Chapter 4 Back to Seminary

270 8 0
                                    

Niel's POV

Pagkatapos nung Despidida Party ni Yanna, umalis agad ako sa venue pero huli na dahil nakita na niya ako pero hindi na pwede, kaya pinili ko nalang na tumakbo kahit nakikita kong nasasaktan na siya .. Alam kong masasaktan ko siya pero hindi kasi talaga pwede dahil papasok na siya ng monastery .. Pag-uwi ko ng bahay, agad akong nagpaalam sa ate ko na babalik na'ko ng seminary kinabukasan at hindi naman siya tumutol .. Alam ng ate ko ang nangyayari sakin, alam din niya na may nararamdaman ako para kay Yanna .. Sabi niya, kung mahal ko daw ipaglaban ko pero paano kung gagawin yun kung wala na siya dito .. Alam ko naman na pumasok na siya ng monastery pero hindi ko na siya guguluhin pa, hahayaan ko na siyang tuparin ang mga pangarap niya ..
" Oh! Niel, akala ko ba magtatagal ka pa sa Bacolod?? " tanong ni Gino, kaklase ko

Alam din ni Gino ang nararamdaman ko kay Yanna at magkakilala din silang dalawa ..

" Naisip ko lang kasi Gin, kailangan ko na talagang bumalik .. "

" Ano ba kasi nangyari sa inyo ni Yanna?? Nakita kayo ni Jewel dun sa resort aa .. "

" Sinamahan ko lang siya na magliwaliw, siyempre hindi na kasi yun makakalabas .. "

" Ibig mong sabihin, natuloy siya sa monastery?? "

" Oo .. "

" Hindi mo nasabi sa kanya yung nararamdaman mo?? "

" Hindi na kailangan Gino, ayoko na maging hadlang ako sa pangarap ni Yanna .. Alam kong iyon lang ang makakapagpasaya sa kanya .. "

" Naisip mo ba na kung sinabi mo yun, may tendency na hindi sana siya natuloy sa monastery?? "

" Kahit naman anong mangyari walang makakapagpabago ng desisyon niya, alam ko kung gaano niya kagusto ang pumasok na ng monastery .. Masaya nako dun, pasasaan ba't malapit na tayong maging pari .. "

" Sabi mo ee, pero sana hindi ka magsisi .. Alam ko kung gaano mo kamahal si Yanna .. "

" Alam mo, baka ito lang yung paraan ng Diyos para sabihin sakin na magpapari talaga ako .. "

" Sabi mo ee .. Halika na nga, basket na tayo . "

At ayun, nagbasketball nga kami ..

" Kamusta ang Despidida Party, Niel?? " tanong ni Pao, isang 5th Year Theo na kakilala din ni Yanna

" Pao, kinakamusta mo pa ba yun?? Hahaha nandoon ka rin naman ee .. "

" Nakita din kita dun, bakit hindi ka naupo katabi namin?? Nagtatago ka ba kay Yanna?? "

" Ayoko lang makita kung paano siya magpaalam .. "

" Mahal mo nga .. "

" Matagal na! " sabat naman ni Gino

" Oo na! Tumahimik nga kayo baka marinig tayo ni Father Rector .. "

" Natatakot ka pala kay Fr. Phil?? Hahaha .. " si Gino

" Baka parusahan ako nun nu .. Hahaha .. "

" Bakit ka paparusahan kung umibig ka lang naman??" at narinig ko ang isang maawtoridad na boses ..

" Father Phil?? Magandang hapon po Padre .. " kinakabahan kong bati kay Fr. Phil

" Magandang hapon po Father .. " bati naman nung dalawa

" Niel, pumunta ka ngayon sa office ko .. " sabi ni Fr. Phil at agad na umalis

" Lagot ka brad! Hahaha " - Gino

" Ang supportive niyong dalawa! Sige, punta na muna ako sa office ni Fr. Phil .. "

Umalis muna ako sa court at agad na pumunta sa office ni Fr. Phil .. Kinakabahan ako dahil parang alam ko na kung ano ang pag-uusapan namin ..

You are MineWhere stories live. Discover now