Natapos na ang pagluluto ng mga kasali sa paligsahan. Hindi maitatanggi na lahat ng sumali ay may kanya kanyang putahe na mukang masasarap. Amoy na amoy sa buong arena ang aroma ng mga pagkain.
Sinimulan ng tumikim ng dalawang prinsipe ang mga pagkain. Ng makarating si Prinsipe Mathan sa pwesto ni Mellia ay umandar na naman ang pagpapakitang gwapo nito. For short pagpapacute.
"Hmmm" tikim nya sa pagkain ni Mellia. Sabay kindat sa kanya.
Nailang naman si Mellia, sa gwapo ba naman ng prinsipeng ito sino ba naman ang hindi mamumula.
"Ano ang iyong pangalan magandang binibini?" ngiting tanong ni Prinsipe Mathan dito. Habang nakahawak sa dalawang baywang na para bang kinikilatis nya si Mellia simula ulo hanggang paa.
"Me..mellia mahal na prinsipe" ito ay lumuhod agad sa prinsipe. Ito ang kauna unahang kinausap sya ng isang prinsipe kaya nauutal utal. Nastarstruck ata.
"Mellia..hmm maganda ka at magaling magluto.." hawak sa baba ng prinsipe habang nakatingin ng malagkit kay Mellia.
"uh..ma..maraming sal...." nauutal utal na pahayag ni Mellia.
"Nakita na kita noon" putol sakanya ni Prinsipe Mathan.
"Sa..saan po Mahal na Prinsipe?" gulat nyang tanong.
"Sa pangarap ko" hirit sa kanya ng prinsipe. Hindi nakapagsalita si Mellia hindi nya alam kung matutuwa sya o mahihiya. Bali balita na sa dalawang magkapatid si prinsipe Mathan ang maloko at Babaero. Kaya ayaw nitong masyadong mgpaapekto dahil alam naman nyang ganito ang ugali ng prinsipe. Kaya ngumiti na lamang ito tanda parin ng pag respeto.
MELLIA's POV
"YOU!" sigaw ni Prinsipe Mathan sa kanyang kapatid na si Prinsipe Stefan.
Nagulat nalang ako ng biglang tabigin ni Prinsipe Stefan si Prinsipe Mathan paalis sa tapat ng pwesto na kinakalagyan ko at ng luto ko mutikan pa itong malaglag sa lakas ng pakakatabig nito.
Mukang galit na galit ang muka ni Prinsipe Mathan pero ito namang.. napakagwapong muka na ito saking tapat ay.. ay.. ay.. AY! ibig kong sabihin eh napaka salbahe naman para tabigin ang kanyang kapatid. Hindi ba pwedeng magsalita ng makikiraan man lang. tsk tsk.
"Huwag kang bastos kuya hindi pa ako tapos dito tumikim ka muna ng iba" galit na tonong sabi nya kay Prinsipe Stefan. Kinakabahan naman ako baka magaway pa ito sa harap ko. Iniisip o na kung saang direksyon ako tatakbo. Mahirap na.
Nakayuko lamang ako kay Prinsipe Stefan tanda ng respeto.
"Ito ay paligsahan HINDI LANDIAN" malamig na sagot ni prinsipe Stefan sa kanyang kapatid ngunit sa akin sya nakatangin. At diniin nya talaga ang salitang HINDI LANDIAN.
"What the hell are you talking about masama bang makipagkaibigan sa mga kalahok?" inis na sagot nito.
Aba teka.. yang kapatid nya ang nangunang malandi dito ha hindi ako bakit parang sa akin nya sinabi iyon?! Syempre hindi ako sasagot. Dahil prinsipe ito. Tiis lang Mellia.
Hindi ito pinansin ni Prinsipe Stefan imbis ay nakatingin parin sakin ito. Napakadilim ng muka nya, bakit kaya sya ganito?..
"May oras kadin sa aking mahal kong kapatid" bulong na sabi ni Prinsipe Mathan sa kanyang kapatid at sabay umiiling iling na umalis.
Tumahimik na lamang ako at tinikman na lamang nya ang pagkaing niluto ko. Napansin kong umaliwalas ang kanyang muka sa Paeyang Hipon na niluto ko ngunit bigla naman bumalik ang seryosong muka. Ano ba ito Robot?
"It's alright" sabay talikod nya at pumunta na sa kanilang pwesto kung saan sila nakaupo.
ahhh.....
Natulala nalang ako ng siguro mga 2 minuto. Naiinis ako sa prinsipeng ito! Napaka suplado at taray! Gwapo nga masama naman ang ugali! At dahil unang una malapitan kong nakita ang dalawang prinsipe, pangalawa pareho nila akong kinausap dahil sa iba ay titikim lang sila at agad na aalis. Ngunit ganito ba talaga ang dalawang ito palaging nagaaway, parang kami ni Rico? Hay namiss ko tuloy agad ang aking kapatid.
Iniling ko na agad ang mga naglalaro sa isip ko ng lumapit sa akin si Karina.
"Huyyyy ikaw ha nakita kong kinakausap ka nung dalawang prinsipe ha. Inggit tuloy ako!" kunwaring tampo ni Karina.
"Anung kinakausap eh dito nga sila sa harap ko nagaaway eh" pabalang kong sagot sa kanya.
Bigla namang lumaki ang mata ng baliw.
"Woaahh ang swerte mo Melliaaaaa.." tukso nito na parang kinikilig. Nasisiraan na ata talaga ito. Matuwa ba naman kahit sila ay ngaway na.
"Ang kikisig nilang tignan lalo na siguro kapag galit sila rawrrrrr" ay Diyos ko patawarin nyo po ang abnormal kong kaibigan sya nalang po ang ngiisa kong kaibigan pahabain nyo po sana ang pasensya ko.
*Tu turu tooot*
Tumunog naman ang horn na ikinagulat namin ni Karina. Eto na iaanunsyo na...
"Ang nanalo ay si......." sigaw ng isa sa taga anunsyo ng panalo.
BINABASA MO ANG
Prince' s Frozen Heart
RomanceI will double the price just pretend to be my Queen. Kapag nakuha ko na ang trono pwede ka ng umalis sa buhay ko. He's a ruthless, Heartless, cold hearted Prince of Velamier. Kinamumuhian nya lahat ng babae. But his father wants him to get married...