Sa sobrang lakas ng ulan hindi ko napapansin kung ilang oras na ba ako umiiyak sa sobrang sakit. Hindi ko alam kung paano ko matatanggap ang lahat.
"Hui, ano ba girl! Kanina ka pang walang tigil sa pag eemote jan!" Sabe ng bestfriend kong kanina pa walang tigil sa pag fafacebook.
"Hindi ko alam kung bakit ganto, ano bang ginawa kong mali?" Ani ko sa kanya.
Wala syang sinabe kundi ang pag taas lamang nya ng kilay at biglang umalis sa kwarto ko.
Wala akong ibang ginawa buong gabi kundi ang umiyak na lang ng umiyak. Hindi ko na nga namalayan na nakatulog na pala ko kakaiyak. Yung fes ko namamaga na!!
Nagising ako kinabukasan na wala na ang ulan. Tumayo ako at humarap sa bintana, sumalubong sakin ang isang magandang sinag ng araw! Sana sumapi ang kagandahang dala ng araw na to sa nararamdaman ko.
Pumunta ako ng cr para maligo, kasi ngayon ang araw ng pag punta ko sa bago kong school, at pag tingin ko sa orasan sa loob ng aking kwarto, alas nuebe na! Shit! Late na ko!
Nag madali ako sa paliligo, hindi ko na rin nagawang mag blow dry ng buhok at mag lagay ng polbo sa muka! Sa kotse ko na lang gagawin yun.
Pag baba mula sa aking kwarto papuntang kusina. May naaninag akong lalaking nakaupo sa upuan na lagi kong inuupan sa bahay namin. Nakatigin sya ng deretso at ang mga mata nya ay parang may bahid ng lungkot at pag mamakaawa.
Kinalabit ako ng kapatid ko para siguro paalalahanan na gunalaw ako. Kanina pa yata ako nakatunganga sa harap ng aking pamilya at sa lalaking hindi ko naman kilala.
Umupo ako sa tabi ng kapatid ko para sana kumaen na, pero nawawalan ako ng gana dahil sa nangyayare sa buhay ko ngayon. Uminom lamang ako ng gatas at umalis na sa hapag kainan.
"Dad, I need to go. Late na ko, mag papaenroll pa ko." Humalik lamang ako kay dad at umalis na. Hindi ko na hinintay kung ano pang sabihin nya.
Nag madali ako sa pag alis at dumarechi na sa aming garahe at napansin kong 10:30am na. Sobrang late na ko! Baka di ko matapos ang pag papaenroll ko.
Papasok na sana ako sa likod ng aming sasakyan ng biglang may tumawag sa likuran ko.
"Jillian!" Sigaw ng lalaki na naka paywang sa pintuan ng aming bahay.
YOU ARE READING
Maniwala Ka Lang
RomanceThis is a fiction. Lahat ng pangalan, lugar, o dates at kathang isip lamang ng author na ito. Ang ano mang bagay na pag kakapareho ay nag kataon lamang. Pero may mga bagay dito na nangyare sa totoong buhay....... Enjoy reading!