Chapter 7 Life Inside the Monastery

241 8 2
                                    

Sr. Marie Therese's POV

Pagkarinig ng tunog ng kampana, gumising agad ako at nagtungo sa banyo upang magsepilyo at maghilamos at nagbihis ng monastikong abito .. Pagkatapos nito ay tumugo ako sa oratory para sa aming Matins .. Ang Matins po ay ang Traditional Midnight Prayer ng mga Contemplative at Monastics .. After nung Matins ay bumalik kami sa pagtulog at noong alas 5 ng umaga ay tumunog ulit ang kampana at nagsepilyo ulit ako at naghilamos, nagbihis ng aking monastikong abito at nagtungo sa oratory para naman sa Lauds .. Pagkatapos ng Lauds ay sabay kaming nagsimba at pagkatapos ay sabay kaming nagtungo sa refectory upang mag-almusal .. Ganito ang buhay namin dito sa loob, pitong beses kaming magdasal sa isang araw, dasal at trabaho para sa Diyos at tao, ganyan ang takbo ng buhay namin araw-araw dito sa loob, boring man para sa iba pero para sakin, masaya siya at nakakagaan ng loob, lalo pa't pinagdadasal mo ang lahat ng tao sa labas ng monastery ..

Tatlong buwan na ang nakakalipas simula nung pumasok ako, at napakalaking tulong ng monastery formation sa'kin, hindi lang sa pananampalataya ko kundi pati na rin sa maturity ko at sa pananaw ko pagdating sa PAG-IBIG ..

Kung tatanungin niyo 'ko kung nakalimutan ko na ang feelings ko kay Kuya Niel?? Opo, wala na po akong nararamdaman kay Kuya Niel pero kung tatanungin niyo po ako kung nasasaktan pa rin ako o naghilom na ba ang sugat sa puso ko?? Hindi pa, hindi naman kasi ganun kadali ang paghilom ng isang sugat .. It takes weeks, months or even years for your wounds to be completely healed at tatlong buwan palang ang nakakaraan .. Hindi pa sapat yun para maghilom ang sugat sa puso ko pero masayang-masaya na'ko sa buhay na meron ako ngayon at sa daang tinatahak ko ..

" Sr. Therese ... " tawag sakin ni Sr. Angelica

" Yes Sister?? "

" Siyanga pala, nakalimutan kong sabihin sa'yo kanina .. Pupunta tayo ng Bacolod next week for our Vocation Campaign .. "

" Saan po sa Bacolod, ter?"

" Sa Fatima .. We will be staying there for a week .. "

" Okay po .. "

" We will be leaving on Saturday and we will be back next Sunday .. "

" Okay po .. "

" Sige, alis na'ko .. "

Umalis na si Sr. Angelica at naiwan ako sa garden .. Ako kasi nakaassign ngayon na magharvest ng mga pananim namin .. Sa Fatima kami tutuloy?? Excited nakong makita yung mga kasama ko noon sa parish .. Miss na miss ko na kasi sila pero pupunta kami doon para sa vocation campaign at hindi para magbakasyon ako ..

Sandali nga hahaha, baka nagtataka kayo kung bakit hindi na Yanna ang nakalagay sa POV ko?? Hehehe Let me explain guys!

June 24, the Feast of the Nativity of St. John the Baptist .. Yan din ang araw na pumasok ako sa monastery dito sa Pampanga .. And after 2 months and 2 weeks, September 8, the Solemnity of the Nativity of the Blessed Virgin Mary, I was accepted for Postulancy and took the Religious Name, Sister Marie Therese .. And ito na'ko ngayon, ako na si Sister Marie Therese Tolentino ..

Nilapitan ako ni Mother Agatha at kinausap ..

" Sister Therese, ayos ka lang ba?? "

" Oo naman po Mother, bakit niyo po natanong?? "

" Kasi naman, napapansin ko simula nung sinabi sayo kanina ni Sr. Angelica na doon kayo mamamalagi sa Fatima ay parang ang lalim naman yata ng iniisip mo .. May problema ka ba o may ayaw kang makita doon sa Bacolod?? "

" Mother —"

" Sabihin mo naman sa'kin, ako ang Mother Prioress mo at siyempre concerned ako sa mga nangyagari sa'yo .. May naiwan ka ba noon sa Bacolod?? "

" Sabik lang po akong makita yung mga kasama ko noon sa parish .. "

" Isa pa, kaya ikaw ang napili kong isama kay Sr. Angelica ay dahil alam kong magaling kang magsalita at makipagkaibigan, at lalong lalo na, gusto kong makita mo ulit ang mga naiwan mo doon .. "

" Salamat po ulit Mother .. Sige po, aalis muna po ako at mag-aayos po ako ng mga gamit ko .. Bye po Mother .. "

" Sige, God bless you Sister Therese .. "

Excited nakong makita ang mga kasama ko noon sa parish lalo na si Fr. Patrick ..

~~~

Author's Note

Yeah! Short UD, ni-revise ko kasi ang story hahaha .. Palagi nalang ako nagrerevise ee ..

Love,
Empress Khie Nyang

You are MineWhere stories live. Discover now