CHAPTER 6

42 0 0
                                    

CHAPTER 6

I'LL TAKE YOU HOME

Sabado. Ito na yung araw ng birthday ni Ciara. Nakilala namin si Ciara sa isang bar, kung saan ako madalas mag lasing. Nalalasing lang naman ako kasi gusto ko makalimutan ang pangyayare nuon. Pero ngayon, hindi na ko nag iinom ng marami.

Andito ako sa kwarto, inaayusan ako ng makeup artist ni mommy. Simple lang yung gusto kong maging ayos ko. Baka kasi matalbugan ko pa si Ciara. Nakalugay lamang yung buhok ko na mejo kinulot yung dulo. Mejo dinark nung bading yung eye shadow ko. Para daw bumagay sa black kong dress.

Ayoko sanang pumunta kasi baka andun yung mga kabarkada ng ex ko. Kasi kabarkada nila si Ciara. Pero baka isipin ni Ciara ay hindi pa rin ako nakakarecover, kahit ang totoo naapektuhan pa din ako.

Alas singko ng hapon ng nag pasya akong bumaba ng kwarto ko. Balak ko na rin kasing wag na lang mag pahatid sa driver, I can drive naman. Tska di naman ako mag lalasing kaya kaya kong umuwe mag isa.

"Woaaaa! You looked so different! But still you have a look na anak talaga kita." Wika ng mommy ko na parang gulat na gulat sya sa kahihitsurahan ko ngayon.

"Yea right mom. She looks like you, and I know maraming mabibihag yan ngayong gabi. But, sis. Bear in your mind what I always tell you ha?" Yung kapatid kong sinisiyasat ang kasusuotan ko.

Nagpaalam ako sa kanila na aalis na ko para makaon ko sila Clarissa at Sophia. At pinayagan nila ako na mag drive ng aming bmw. Hindi ko gagamitin ang ranger ko kasi di sya bagay sa outfit kong suot.

Nag drive ako from samen hanggang kina Clarissa. Mga 15mins din yun. Then sinunod namin si Sophia. Tutal malapit lapit lang naman yung kina Sophia sa hotel na pupuntahan namin.

Sa magkakaibigan, ako lang yung nakatira na kasama yung mommy & daddy. Yung dalawa ko kasing kaibigan they're living sa condo nila. May condo naman ako, na bigay sakin ni dad nung debut ko. Pero simula nung nag break kami ng ex ko hindi ko na ulit tinirahan yun.

Alas siete ng nakarating kami sa hotel kung saan gaganapin ang party ni Ciara. At ng nakapasok na kami. Ngayon ko lang napansin na naka long gown si Clarissa at kami ni Sophia ay naka simple pero daring ang likod na dress. Naka puti si Sophia na labas ang likod hanggang bewang at mejo reviling ang kanyang cleavage at mejo maikli. Samantalang ako itim na butas lang sa likod, pero walang ni isang kita sa harapan ko. At wala rin naman kasing makikita. Hahaha!

Iniabot namin sa nag aassist yung regalo namin kay Ciara. Ang regalo ko sa kanya ang isang purse na Gucci. Binili talaga sya ni mommy para ibigay ko sa kanya. Ng naupo na kami sa designated seats namin. Hindi ako nagkakamali. Andito ang buong barkada ng ex ko. As in lahat! Kumpmeto sila. At bigla kong naaninaw yung lalaking misteryoso sakin. Hindi ako magkanda ugaga kung anong gagawen ko. At isa pa, nung pag baling ko sa kaliwa. Nakita kong andito yung hinayupak na lalaking kinaiinisan ko. Shit lang!!

"Are you okay Lian?" Siyasat sakin ni Sophia at hawak nya ang balikat ko.

"Yea Im okay, CR lang ako ha." Ani ko ng biglang tayo at karipas ng takbo sa CR.

Ng nasa cubicle na ko. Bumuhos ang luha ko. Mygad! Yung make up ko! Ang panget na siguro. Nung lalabas na sana ako ng cubicle, may biglang nag usap na dalawa o tatlong babae.

"Yea right. Nakabalik na pala sya. Hindi pa rin sya nag babago. Pogi pa rin sya." Sabi nung babae

"Last month pa daw si Bryan dito, nakita daw sya si Demmie sa mall nuon eh." Sabi naman nung isa.

Hinintay kong umalis yung mga babae na nag uusap. Bagi ako lumabas. Ng lumabas ako ay nag ayos lamang ako ng muka at nag pasyang lumabas na rin. Siguradong nakalabas na si Ciara.

At tama ako. Nasa unahan na sya ngayon. Napaka ganda nyang babae. Muka syang dyosa ngayon. Katabi nya yung mommy at step dad nyang si Mr. Ty. Sobrang saya nilang tingnan.

Umupo ako sa upuan ni Clarissa, para hindi ko makita yung nasa tapat na table. Hindi na nag taka si Clarissa kung bakit dun ako umupo. Nakangiti sya sakin na para bang may balak syang itanong. Pero hinahayaan nya ako na ako ang unang mag sabe.

"Affected?" Panunuya nya sakin
"No Im not. Naiihi kasi ako kaya nag cr ako." Depensa ko sa kanya.
"As you say so.." Tawa sya ng tawa

Nang natapos kaming kumaen ay nag party na sa loob ng hall. Eto yung party talaga. May disco lights na na nag iikot ikot ang ilaw, at yung music ay pang rave party na.

Kinuha ako ni Clarissa ng isang shot ng Tequila, ininom ko. Nag simula ng mag sayawan ang mga bisita. Naupo ako sa tabi. Nagulat ako ng biglang may tumabi sakin.

"Hey! Kamusta? Long time no see ah. Kelan ka pa umuwe?" Sabi nung lalaki saking di ko naman kilala.

"Nung July pa." Tipid kong sagot.

Nag punta kasi ako ng america nung nag break kami ni Bryan, isang taon akong nag stay dun at umuwe rin ako ng nag pasukan. At nung pag uwe ko galing america nag decide akong lumipat ng school. Graduating na dapat ako ngayon. Pero dahil sa nangyare late ako ng isang taon.

"Ah, sayaw tayo?" Sabi nya.

"No thank you, masakit kasi ang paa ko eh." I lied to him.

Umalis sya sa tabi at nag punta sa gitna, ng napasulyap ako sa may bandang kaliwa ko. Nakita kong papalapit yung ex ko! Shit! Sa pwesto ko ang tahak nya. Hindi ko alam ang gagawen ko ng may dumaang waiter, kinuha ko agad yung alak na nandon. Agad kong ininom ang dalawang shot ng Jack Daniel's! Ng nakalapit sya sakin. Isang metro siguro ang layo ng muka namin sa isa't isa. Pero bago pa makapag salita ay tumulo na ang mga luha ko. At tumakbo na ko palabas ng hotel.

Nakarating ako sa parking lot ng hotel, nakaupo ako sa sa tabi ng sasakyan namin. At bumubuhos ang luha sa mga mata ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko kakaiyak. Hindi mapigilang hindi masaktan.

Biglang may humawak sa braso ko. At itinayo nya ko ng parang sobrang gaan ko lamang. Binigyan nya ko ng panyo, at bigla syang umimik.

"Give me your car key, I'll take you home." Sabay lahad nya ng kamay sa harapan ko.

Maniwala Ka LangWhere stories live. Discover now