CHAPTER 1

64 2 0
                                    

CHAPTER 1

Famous

Nag lalakad kami ng aking dalawang kaibigan sa isang mall, nag hahanap kami ng damit na isusuot namin para sa party ng aming kaibigan.

Pumasok kami sa isang boutique na puro dress. Shocks! I can't believe na papasok ako sa gantong boutique. Hindi kasi ako yung tipo ng babae na laging naka dress. Mas okay na ko ng naka jeans, shorts, cropped top, tshirt, naka sneaker. Kesa sa dress at mga heels!

Ng nakapasok na kami agad akong iniwan ni Clarissa at Sophia para makapamili na ng damit nila. Okay! Eto ako dahan dahan sinisiyasat ang kapaligiran.

Napatalon ako sa gulat ng may biglang tumapik sa likuran ko. Jusko po!

"Seriously? Here in this place kita makikita? Akala ko sa sports wear boutique kita makikita." Ani ng kapatid kong naka ngisi at may kasamang babae na ni-hhead to foot ako.

"Ano ba Klien! Andito ko para bumili ng damit para sa party ni Ciara. At tska.. At sin.." Hindi na nya ko pinatapos sa pag sasalita.

"Oops! Gotta go sis. Call me when you're in trouble." Hinalikan nya ko sa noo at umalis ng mabilis.

Ilang minuto ng iniwan ako ni Klien sa loob ng boutique na to. Pero hanggang ngayon wala pa rin akong makitang magugustuhan ko. Samantalang sila Clarissa at Sophia naka apat na atang paper bag na dala. At take note! Dito lang yan sa boutique na to.

"Ano ba lian? Mag iisang oras na tayo dito, wala ka pa din bang napipili?" Ani ni Clarissa na nakataas ang kilay at nakapamaywang sa harapan ko.

Okay. Okay. Kinuha ko yung black na straight cut na bukas ang likod at medyo maikli. No choice na ko. Kesa dakdakan ako ng kaibigan ko, kinuha ko na lang at binayaran.

"Ohmaygad!" Sabay silang dalawa ng sinabe! At facial expressions!

Napalingon ako sa labas ng Yellow Cab kung saan kami kumakaen, isang pulutong ng mga lalaki ang pinag kakaguluhan sa labas. Di ko ininda ang mga pangyayare dahil hello? Kilala ko yata tong lalaking super yabang! Super gago! Pwee! At ang lalaking kinamumuhian ko forever.

Binalingan ko yung dalawa kong kaibigan na laglag ang panga kakatitig duon sa lalaking yon.

Niyaya ko na sila para umuwe at sumunod sila sakin ng papunta na kami sa parking lot. Agad kong pinatunog ang aking Ranger. Agad pumasok ang dalawa. Si Clarissa ang nasa front seat at si Sophia naman ang nasa back seat.

"I can't believe na ganon parin sya kagwapo ah?" Ani ni Sophia na nakatingin sakin. At pasimpleng na ngiti.

"Kung alam ko lang na ganon ang epekto ng pag papabugbog, ipapabugbog ko na lang din si kuya sa kapatid mo." Sabi ni Clarissa na sobrang lakas ng tawa.

"Ui ano? Lian? Affected pa rin?"  Sabay silang dalawa na umimik at tumatawa ng sobrang lakas. Yung parang wala ng bukas.

Nag kibit balikat na lamang ako sa sinasabe nilang dalawa. Kahit sabihin kong di na ako affected eh hindi pa rin sila maniniwala sakin. So useless din pag umimik ako.

Tumahimik ang dalawang bruha sa kakatawa, ng biglang may pinatunog si Clarissa sa kanyang cellphone.

Agad bumilis yung tibok ng puso ko. Hindi ko sila matitingnan. Pinipigilan kong lumabas ang luha sa aking mga mata. Pinipilit kong mag salita pero walang lumabas sa aking bibig.

"Three in the morning I can be dreaming Im wide awake, watching you sleep.
And I realized that theres no place I rather be....

I wasn't so sure at the start, now I wanna be there where ever you are.
And I cant deny, how you get me feeling inside.

I promise you Im gonna love you the rest of my life. "

Bigla na lamang tumulo ang luha ko nung narinig ko yung kantang yon. Hindi napansin ng dalawa na tumulo ang luha ko.

"Haha! Sinong makakalimot sa pangyayare na yon? Haha! Ikaw ng kumanta sa gitna ng school sa oras ng labasan ng lahat ng estudyante." Ani ni Clarissa na grabe kung makatawa.

"Kaya nga sya naging famous sa school eh. Sa pagkanta nya sa harapan ng madla. I can't believe na magagawa pa nya yon sayo, Lian." Sabay hampas ni Sophia sa balikat ko.

Hanggang ihatid ko sila kani-kanilang bahay, wala pa rin silang tigil sa pag kkwentuhan. Grabe yung tinis ng boses nila pag nag tawanan.

Alas syete na ng gabi ng nakarating ako sa bahay namin. Agad akong bumaba ng aking sasakyan at tinawag si Kuya Kaloy para ipark ng ayos ang sasakyan ko at ibaba ang mga gamit na pinamili ko.

Maniwala Ka LangWhere stories live. Discover now