CHAPTER 3

41 1 0
                                    

Chapter 3

Jillian Shamara Intal

Kinaumagahan dinatnan kong nakahiga pa rin yung kapatid ko sa aking tabi. How sweet he is. Nakita ko ang orasan at bigla akong napabagon.

"Shit! Late na ko!" Sabe ko sa sarili ko ng nakita kong alas 9 na ng umaga.

Nag madali akong maligo. Hindi na rin ako ng breakfast sa kadahilanang super late na talaga ako. Pumasok agad ako ng sasakyan ko. Binilisan ko ang pag ddrive ko ng sa ganon ay umabot ako sa klase ko. Pero ng pag labas ko ng aming subdivision matraffic. At narealize kong hindi na ko aabot sa major subject ko.

*KRING! KRING!*

"Hello?" Sinagot ko ang tawag ni Clarissa.

"Ohmygad! Atlast sumagot ka rin! Nasan ka? Bat di ka pumasok kanina? Kanina pa rin ako tumatawag at nag tetext." Sinigawan nya ko sa telepono.

Sinabe ko sa kanya na nalate ako ng gising. At di ako ginising ni manang o nila daddy.

"Okay. Okay! See you in a bit girl. Xoxo." Sabi ni Clarissa at binaba na ang tawag.

Alas dose ng tanghali ako nakarating sa school. Hindi naman kalayuan yung bahay namin sa school. Dahil may banggaan sa highway late ako nakarating. Kung alam ko lang agad na may banggaan edi sana nag lakad na lang ako.

Bumaba ako ng aking sasakyan at nag lakad papunta sa cafeteria kung nasan yung mga kaibigan ko. Habang nag lalakad ako sa corridor pinag titinginan ako ng mga estudyante.

Okay. Hindi ako pinag titinginan dahil matangkad ako. Maliit akong babae, maputi, ling and straight brown hair ang meron ako, mejo payat. Pinag titinginan ako ng tao dahil, sino bang hindi pag titinginan ng mga tao sa paligid kung isa ka sa anak ng may ari ng isang kompanya. At may kapatid kang ubod ng gwapo at matalino.

Nakasanayan ko na ang ganitong pakiramdam. Pero minsan naiilang pa rin ako. Samantalang yung kapatid ko feel na feel pa nya ang pagiging anak ng daddy namin. He is too spoiled like me. Pero masasabi kong mas spoiled ako kesa sa kanya.

Ng nakarating ako sa cafeteria agad akong sinalubong ng aking kaibigan na si Tanya. Nakipag beso sya sakin at inofferan pa nya ko ng foods.

"No thanks," Sabi ko kay Tanya na parang naoffend sa sinabe ko.

Wala ako sa mood kumaen kasi may mga bagay akong iniisip, at may tao akong iniisip na may kasalanan kung bakit ako napalipat ng school.

"Huy! Ano ba Lian, kanina ka pa tulala." Nag snap ng daliri si Sophia sa harap ko.

"Yea, Im fine. Inaantok lang siguro ako." I lied, kahit na ang totoo eh naiisip ko nanaman yung nangyare kung bakit wala ako lagi sa mood.

Pumasok na kami sa sunod naming klase, isang linggo na ang nakakalipas ng nag simula na pasukan. Dumating ang aming Prof na si Engr. Chavez.

Kilala ko sya dahil kaibigan siya ng aking daddy, lagi syang napunta sa aming bahay para mag pa consult ng kung anong bagay sa mommy ko. Ang mommy ko kasi ay isang abogado.

Ergonomics ang tinuturo ni Engr. Chavez sa klase namin. Mataray sya ang pag kakaalam ko. Ngayon ko pa lamang sya magiging teacher dahil kakatransfer ko lamang ngayon semester dito sa school Letran. 4th year Engineering Student ako. Galing akong Mapua pero nag transfer ako dito gawa ng ex boyfriend ko.

Agad tumahimik ang boong klase ng may lalaking biglang dumating. Nakakaintimidate syang tingnan. Para syang mangangaen ng tao. Tug! Tug! Tug!

Lumalakad sya papalit sa upuan ko. Narealized kong sa pwesto namin sa hulihan at sa tabi ko na lang ang bakanteng upuan. At tama ang hinala ko, sa tabi ko sa uupo.

Walang ginawa ang buong klase namen na tingnan yung lalaking sa tabi ko. Except sakin. Di ko sya matingnan ng ayos sa sobrang kaba ko. Hindi ko alam kung bakit.

Natapos ang klase namin sa Ergo at nag ayos na ako ng gamit ko. Wala pa ring tigil ang bunganga ni Clarissa kaka chismiss ng kung ano ano.

Nag paalam ako sa kanila para makaalis na, nag mamadali ako kasi bibili pa ako ng pagkaen ng aking babies. Sina summer at winter. Ng nakarating ako sa parking lot ng aming school, agad kong pinatunog ang sasakyan ko. Papasok na sana ako ng bigla may nag salita.

"Jillian Shamara Intal?." Sabe ng lalaking katabi ko kanina sa classroom. Nakatitig lamang sya sakin at para bang kakainin nya ako ano mang oras.

"Excuse me? How did you know my name? And magkakilala ba tayo?" Tanong ko sa kanya ng walang paligoyligoy. Nakita kong ibinibigay nya sakin yung panyo ko.

Wth? Ngayon ko lang napansin na panyo ko nga yung hawak nya. Agad kong kinuha sa kanya ang panyo. Agad syang umalis pag kakuha ko. Hindi ko alam kung saan nya nalaman ang pangalan ko. At hindi lang basta pangalan ko. Buong pangalan ko.

Pagkapasok ko ng aking sasakyan pag tingin ko sa labas. Ang layo na nya. Hindi manlang ako nakapag pasalamat sa kanya. Pero agad nawala sa isip ko ang nangyare ng nakarating ako sa petshop at bumili ng dog foods ng aking mga babies.

Maniwala Ka LangWhere stories live. Discover now