AN: Sorry if hindi niyo 'to magustuhan, tinry ko lang 'tong writing style na 'to. And obviously hindi pa ako sanay haha! Anyway, enjoy pa rin guys! And yung mga damit nila and yung song nasa media. HAHA sorry talaga baka hindi niyo magustuhan :( And hindi rin 'to proofread haha pasensya sa dakilang tamad.
"Ano ba 'yan Victonara! Ang arte-arte mo! Sasayaw lang naman eh!"
Kanina pa nila sinusubukang palakasin ang loob ko. Konting-konti na lang bibigay na rin ako, pero parang hindi kasi tama. Hindi kami nag-uusap, hindi kami okay... Tapos biglang yayayain ko lang siyang sumayaw?
Ang pangit kasi nung mga nangyari sa'min. Siguro sa kanya wala lang 'yon, pero hindi pa rin kasi nawawala sa isip ko. Naging magkaibigan kami, umasa ako na magugustuhan niya rin ako. Pero may niligiwan siyang iba, at mula noon hindi na kami nag-usap. Hanggang ngayon, sinusubukan ko paring magmove-on. Mahirap kasing kalimutan ang isang tao lalo na kung binigyan ka niya nang magagandang ala-ala.
Kaya ito ako ngayon, kasama sina Mika at Cienne habang pinag-uusapan kung paano ako lalapit sa kanya.
"Ara, isipin mo. First and probably last time nang mangyayari 'tong Athletes Night na tipong prom na ang peg. Never ka nang magkakaron ulit nang chance na makasayaw si Thomas," sabi ni Mika habang umiinom ng champagne.
Nilibot ulit nang mata ko yung buong paligid. Tulad nga nung sabi ni Mika, parang prom na rin yung ginawa Athletes' Night para sa amin. Sobrang pinaghandaan daw talaga yun nang alumni dahil back to back champions na men's basketball at women's basketball team, tapos kami nabawi na rin namin yung korona. At marami pang ibang teams na nakakuha nang awards this season 77 kaya naman overall champions pa rin ang DLSU.
Sa isang events place malapit sa MoA yung event, tapos black-tie siya meaning required magsuot ng long gown yung mga girls tapos suit naman yung guys. Hindi na sana ako mag-iinarte at simpleng long dress na lang na hihiramin ko sa isa sa teammates yung isusuot ko, kaso sponsored din pala ng ilang alumni yung dresses namin, kaya napilitan akong magsuot nang mamahalin na gown. Sa sobrang bongga ng event na 'to, may hair stylist at make-up artist pa na nag-ayos sa'min. Green or white lang yung colors na pwedeng suotin, kaya green na yung pinili ko. Ang weird nung mga white gown eh, parang pangkasal.
"Hoy Ara, nakikinig ka ba?"
Sa lalim nang iniisip ko hindi ko na napansin yung mga sinabi ni Cienne, "Ah pwede pakiulit?"
Pinagtawanan naman ako nung dalawa. Kainis, feeling siguro nila iniisip ko si Thomas.
"Ang sabi ko, bilisan mo na rin bago pa sila magsimulang sumayaw ulit ng girlfriend niya!"
Tinuro ni Cienne kung nasaan si Thomas. Kasayaw niya yung MVP galing sa women's basketball team, si Pia. At sa hindi kalayuan, kasayaw naman nung girlfriend niya si Luigi, yung teammate niya.
Hindi ko alam kung bakit, pero may pumipigil talaga sa akin. Hindi ko magawang lapitan siya kasi natatakot ako kung anong magiging reaksyon niya.
May dalawang lumapit sa'min habang pinag-iisipan ko pa kung anong gagawin ko, at sina Jeron at AvO yun, mga date nina Mika at Cienne.
"Ara, pwede bang hiramin muna namin 'tong dalawa sa'yo?" paalam ni Jeron sa akin.
Ngumiti naman si AvO at tinanguan ko na lang silang dalawa.
"Pag-isipan mo na ha, sayang yung chance," bulong sa akin ni Mika bago sila tuluyang umalis.
Pag-alis nila, naiwan akong mag-isa sa table namin. Ako lang sa team yung walang date. Lahat kasi ng teammate ko meron, kahit si Kim na niyaya ni Jason at himalang pumayag siya. Pwedeng magdala nang date kahit hindi athlete basta taga-DLSU. Kaya si Thomas sinama niya yung girlfriend niya... May nagtanong naman sa'kin pero hindi ako pumayag, feeling ko kasi ang boring kong kasama kaya naisipan kong mag-stag na lang.
BINABASA MO ANG
The Story of Us
Fiksi PenggemarUnexpected meetings, sweet nothings and bitter endings; a compilation of one-shots about UAAP and PBA players.