Chapter 4

566 14 0
                                    

MEILLA's POV


"Tay sige na naman oh.. para makatulong man lang ako sainyo.. Susustentuhan kayo...."


"Wala akong pakialam kung ginto ginto man ang ibigay nila basta hindi ako papayag!" suway ni tatay. 

Hay si tatay ngiinarte. Ganyan si tatay hahamakin nya lahat ng hirap basta magkakasama lamang kami at buo. Sabi ni nanay lalo na daw babae ako kaya mahigpit sa akin si tatay pero 23 na ako kailangan ko ng kumilos para makatulong sa kanila. Alam kong napapagod na si tatay sa trabaho nya kahit hindi nya aminin.

Naalala ko noon na niyaya ako ng kaibigan kong c Karina na mamasukang server sa Bar doon sa bayan. Hindi rin ako pinayagan ni tatay pagsasamantalahan lang daw ako ng mga lalaki ngiinom doon. Kailangan kong pilitin si tatay para din naman ito sa kanila. 


Tumahimik na lang muna ako at nilubayan si tatay pilitin ko nalang sya kada 30 minutes baka sakaling mairita hihi. Ipagpapatuloy ko nalang muna ang pagtali sa mga gulay na ibebenta namin bukas. Pero syempre kunwari tampo ako.


"Sige na Rehino payagan mo na ang anak mo, nasa tamang edad at pagiisip na yan" kalmadong sabi ni nanay kay tatay. kahit ngbubulung sila rinig ko parin sila buti nalang okay kay nanay.

Naluluha ang tatay.. anu bayan naiiyak naman ako. Lumapit ako kay tatay at agad syang niyakap, etong tatay ko talaga ang sweet.


"Tay, wag kang magalala..kayang kaya ko na ang sarili ko hinding hindi ko kakalimutan ang mga tinuro mo sa akin. Isa pa safe ako sa palasyo. Kailangan nating magtulungan tay" lambing ko kay tatay habang nakayuko sya. At hindi na muling ngsalita si tatay.


Teka tahimik ng bunso kong kapatid ah? malungkot din siguro yung mokong na yun. 


"Isa pa meron naman daw na isang araw sa isang linggo na pahinga kaya uuwi nalang ako tuwing linggo para makasama kayo" lalong naluha si tatay. 

Bigla namang yumakap sakin c rico, ayun lumabas din. 

"Nakakainis ka naman ate" umiiyak na reklamo ni rico na pagang paga ang mata kakaiyak.

"hmm mammimiss mo pala si ate ha pakiss nga sa kili kili!" habol ko kay rico.


Hayyy mamimiss ko sila, kahit ako nalulungkot pero kailangan talaga eh. Ayokong umasa na lamang sa pagtitinda ng gulay sa bayan ng Velamier. Gusto ko rin tumulong at maiangat sila sa hirap. Konting tiis lang nay, tay, rico. 

Kailangan ko ng maghanda para bukas bago matulog..

Medyo kinakabahan ako ha...

Prince' s Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon