A/N : Short Update
~ ~ ~ ~ ~
Father Niel's POV
Nandito ako sa parokya na kinabibilangan ko, sa parokya kung saan nagsimula ang pangarap ko sa pagpapari ..
" Fr. Niel .. " tawag sakin ng isang babae
" Uyy, Jane, ikaw pala .. " sabi ko
Si Jane, ex-girlfriend ko siya .. Basta, wala naman siyang kinalaman sa storyang ito kaya huwag na natin siyang aksayahan ng oras ..
" Congratulations pala sa ordination mo .. "
" Salamat, hindi ka man lamang dumalo dun ha?? "
" Alam mo naman na may pasok diba?? Ang importante, nandito nako ngayon .. " sabi niya sakin sabay hawak sa kamay ko
" Excuse me muna ha?? May aasikasuhin pa kasi ako ee .. " at bigla akong umalis at tumulong sa paghanda para sa Thanksgiving Mass ko
** Thanksgiving Mass
" Let us all stand as we join the celebration of the Holy Eucharist together with our Main Celebrant, Rev. Fr. Nathaniel C. Sanchez ... " intro nung commentator
Ayan na magsisimula na ang misa, ang kauna-unahang misa na ako ang main celebrant .. Habang naglalakad ako papunta sa altar, hindi ko pa rin maiwasan ang hindi maiyak dahil hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na isa na akong ganap na pari ngayon ..
" In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit .. " panimula ko sa misa
Maayos naman ang naging daloy ng misa hanggang sa homily na, at yung napili kong homilist ay si Philip, isa sa matalik kong kaibigan, kaklase at kasama ko ring inordinahan ..
" Hindi muna ako magsisimula sa reflection, gusto ko munang sabihin sa inyo kung ano si Niel .. Hahaha .. Alam niyo, si Niel?? Ano nga ba ang masasabi ko sayo?? " panimula ni Philip sa homily niya na patungkol sa'kin
" Si Niel?? Wala yata akong masasabi dahil alam niyo naman yata lahat sa kanya, pero may isang bagay lang na pilit niyang itinatago at naging dahilan ng struggles niya sa loob ng seminary .. " - Philip
Ano ba ang sasabihin niya??
" 5 years ago, upcoming 2nd Year Theologian kami noon noong na-inlove ulit siya .. Oo, nainlove siya sa isang bata sa parokya .. Mahal niya ito ngunit, pinilit niyang iwasan ang kanyang nararamdaman para dito ngunit , the more daw na pinipigilan niya, the more na nahuhulog siya hanggang sa dumating sa point na sinabi niya daw ang nararamdaman niya habang natutulog ito ngunit huli na ang lahat .. Niel, alam kong mahal mo siya ngunit mas mahal mo si Lord, I salute you for choosing God rather than her .. So, let's move on to my reflection .. "
At ayun nga, nagpatuloy siya sa reflection niya at habang naghohomily siya kanina ng tungkol sa akin, nakikita kong grabe ang titig sakin ni Jane, ewan ko kung bakit pero nakikita kong parang hindi siya nasisiyahan sa mga nangyayari .. Pero, diba sabi ko, hindi importante si Jane sa storyang ito kaya hayaan na natin siya .. Pagkatapos nung misa, may simpleng handaan na inihanda ang mga parokyano para sa akin, nandoon din ang pamilya nina Yanna sa Thanksgiving Mass ko .. Masaya ako na makita siya na nandito, yung huling babaeng minahal ko ..
" Bunso! " sigaw ko para makuha ni Yanna yung atensyon ko
" Kuya Niel! " si Yanna
" Buti naman at nakarating ka sa thanksgiving ko, sandali, hindi ko yata nakita sina Tita Zelie??" tanong ko
" May business trip kasi sina Mama at Papa, nagpunta sila ng Greece kaya hindi na sila nakadalo sa thanksgiving mo .. Pasensya na daw, pero may ipinapaabot sila .. " sabi niya habang inaabot sa akin ang isang paper bag
" Ano 'to?? " tanong ko
" Basta, buksan mo nalang po Kuya .. "
Pagbukas ko, nakita kong ang regalo ng mga magulang niya sa akin ay set ng mga chausable, stola, alba at mga sutana .. Malaki po kasing paper bag ang binigay niya
" Salamat bunso ha?? "
" Walang anuman po, basta para naman daw sa'yo sabi ni Mama, okay lang .. "
" Maraming Salamat talaga! " pagpapasalamat niya ulit
" So, paano ba yan Kuya, kailangan ko ng umuwi, hindi kasi maganda tingnan sa isang monghang kagaya ko ang ginagabi ng uwi .. "
" Salamat sa pagdalo ha?? Mag-ingat ka bunso .. Mahal na mahal kita .. " and I hugged her
" Kuya?? Mahal mo'ko?? Bilqng ano?? Bilang kapatid?? " tanong niya habang nakayakap parin ako sa kanya
" Mahal kita bilang ikaw .. Mahal na mahal kita, pasensya ka na talaga, hindi kita maipaglalaban .. " drama ko
" Sus! Tanggap ko naman na po ee, ayos lang yun Kuya, masaya ako na natupad mo na ang pangarap mo .. " at bigla siyang humiwalay sa pagkakayakap ko
" Salamat talaga bunso .. " sabi ko habang naiiyak na
" Huwag kang mag-alala Kuya, iimbitahan kita sa Solemn Profession ko .. Huwag ka nang umiyak, maging masaya ka nalang para sa akin please .. " she said while smiling
Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay umalis na siya ..
YOU ARE READING
You are Mine
SpiritualeHighest Rank: #7 in Spiritual as of March 3, 2017 " Do not be afraid, I am with you I have called you each by name Come and follow Me I will bring you home I love you and you are mine " That is t...