Loosely based on the song by Callalily, listen to it while reading. And I haven't proofread it, so comment lang if may errors! Enjoy~
Pansamantalang panyo sa tuwing ika’y nasasaktan.
“She told me we need time, space. But isn’t that so ironic, we’re thousand miles apart already, yet she’s asking me for space? I thought she’d understand. I wanted to believe we could make it. I wish she was more like you, more understanding and more patient.”
Hindi mawala sa isip ni Cienne ang mga salitang iyon. Nakaupo lang siya sa bar, umiinom ng mocktails dahil mababa ang tolerance niya sa alcohol, at inoobserbahan ang mga tao sa loob ng bar. Kaliwa’t kanan ang mga magkasintahan na naglalambingan at mukhang inlove na inlove. Tinignan niya ang lalaki sa tabi niya na patuloy pa rin sa pagdadaldal tungkol sa girlfriend niyang hindi naiintindihan ang mga pangarap niya. Pilit niyang pinipigilan ang sarili niyang magsalita at sabihing “ako na lang”. Dahil alam niyang hanggang kaibigan na lamang ang tingin nito sa kanya.
“Hey, come on! Let’s dance!”
Inakbayan siya nito at agad naman siyang nailang, “No, I’ll just stay here.”
Tumango na lang ito at iniwan siya sa bar.
Halos isang oras nang may tumatawag sa cellphone niya at halos isang oras na rin niyang hindi sinasagot ang mga tawag na ito. Kanina galing kay Mika, kay Carol ngayon naman sa kakambal niya. Nakita niya ang oras at napabuntong hininga na lang siya dahil alam niyang sa pagkakataong ito, wala na siyang takas sa mga kaibigan niya.
Naputol naman ang kanyang mga iniisip ng bigla siyang kalabitin ng babaeng katabi niya, “Miss, diba that’s the guy you’re with kanina, your boyfriend I’m assuming?”
Napalingon siya sa tinuturo nung babae at nakit niya ang napakagwapong lalaki na kahit lasing na lasing na ay pilit paring sumasayaw at umiinom mula sa bote ng beer na hawak niya.
“Here’s some friendly advice, if I were you, I’d bring him home already. Baka malandi pa siya ng iba, hot pa naman ng boyfriend mo.”
Napaisip siya sa sinabi ng babae at agad niyang kinuha ang cellphone niya at sinagot na ang tawag ng kapatid niya.
“CIENNE MARY ARIELLE! Kanina ka pa namin hinahanap, saang lupalop ka ba nagpupupunta?”
“Utang na loob Cams, ‘wag mo na muna akong sermonan ngayon, I need your help,” pagpapaliwanag ni Cienne sa kapatid niya.
Narinig niyang nagkakagulo na sa kabilang linya, “Cienne naman, malapit na mag alas dose nang gabi tapos may aqua training pa tayo ng 5 AM sa Razon!”
“Please Cams! Ako na rin mag-eexplain kay Ate Aby! Gising pa ba siya? Pakausap naman oh!” pagmamamakaawa ni Cienne sa kapatid niya.
Narinig naman niyang ang mga kaibigan niyang bumaba ng hagdan at kinatok ang kwarto nina Aby.
“Gabi na ah, bakit gising pa kayo?” tanong ni Aby sa mga nakababata niyang teammate.
Inabot ni Camille ang cellphone ni kay Aby, “Ate, kailangan ka daw makausap ni Cienne.”
“Ano? NASAAN BA YANG KAMBAL MO? AKALA KO BA MALALATE LANG SIYA NG KONTI?”
Agad namang kinabahan si Cienne, “Ate Aby…”
“Ano Cienne? Napano ka? Nasaan ka?” sunod na sunod na tanong ni Aby na halatang nagtitimpi lang at alalang-alala na.
“Sorry Ate, nasa URBN ako ngayon. I need help, si ano kasi-“
“Don’t tell me sinamahan mo nanaman siya? Hay nako, Cienne hindi ka nadala. Sige na, papupuntahin ko na lang sila Babes diyan para sunduin siya.”
BINABASA MO ANG
The Story of Us
FanfictionUnexpected meetings, sweet nothings and bitter endings; a compilation of one-shots about UAAP and PBA players.