"Haaaa mauuna ako sayo rico!!" Sigaw ni Mellia sa bunso nyang kapatid habang ngpapaunahan silang makarating sa munti nilang bahay.
"Ang daya mo ate! Eto sayo! Mm" tukso ni rico sa kanyang ate habang binabasa ito ng dala dala nilang tubig sa balde. Ngpapapaunahan umano itong dalawang makarating sa bahay nila dahil kung sino ang mahuhuli ay sya ang magsasaing.
"Oh andyan na pala kayo mga anak naku naghaharutan na naman kayo! Oh basta ang mahuhuli makarating dito ang sya ang magsasaing!" Tuwang tuwang biro ni Aling Mirna sa kanyang mga anak. Ganito sila araw araw masaya kahit sa simpleng pamumuhay meron sila. Si Aling Mirna ay nagtitinda ng mga gulay sa palengke habang ang kanila namang tatay na si Mang Rehino ay nagtatanim at nagsasaka sa lupain na pagaari ng Palasyo Velamier sila ang nagmamyari sa buong lupain ng Velamier.
"Hahaha ikaw ang magsasaing ate! Nauna ako sayo bleh!" Tukso ng bunso.
"Madaya ka kasi hindi ka patas!" kinurot nito ang tenga ni rico na syang kinaipit nito sa sakit.
"Tama na yan hala sige na rico sunduin mo na ang tatay mo masyado na namang ngpapagabi ang masipag mong tatay" utos kay rico.
"Sige po nay!" bumelat muna sa kanyang ate bago umalis patakbo sa palayan. Tinawanan nalang ito ng kanyang ate kahit palagi silang nagkakapikunan ay mahal na mahal nito ang kanyang kaisa isang kapatid. Inayos na ni Meilla ang isasaing at ang ilulutong ulam ng kanyang nanay. Magaling magluto si Meilla na namana nya sa nanay nya bata pa lang sya eh tinuturuan na sya para daw sa kanyang future na magiging asawa. Minsan sya ang nagluluto kapag busy sa palengke ang nanay nya at pagod.
"Nay hindi ba nasosobrahan na sa trabaho c tatay baka naman magkasakit na yun.." Alalang sabi ni Meilla.
"Naku anak alam mo naman yang tatay mo matigas ang ulo..kahit anung sabihin ko hindi naman nakikinig" Aling Mirna.
Hindi nya masisisi ang kanyang tatay. Mahirap lamang sila, wala syang magandang trabaho dahil hangang 2nd yr highschool lamang ang natapos nya. Hindi na nito tinapos ang pagaaral dahil tumutulong na lamang sya sa kanyang nanay sa palengke minsan ang nglalako ng mga pagkain sa mga trabahador para sa extra pera. Ngayon ay 23 anyos na sya. Binubuhos na lamang nila ito sa kanilang bunso matapos lang ito ng pagaaral na ngayon ay nasa elementary Grade 6. Napabuntong hininga na lamang si Meilla. Gusto nyang tulungan ang kanyang mga magulang pero paano. Ang pagiging masaya at buong pamilya nila ang tangi nilang yaman. Tapos na silang mghanda ng hapunan magnanay at dumating narin ang kanyang tatay.
"Tay mukang pagod na pagod ka ah, inaabuso mona yung katawan mo" reklamo ni Meilla.
"D ah malakas yan c tatay! Dba tay!" Kindat ng number one fan ni Mang Rehino.
"Okay pa ako anak asus mas malakas pa to sa..."
"Kalabaw!!!" Sigaw ng mgkapatid. Ang sabay sabay silang nagtawanan. Paborito kasing linya ito ng kanilang tatay na halos saulo na nila.
Bakas kay Mang Rehino ang pagod kaya napabuntong hininga na lamang ito.
BINABASA MO ANG
Prince' s Frozen Heart
RomanceI will double the price just pretend to be my Queen. Kapag nakuha ko na ang trono pwede ka ng umalis sa buhay ko. He's a ruthless, Heartless, cold hearted Prince of Velamier. Kinamumuhian nya lahat ng babae. But his father wants him to get married...