CHAPTER 7
PANYO MO
Ibinigay ko sa kanya ang susi ng sasakyan ko ng walang kahirap hirap. Pinatunog nya ang kotse namin at pinag buksan nya ako ng pinto, hinayaan nya kong makapasok at sinaraduhan nya iyon ng nakapasok ako. Sumakay naman sya sa driver seat.
Walang tigil ang luha ko sa pag bagsak. Hindi ko na ininda kung ang panget ko na ba. O kung ano na. Hindi na rin ako nakapag paalam kina Clarissa.
Habang nag ddrive sya nag iiyak pa din ako, wala syang imik buong pag ddrive nya, ng malapit na kami sa subdivision namin agad akong nag salita.
"Ayoko pang umuwe, baka pagalitan ako ng mommy ko." Sabi ko sa kanya ng di nauutal pero tumutulo pa rin ang luha ko.
Pinag bigyan nya ko. Dinerecho nya ang pag ddrive, hanggang sa nakarating kami sa isang park. Itinigil nya ito sa tabi at nag hihintay sya ng utos ko. Pero bago pa ako umimik ay naunahan na nya ako.
"Nagugutom ka ba? Anong gusto mong kainin?" Tanong nya sakin,wala ng bukas na tindahan sa park na to. Hindi ko ba alam kung pambasag lang sa katahimikan yun o yun talaga ang gusto nyang sabihin.
Umiling lamang ako. Binuksan nya ang pintuan ng sasakyan namin at lumabas sya, kinuha agad nya ang kanyang cellphone at may kausap sya. Ilang sandali ay ibinaba na rin nya ang tawag. Hindi sya bumalik sa loob ng sasakyan. Nag hintay sya sa labas.
Makalipas ang ilang minuto, may dumating na sasakyan. May lumabas na naka unipormeng lalaki mula sa isang itim na Montero at may dala syang paper bag ng Mcdo. At ng ibigay dun sa misteryosong lalaki ay umalis na rin.
Lumapit sya sa pintuan ng front seat at binuksan nya ito. Hinawakan nya ang pala pulsuhan ko at hinila nya ako.
"I know this is your favorite, so let's eat." Sabi nya na para bang hindi sya nag kakamali na tatanggihan ko sya.
Nag patianod ako sa ginawa nya. Binitawan nya ang palapulsuhan ko ng nakalabas na ko. Sinundan ko sya na makarating sa isang open space at naupo sya.
Naupo na rin ako sa tabi nya. Ay tiningnan ko yung ibinibigay nya saking Mcdo fries. Shit! Favorite ko to! Lalo na pag may gravy! At bigla nya ring iniabot ang isang lalagyan at nag salita sya, "I know you like it," isang lalagyan ng gravy! Shit! Bat nya alam na gusto ko ng gravy ang pag sasawsawan ng fries. Shit talaga!!!
Kinuha ko sa kanya at kumaen ako ng fries. Buong pagkaen namin ay wala syang imik. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Makalipas ang ilang minuto pagkatapos naming kumaen ay umimik ulit sya.
"It's getting late na. Iuuwe na kita." Sabay tayo nya at pinag pagan ang kanyang pwetan.
Nakasuot sya na puting long sleeves at naka tupi hanggang siko, na may black na necktie, pero naka loose na ito. Naka slocks sya, at naka black shoes. He looks like he owns a company. Pero ang gwapi nya pala. Bago pa tumulo ang laway ko. Tumayo na ako sa sumunod sa kanya. Pinag buksan pa rin nya ako ng pintuan at hinintay ako makapasom at sinara nya. Pumasok na rin sa sa driver seat.
Wala pa rin kaming imikan ng nakarating na kami sa bahay ko. Agad syang lumabas para pag buksan ako ng pintuan. Ibinigay nya sakin ang susi ng sasakyan namin. Agad kong kinuha ang susi at nag salita ng, "Pahatid kita kay kuya ka.." Hindi pa ko natatapos ay nag salita na sya, "It's okay, papunta na dito yung kasama ko." Derecho nyang sabi sakin.
Ilang saglit ay may dumating ng naka Montero, at umimik sya sakin "Pasok kana, mag pahinga kana." Nakahawak na sya sa pintuan ng Montero, papasok na sana sya ng bigla kong naalala na nasakin nga pala yung panyo nya na pinahiram nya sakin kanina. "Ui, panyo-o mo nga pa-lla.." Agad nyang sinara ang pintuan at naiwang nakalahad ang kamay ko sa hangin. Ng ibaba ko ang kamay ko bumukas ang bintana ng Montero, "Go inside, its late na. Goodnight!" Nakangiti nyang sinabe sakin at agad din nyang itinaas ang bintana at umalis na ang sasakyan.
Pumasok ako ng bahay namin ng tulala. Hanggang sa nakapasok ako ng kwarto ko at nahiga. Bumagsak ulit ang luha sa mga mata ko.
YOU ARE READING
Maniwala Ka Lang
RomanceThis is a fiction. Lahat ng pangalan, lugar, o dates at kathang isip lamang ng author na ito. Ang ano mang bagay na pag kakapareho ay nag kataon lamang. Pero may mga bagay dito na nangyare sa totoong buhay....... Enjoy reading!