekto, lahat ng tao sa audi napatingin sa kanya, including him. Nakatingin siya sa babaeng nasa kanan ko at nagulat, hindi ko alam pero parang napatingin din siya sa akin at mas lalo siyang nagulat pero binawi niya rin agad iyon at nagfocus yung tingin niya sa piano.
“Ooopps, sorry po” mahinang sabi ni girl habang inosente siyang nakangisi at tsaka umupo ulit.
So siya yung bagong girlfriend niya? Fudge! Bakit may kirot akong nararamdaman? Nakakainis! Nakakainis kasi naapektuhan ako ngayon! Nakakainis kasi nasasaktan ako ngayon! Nakakainis kasi naiinggit ako sa kanya! Ayoko na!
I bit my lower lip para matigil ko ang kahibangang nangyayari sakin ngayon, parang maiiyak ako at yun ang hindi pwedeng mangyari. Pero bakit ang bigat ng pakiramdam ko ngayon? Ang sakit pa rin eh!
“Woah,” rinig kong sabi ni Michael sa kaliwa ko, I sighed. Buti na lang at hindi ako tuluyang naiyak. “Not bad, she’s pretty” bulong niya na parang pinapatamaan ako. Whatever!
Napatingin ako kay girl sa tabi ko, naalala ko na kung saan ko siya nakita. Siya yung kasama ni Zelo sa mall nung nakita ko siya, yung napaiyak ako. Habang inaalala ko yun ay parang bumibigat na naman yung pakiramdam ko. Naiinis ako sa sarili ko for being so pathetic right now. Parang gusto ko na lang umalis dito. Pinikit ko yung mga mata ko, bakit ba kasi ang sakit sakit pa rin sa puso? Bakit ba kasi hindi pa rin nababawasan yung nararamdaman ko?
Napamulat ako ng mata nung marinig kong magsimulang tumugtog ng piano si Zelo, kahit nahihirapan ako ngayon, kahit nasasaktan ako ngayon parang mas nangingibabaw pa rin yung pagmamahal ko sa kanya, na kahit alam kong wala na akong lugar sa buhay niya kahit ngayon lang, magpapakatanga muna ako. Kahit ngayon lang, hahayaan ko munang mangibabaw yung pagmamahal, kahit ngayon lang gusto ko munang isipin na hindi ko sinusubukang kalimutan siya. Kahit ngayon lang.
“I remember that you’re my woman who I really love
I remember… just you
As time have passed, I treasure you”
Pinagmamasdan ko lang siya, nakapikit siya nung simulan niyang kumanta habang nagpapiano. Maganda pa rin talaga yung boses niya, hindi nagbago. Hindi ko maiwasang hindi mapasulyap sa katabi ko, sa babaeng nagmamay-ari na sa kanya ngayon. Masaya siya habang pinapanuod si Zelo, samantalang ako, halos madurog na ang puso ko.
“Because your breathing remains the same
It is as if you’re still in my arms”
Pagkatapos ng parteng iyon ay iminulat niya ang kanyang mga mata, at nagtama ang tingin namin sa isa’t isa. I smiled bitterly, assuming na naman ako, siyempre dun siya sa girlfriend niya nakatingin.
“It might me a dream
It might be the huge punishment that you gave me
Against slight hurt that I gave you…”
Hindi ko alam kung bakit parang nagiging iba yung pakiramdam ko sa kanta niya, I don’t know kung kinakausap niya ba ako o nag-aassume na naman ako. He’s still looking at our place, at kung susuriin ko yung tingin niya, parang punong-puno ito ng lungkot.
Oh my ghad Pink, pwede bang wag kang maging ilusyunada?! Papaasahin mo lang ang sarili mo niyan! Sa palagay mo ba magiging malungkot yan ng dahil sayo? Baka puyat lang yan kaya ganyan yung expression ng mga mata niya!
BINABASA MO ANG
Forgetting Him
Teen FictionHim Series #1: Sabihin mo nga, paano ka makakamove-on kung binabalandra na mismo ng Tadhana ang Ex mo sa harapan mo?