MELLIA's POV
Nandito na kami sa tapat ng palasyo, hinatid ako ni Rico at nanay. Ang daming tao ang sasali parang may fiesta lalo tuloy ako kinakabahan. Yung iba ay namumukaan ko na mga taga luto sa bayan. Ang iba naman ay sasali lang para mag pa ganda sa mga prinisipe. Yung iba naman ay mukang dayo galing sa iba't ibang lugar.
Hmm..anu kaya ang itsura nila? Hindi kopa sila nakikita sabi ni Karina ay matitipuno at gwapo daw. Kinuha sila noon para magsayaw sa kaarawan ni Prinsipe Mathan. Ay ewan. Napailing nalang ako sa mga iniisip ko hindi dapat lalake ang nasa utak ko kundi premyo. Pero bakit parang iba yung kaba ko?
"Mellia!!!!!" sino yun narinig kong sumisigaw galing sa malayo.
Paglingon ko c Karina! Sasali din pala ito syempre alam na. Buti na lang may kasama ako!
"Anak magiingat ka ha kapag ayaw mo ng magtrabaho dyan balik kanalang agad sa bahay." umiiyak na paalala ni nanay. Nakakahawa naman tong si nanay.
"Nay wag na kayong umiyak kasi malulungkot lang ako sige gusto nyo ba yun..saka isa pa may paligsahan pa kailangan masarapan sila s luto ko" kamo ulo kong sabi.
"Anak naman syempre alam na naming pasado ka kanino ka ba nag mana. Basta yung mga tinuro ko sayo anak ha" sabi ni nanay, nagbuhat bangko pa habang nagdadrama.
"Ate da..da..law ka ha" ungot ng kapatid ko habang umiiyak.
"Hmm ang baby ko. Aalagaan mo si nanay at tatay ha. Wag ka ng masyadong makulit. Lagi mong susunduin si tatay ng maaga para hindi sya mapagod sa trabaho araw araw."
Hindi na sumama si tatay, alam ko namang sa kanilang tatlo si tatay ang pinaka malulungkot. Kailangan din sya sa palayan kaya hindi na sya sumama. Ang bigat sa loob pero kakayanin ko ito. Sana mapalalunan ko yung premyo..
Nagpaalam na ako kay nanay at rico. Ng salubungin ako ni Karina na tuwang tuwa at sobrang excited.
"Meilla!!"ngtatalon nyang yakap sakin.
"te-teka aray aray ha!" nalalaglag na yung damit ko sa kakatalon nya sa akin!
"Ikaw naman masaya lang ako nagkita ulit tayo!" sigaw nya sa akin.
"Papaano abalang abala ka sa nobyo mong si manuel ni hindi mo na nga ako dinadaanan sa palengke araw araw" kunwaring tampo kong sagot sa kanya.
"Huy dinalhan kita ng paborito mong bibingka nung isang araw ah pinadagdagan ko pa ng keso yun kahit medyo mahal ah" paalala nya habang kinukulot ang dulo ng buhok nya.
"Asus kung di ko lang alam eh kinindatan mo yung nagtitinda, oh sya cge na ano handa ka na ba??" tanong ko kay Karina sabay hinila ko na sya papasok sa Palasyo ng Velamier.
Eto na..eto na yun. Bulong ko sa sarili ko.
*
"Father why do i have to be there it's just a contest for maids. Hindi ko na kailangan pang magaksaya ng panahon para lang doon." kalmado pero iritang sabi ni Prinsipe Stefan.
"Son they're not just maids eh kung wala sila ay papaano tayo kakain?" sarkastikong sabi ng Hari.
"Marami pa akong kailangang asikasuhin Ama, kailangan ko pang pumunta sa kabilang bayan upang makipagkasundo sa kalahating minahan na nasa lupa nila at lupa natin, hindi ba't.." pamimilit na sabi ni Prinsipe Stefan.
"Son Stefan, give yourself a break, marami pang panahon para dyan. Ilaan mo muna ang oras mo dito sa palasyo at maglibang ka. Makipagusap ka sa mga Tao ng Velamier. Ikaw ang magging susunod na hari aba kailangan mo ng simulan sa pamamagitan ng pakiki pagkapwa sa ating mga tao." utos ng hari sa kanya habang inaayos nya ang damit at handa ng lumabas ng palasyo.
BINABASA MO ANG
Prince' s Frozen Heart
RomanceI will double the price just pretend to be my Queen. Kapag nakuha ko na ang trono pwede ka ng umalis sa buhay ko. He's a ruthless, Heartless, cold hearted Prince of Velamier. Kinamumuhian nya lahat ng babae. But his father wants him to get married...