Frappuccino (Gabby Reyes - Mika Reyes)

2.4K 35 6
                                    

I'm not sure if guys will like this one, but I'm still hoping you would!

~~~~~~~~~~~~

“That was a great presentation Ms. Reyes, you really set the bar high for the other presenters tomorrow. Okay class you’re dismissed.”

Ngumiti at tumango si Mika sa kanya prof. Kakaripas na sana siya ng takbo papuntang Agno nang tinawag siya ng isa sa mga kaklase niya.

“Mika, may nagpapabigay sa’yo nito oh.” Sabi ng kaklase niya, at inabutan siya nito ng isang paper bag.

“Ah, Tanya, kanino daw galing?” tanong naman ni Mika. Kahit marami siyang fans, hindi siya sanay na may mga nag-aabot sa kanya ng mga regalo lalo na pag galing sa mga school mate niya.

Ngumiti ito ng pang-asar, “Sorry Mika ha, ayaw magpasabi eh.”

At iniwan niya doon si Mika na may hawak na paper bag ng Starbucks.

Pag bukas ni Mika ay nakita niyang tall na Strawberries and Cream na Frappuccino na may note.

“A sweet drink for the sweetest girl”

~~~

“Ye, una na kami ha, baka malate pa kami sa class namin.” sigaw ni Ara na nagmamadali na lumabas ng kwarto.

“Sige, mamaya pa class ko eh, ingat!” sagot ni Mika habang kinakalikot yung cellphone niya. Nagbasa muna siya ng tweets at tumingin ng pictures sa Instagram.

Napangiti na lang siya nung makita niya yung pictures na pinost ng mga kaibigan niya mula sa kanya-kanya nilang gala. Ang sasaya nila kasama yung mga mahal nila sa buhay.

May picture si Ara with her special someone na galing sa Espanya na napakagaling din pumukol ng tres, at napukol niya ang puso ng isang Ara Galang – si Kevin Ferrer. Sa picture ay nagsusubuan sila ng ice cream at sweet sa isa’t isa.

May picture si Cienne at Carol kasama sina Arnold at Matt at mukhang masaya ang apat na naglunch sa Sonya’s Garden at pumunta Sky Ranch.

Si Kim naman ever supportive at nanuod ng game ng Barako Bull para suportahan si Forts.

Napabuntong-hininga na lang si Mika, “Tsk, niloko mo kasi ako eh. Sana ang saya pa natin.”

Hindi niya napansin na nakatulog pala siya, “Shit, 10:30 na, 11 yung class ko.”

Nagmadali siya sa pag-aayos at dumiretso na sa school ng walang kinakain at tumakbo na papunta sa classroom niya. Pagdating niya ay agad siyang humingi ng tawad sa prof niya, “Ma’am Aline, sorry I’m late.”

Nginitian lang siya nito at sinabing, “It’s okay Miss Reyes, you may enter. But get this paper bag from me first, someone told me to give that to you.”

Hindi napigilan ni Mika at nagblush siya, “Uh, thank you Ma’am.”

Natawa ang prof niya, “Don’t thank me Miss Reyes, hindi naman sa’kin galing ‘yan.”

Sinilip ni Mika at ang laman ng paper bag ay dalawang glazed donut at Choco Java Chip Frappuccino from Starbucks.

“Breakfast is the most important meal of the day; I wouldn’t want you to miss it.”

~~~

Naglalakad si Mika kasama sina Ara, Carol, Cienne, Camille at Kim papuntang Razon. Pagod na pagod na siya dahil sa mga exams at presentations niya sa araw na ‘yon, pero kailangan pa rin niyang panindigan ang pagiging student athlete niya at magtraining.

“Grabe guys, super haggard na ako. Puyat ako kagabi, tapos puro exams at reporting pa ngayon. Gusto ko na lang humiga sa kama.” Reklamo ni Mika sa mga kaibigan niya.

“Girl, hindi lang ikaw. Hindi na kaya ng powers ko, biruin mo, 7 straight hours akong may klase tapos puro exam! Kaloka girl!” dagdag naman ni Ara sa hinanaing ng kaibigan niya.

“Kamusta naman yung galing pa ako sa victory party nila Forts kagabi? Tapos early morning class ko kanina presentation kay Sir Angeles, intense mambara si Sir, gags muntik na akong mapahiya!” kwento naman ni Kim.

Natawa naman si Carol at sinabing, “’Yan kasi Kimmy, lakas lumandi, ayan hindi inuuna ang pag-aaral! Tsk, tsk!”

“Eh ikaw Carolina? Diba galing kayo ni Ciennang sa Tagaytay kahapon? Tapos ako pa talaga malandi ha!”

“Jusko itigil niyo na nga ‘yan, basta konting kayod na lang, malapit na Christmas break.” Sabi naman ni Cienne ng biglang dumaan si Johan Aguilar.

“Hi girls! Uh Miks, may nagpapabigay nga pala nito.” Sabi nito at inabutan niya si Mika ng isang paper bag.

“Ayyyyy, si Yeye may admirer, Johan bulong mo sa’min kung sino dali!” pang-aasar ni Kim kay Mika na sinisilip kung anong laman ng paperbag.

Isang venti na Green Tea Latte ang laman nito at isang note.

Umiling si Ara at sinabing, “Psh, baka naman si-“

Tinignan ng masama ni Mika si Ara at sinabing, “Sige, subukan mong ituloy ‘yan.”

“Sabi ko nga, joke lang.” sabi na lang ni Ara.

Binasa na ni Mika ang note.

“I know you’re already tired, but I hope you don’t get tired of reaching for your dreams. I won’t get tired too, I won’t get tired of reaching my dream – you.”

~~~

“Tall Mocha Frappuccino for Yeye?”

Halos wala ng tao sa café, pero nagsusunog pa rin ng kilay si Mika para sa huling paper na issubmit niya this semester. Hindi naman siya umorder kaya nagulat si Mika nung tinawag yung pangalan niya.

“Miss, hindi naman ako umorder, baka nagkamali lang kayo.” sabi ni Mika sa barista nung lumapit siya dito.

Umiling ito at sinabing, “No ma’am para po talaga sa inyo yan, pinapabigay po nung lalaking yun oh.”

Napatingin naman siya doon sa lalaking tinuro ng barista. ‘Di katulad niya ay mukhang napakachill lang nito, nagbabasa ng dyaryo kaya hindi niya makita ang mukha nito.

Lumapit si at sinabing, “Uh, thank you for the drink?”

“Um,  you’re welcome, Ms. Reyes?” tanong nito sa kanya. Napatitig muli siya dito dahil sa mga mata nitong nakabibihag at ngiting napakatamis. Ang mga mata at ngiti na dati’y bumihag na sa puso’t isipan niya.

Nabitiwan ni Mika yung hawak niyang drink, “GABBY? Sabi ko nga ba sa’yo galing lahat ng ‘yun eh!”

“Diba sabi ko naman sa’yo, tigilan mo na ako? Hindi pa ba sapat sa’yo yung lokohin ako? Pagpustahan ako? Please Gabby, just leave me alone!” pagbuhos ni Mika ng kanyang damdamin, tatakbo na sana siya ng biglang may mga bisig na yumapos sa kanya at hindi niya napigilang umiyak.

Hinarap ni Gabby si Mika sa kanya para magtapat ang kanilang mga mata, “Please Mika, Ye, listen to me first. Hindi mo naman ako binigyan ng chance mag-explain sa’yo eh. I never meant to hurt you, it’s true, it started out to be a dare – to make the prettiest Lady Spiker fall in love with me. I was ready to do so, I was excited even. Akala ko sobrang prepared na ako nun, but I didn’t prepare myself for one thing. Alam kung ano?” tanong ni Gabby kay Mika.

Umiling lang si Mika.

“I didn’t think that in the process, I would be the one who’d fall deeply, madly and truly in love with you.”

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon