The first addition to the one-shots, sorry it took me too long! I hope you guys enjoy this one! :)
~~~
“Vic, sige na pumayag ka na please?” pangungulit ni Mika kay Ara habang naglalakad sila papuntang Henry Sy.
“Ye, ‘wag na lang. Sabihin mo kay Jeron, masasayang lang yung oras nung taong iseset-up niyo sa’kin,” mariing sagot naman na Ara na ayaw magpatinag sa pagpupumilit ni Mika.
“Sayang din naman kasi diba, malay mo mag-enjoy ka din,” dagdag pa ni Mika na mukhang walang planong tigilan si Ara.
“Mukhang malabo, Ye.” Seryosong sagot naman ni Ara.
Napabuntong-hininga na lang si Mika at sinabing, “Basta pag nasa katinuan ka na, at napagdesisyonan mo nang tumigil sa pagiging pakipot mo. Text mo lang si Jeron. Sige, una na ako, kita na lang tayo sa training.”
Binilisan ni Mika ang paglalakad at naiwan niya si Ara sa gitna ng hallway.
“Asa naman,” bulong ni Ara sa kanyang sarili.
~~~
“Vic, palo!” sigaw ni Kim habang sinesetan niya ng bola si Ara.
“Ara Galang, match point for the Lady Spikers!” sigaw ng announcer at narinig ito sa buong MOA Arena.
Nakapuntos na naman si Ara, at mukhang tatalunin na nila in 3 sets ang Ateneo.
“Time out, Lady Eagles!”
Habang papunta sa bench nila ay napatingin siya sa palagid niya at dinamdam ang feeling na nagchecheer ang mga tao para sa kanya at sa team niya. Napatingin siya sa taas, sa malaking screen, at nakita niyang may iniinterview si Billie Capistrano.
“… Aby Marano, but yung idol ka talaga si …”
“End of time out!!!”
Hindi na narinig ni Ara kung anuman yung sagot nung iniinterview, pero inamin niya sa sarili niya na kahit hindi siya masyadong nagkakacrush ay talagang napakacute nung ininterview. Sa sobrang pag-iisip ay hindi niya namalayang siya na pala ang magseserve.
“Now serving for the match, Ara Galang!”
Dinribble ni Ara ang bola sandal, tumingin sa harap at naghanap ng target. Ngunit na hagip ng mata niya yung lalaking ininterview kani-kanina lang, at hindi niya napigilang mapangiti.
“Service ace!”
~~~
Napagdesisyunan nina Ara, Mika, Carol at ng kambal na manood ng movie sa dorm. At ang napili nilang panuorin ay “50 First Dates”.
“Grabe, nakakaiyak talaga yung movie,” sabi ni Cienne habang nagpupunas ng luha.
“Ang cute nga eh, ang effort pa. Sayang nga eh, merong isa diyang wala pa rin sa ulirat at ayaw pa rin pumayag…” parinig naman ni Mika.
Napairap na lang si Ara at sinabing, “Utang na loob, wag na kayong umasang papayag ako okay.”
“Eh bakit nga ba kasi ayaw mo?” tanong naman ni Camille.
“Bakit nga ba”, tanong ni Ara sa sarili niya.
Nang hindi makasagot si Ara, “Kita mo Victonara, wala naman kasing dahilan. Pumayag ka na kasi.”
“Ehhhhhhhhhhhh,” nakasimangot na ungol ni Ara.
“Sige ka, sabi ni Jeron hindi ka na daw niya tutulungan sa BUSORGA pag hindi ka pumayag,” banta naman ni Carol kay Ara.
Napalaki ang mata mga mata ni Ara, “Ha? Seryoso ba siya? Favorite siya ni Sir Isidro eh. Kaya nga nadadamay din tayo sa matataas na grades eh.”
Napangiti na lang si Mika, “Paano ba ‘yan, seryoso siya, look oh.”
Inabot naman ni Mika ang cellphone niya kay Ara.
“Pakisabi kay Ara na seryoso yun, sumipot siya bukas or else I won’t help her na haha”
Napakamot naman sa ulo si Ara, “Ugh, mukha namang wala na akong magagawa eh.”
“Sige na, payag na ako.”
~~~
Kasama ni Ara sina Mika at Carol, kinukulit na nang dalawa si Ara kung anong isusuot niya sa “date” niya mamaya.
“Wag mo sabihing magpopolo, jeans at Vans ka,” pangunguwestiyon ni Carol.
Hindi naman naka-imik si Ara dahil iyon nga ang planong niya isuot.
Napansin naman yun ni Carol at sinabing, “HOY VICTONARA! Seryoso ka ba? Baka magmukha ka pang mas lalaki kesa dun sa makakadate mo!”
“Hindi naman kasi date yun, pumayag lang akong makipaglunch para maisalba yung grade ko diba,” depensa naman ni Ara sa sarili.
Napailing na lang si Mika, “Bayaan mo na lang Cars, hayaan mo na lang yang si Victonara, ang tigas-tigas ng ulo niyan eh. HAHA”
Napagsimangot na lang si Ara at kinalikot yung phone niya.
“Pst, joke lang kasi yun. Oh dali na, nandun na daw si Jeron sa baba, hahatid ka na sa date mo,” sabi naman ni Mika.
Binaling naman ni Ara kay Mika ang atensyon at sinabing, “Ako lang ba yung aalis? Mukhang bihis na bihis ka ata Reyes ha,”
Namula naman si Mika at sinabing, “Hoy Galang, wala ka na dun.”
Tumayo naman na si Mika at sumunod na lang kay Ara palabas.
“HOY KAYONG DALAWA, INGAT KAYO HA!”, pahabol naman ni Carol
~~~
“Jeron, sa’n ba tayo pupunta?” tanong ni Ara na inip na inip na sa biyahe.
“Malapit lang naman kasi yung pupuntahan natin, traffic lang talaga,” sagot naman nito.
Matapos ang ilang minuto, huminto na ang sasakyan at napansin ni Ara na nasa UP na pala sila.
“Jeron, ba’t naman tayo napadpad dito sa UP, wag mo sabihing taga-UP yung iseset-up niyo sa’kin ni Yeye.” tanong ni Ara.
Inakbayan ni Mika si Ara sa kanang braso at sinabing, “Vic, ‘wag kang mag-alala, hindi. Sadyang dito tayo napunta kasi sabi nila masarap daw yung food dito. Taga-DLSU pa rin naman yung makakadate mo.”
Sa kabilang braso naman ay inakbayan ni Jeron si Ara, “Tsaka ‘wag kang mag-alala ha, good boy yung makakadate mo.”
Matapos ang saglit pang kwentuhan, iniwan na nung dalawa si Ara sa ground floor ng Bahay ng Alumni, sabi sa kanya nang dalawa na nasa kabilang side lang daw yung restaurant na pagkikitaan nila, sa Chocolate Kiss daw.
Pagkapasok niya sa maliit na café, napansin niyang konti lang ang tao dahil siguro between pa ng lunch at merienda.
Agad niyang hinanap yung lalaking sinabi nilang makakadate niya.
green shoes, white watch sa right wrist, khaki pants, white shirt
Tumingin-tingin siya sa paligid, pero wala siyang nakita.
“Ako ba yung hinahanap mo? Sorry, I’m late.”
Paglingon niya nakita niya, “siya yung guy na ininterview noon, yung cute, yung dahilan kung bakit naka-ace ako” sabi niya sa isip niya.
Hindi niya napansin na inabot na pala nito ang kamay niya, “Hi, I’m Thomas Torres. And you're really one of my idols, Ara Galang.”
BINABASA MO ANG
The Story of Us
FanfictionUnexpected meetings, sweet nothings and bitter endings; a compilation of one-shots about UAAP and PBA players.