CHAPTER 8
Clifford Xavier Torres
Alas nuebe ng umaga ng linggo ng nagising ako. Pag tingin ko sa suot ko yung suot ko pa rin ang suot ko. Nakatulog siguro ako kakaiyak kagabe.
Naligo muna ako bago ako bumaba para kumaen. Nag ayos ako sa harapan ng salamin ko nakatulala ako habang iniisip ko na nagkita kami ni Bryan kagabe. Sobrang sakit pa rin pala, kahit ilang taon na yung nakakalipas.
Bumaba na ko para kumaen, naabutan kong nag luluto si mommy at kapatid k ng pang lunch siguro, samantalang si daddy ay nakaupo nag babasa ng dyaro habang umiinom ng kape.
"Oh, sis. Gising kana pala. Pinag tira kita ng bacon at ham. May rice pa jan sa lamesa." Sabi ng kapatid kong nakangiti sakin bago ako yakapin.
Sobrang sweet ng kapatid kong ito. Bago ako umupo eh nag kiss ako kay mommy at daddy. Nilabasan ako ni Klein ng gatas, juice, at tubeg. Para bang pinag sisilbihan nya ko ngayon ah. Alam nya kaya ang nangyare kaya sya ganto? Pero bago pa yun ay nag simula na akong kumaen.
Pagkatapos kong kumaen ay nag punta kaming apat sa salas at nanuod ng tv. Hawak ni Klein yung kanyang cellphone at biglang umimik ng, "let's take a picture mom dad." Nakayapos sakin si Klein sa picture na yon. Wee look so happy. Kahit ako eh hindi ganon kahappy because of what happened last night.
Naalala ko bigla yung phone ko at umakyat ako sa kwarto ko para kuhanin. At nang nakita ko ay sabog ang tawag at txt nila Clarissa at Sophia. Kasama pa ang txt ni Ciara.
Clarissa:
Shit! Asan ka? Bat nawala ka?
Hoi babae. Nasan ka ba?
Ano ba! Mag reply ka naman!
Kanina pa ko natawag. Pakisagot!
Shit! Ano ba Lian!
Lian!!!!Sophia:
Where are you? Nawala kana lang bigla.
Call us if you get home.
Lian? Nag wworry na kami.Ciara:
Girl, where are you?
Sabi nila Clarissa umalis ka daw agad.
Asan ka ba?
Sinong kasama mo?Sabog ang inbos ko at sa dami ng missed calls. Bababa na sana ako ng tumawag bigla si Clarissa.
"Hello?"
"Shit! Sumagot ka din. Ano? Nasan ka? Bat nawala kana lang kagabi. Di ka manlang nag paalam. Hai."
"Umuwe na ko. Hinahanap kita pero di kita makita. Sorry. Nalowbat kasi yung phone ko eh." I lied
"Okay okay. Akala ko kasi kung napano kana. Call you later dear. Nasa gym ako. Xoxo." At binaba na nya ang tawag.Pag baba ko sa hagdan nakasalubong ko ang tatlong kaibigan ni Klein, nilagpasan ko sila para mag punta sa garahe at umalis. Ng nailabas ko na ang ranger ko at isasara ko na sana ang gate ng aming bahay, lumabas si Klein na may dalang lamesa at mga upuan. Hindi ko pinansin yun. Umalis akong agad at nag punta sa isang car washan.
Ng nasa carwashan na ko naabutan ko si Tanya at may kasamang lalaki. Siguro manliligaw nya yon. Agad nya akong pinuntahan ng nakita nya ko. Nakipag beso sya sakin. At nakipag kwentuhan ng saglit.
After 30 minutes natapos ako magpa car wash. Pag tingin ko sa relo ko ay maaga pa naman pwede pa kong mag stay sa coffee bean para makapag kape.
Agad kong tinahak ang highway na papunta sa coffee bean. Nag nag red ang traffic light. Napa baling ako sa kaliwa ko at pag kita ko. Nakita ko yung ex ko na nakasakay sa isang bmw na may kasamang babae. Nanginig ang buong katawan ko sa nasaksihan ko. Tumulo nanaman ang luha sa aking mga mata. Hindi naman nya ako makikita, kasi naka super black akong tinted. Hindi ko rin alam kung alam ba nyang sasakyan ko ang nasa tabi nya.
Hindi na ako pumunta sa coffee bean. Baka kasi dun din ang punta nilang dalawa. Dumarecho na ako pauwe samin. Ng papalapit na ko sa aming bahay nakita kong may tent sa labas ng bahay namin. At maraming nakaparadang sadakyan. Agad akong bumaba ng aking Ranger para makapasok na saming bahay. Habang naglalakad akong mabilis iniikot ko ang suse sa aking daliri. Bigla akong sinalubong ni Klein.
"Sis, kaen kana dun. Birthday kasi ng tropa ko. Eh dito sya nag pahanda." Aniya sakin habang may ginagawa pang iba.
"Ah, e-eh. Bat dito? At sinn-oo ang may bir-r" Nauutal kong sabe. Pero bago pa nya ko masagot, nakaalis na sya.
Busy na busy ang kapatid ko para bang sya ang may pahanda. Ano ba naman! Kelan pa naging venue ang bahay namin sa handaan? Tss. Makakaen na nga lang.
Kumuha ako ng plato at nag lagay ng pagkaen. Umupo ako sa tapat ng ng dalawang table mula sa kuhanan ng pagkaen. Lumapit si Klein ng sumusubo ako sa pagkaen ko.
"Sis, si Ford nga pala. Sya yung may birthday." Ani ng kapatid kong nakangite sakin at katabi nya yung lalaking tumulong sakin kagabe. At sya yung misteryosong lalaking classmate ko.
Naglahad sya ng kamay sa harapan ko, "Clifford Xavier Torres." Bago pa ko maistatwa ay nag lahat ako ng kamay sa kanya.
Agad akong napatingin sa plato ko na sobrang daming pagkaen. Shocks! Nakakahiya yung dami ng pagkaen ko. Para akong di kumaen ng ilang araw.
YOU ARE READING
Maniwala Ka Lang
RomanceThis is a fiction. Lahat ng pangalan, lugar, o dates at kathang isip lamang ng author na ito. Ang ano mang bagay na pag kakapareho ay nag kataon lamang. Pero may mga bagay dito na nangyare sa totoong buhay....... Enjoy reading!